Chap8

379 13 0
                                    

Mabilis akong kumilos dahil late na ako. Saglit ko muling sinulyapan ang sarili ko sa salamin. It's already Monday at may trabaho ako.

I'm working at RNBooks publishing company. Monday to Thursday lang ang schedule ko sa opisina.

Nginitian ko ang sarili ko nang makita ang aking repleksyon sa salamin. I'm wearing a red fitted dress na may itim pang laso sa kanang balikat ko. Hinayaan kong nakalugay ang aking buhok na bahagyang parang umaalon dahil may pagkakulot ito. Naglagay lang din ako ng light make up to enhance the features of my face. Nang makontento na ako ay nagmamadali naman akong lumabas na ng bahay.

Agad ko naman nakita ang taxi na tinawagan ko kanina. Mabilis akong sumakay dito at tinuro ang direksyon kung saan ako nagtratrabaho.

Wala pang isang oras ay nakarating na ako. Binati ko naman ang mga guard at ganun din sila sa akin.

"Buhay ka pa pala" Sarkastikong sabi ni Dea sa akin

Of course nagtatampo siya kasi hindi ko narereplayan ang mga messages niya. Puro naman kasi tanong about kay Rash eh.

"Alive na alive Dea" I said and smiled at her

"Hindi mo nirereplayan ang mga messages ko ah" Nakangiwing sabi nito sa akin

"Dea, kung kukumustahin mo si Rash siya ang tanungin mo. Hindi ako okay?" Pagpapaliwanag ko sa kaniya

"Bitter" Bulong na sabi niya ngunit narinig ko naman

Inikot ko na lang ang mata ko sa kaniya at binuksan na ang computer sa table ko saka naupo.

"So ano nang balita?" Tanong ni Dea

"Dea, can we not talk about Rash" Naiinis sabi ko sa kaniya

"Sino ba may sabi na si Rash ang tinutukoy ko?" Nanliliit ang mga matang tanong ni Dea

Agad naman akong napaiwas ng tingin sa kaniya at binuksan na ang folder na naglalaman ng iba't ibang istorya sa computer. Doon ko na lamang itinuon ang atensyon ko, ngunit ang babaeng madaldal na katabi ko ay ang kulit.

"I'm asking about your plans with Niko. Nagseselos ba?" She asked

"I don't know" Mahinang sabi ko

Wala pa akong nagagawa sa plano ko. Hindi ko pa nasisimulan. Parang ayoko na simulan.

"Niko is very in love with Abi. Ayoko na makagulo. Maybe I'll set Niko free" Walang gana na sabi ko

Kinagat ko naman ang pangibabang labi ko nang manlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang nagbabadyang lumandas mula sa aking mga mata.

"Nasasaktan ka ba kasi sinusukuan mo na si Niko? O nasasaktan ka kasi nasa sitwasyon ka nanaman na ganito? Giving up to your love one" Seryosong pahayag ni Dea dahilan para mapatingin ako sa kaniya

Agad naman siyang ngumiti sa akin ng tipid at saka pinunasan ang luhang lumadas na sa aking kanang pisngi.

"I really want to ask you this Yona. Hindi ko lang matanong kasi alam kong kinamumuhian mo ang pangalan niya dati and you're still hurt by hearing his name" Sumeryoso ang mukha niya at saka huminga ng malalim "Hindi mo na ba mahal si Rash?"

"Hindi na" Agad na sagot ko na tinanguan niya naman

Bakit parang may part sa akin na hindi sumang-ayon sa sinabi ng bibig ko? Bakit parang nagsinungaling ako? Bakit ang bigat sa pakiramdam? Maybe I'm just really too mad at him kaya kapag naririnig ang pangalan niya ay bumibigat ang pakiramdam ko.

"Do you really love Niko in a romantic way Yona?" Tanong pa nito

Agad na napakunot ang noo ko sa kaniya. Alam niyang mahal ko na si Niko. Saksi siya kung paano ako sumaya sa piling Niko, kung paano ako kiligin at kung paano ako masaktan nito.

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon