Napatigil ako sa pag-iyak nang may pusang lumapit sa akin. On it's neck mag nakaipit na pink rose. Kinuha ko naman at ito at kinarga ang pusa.
"Hey kitty" Paglalaro ko sa pusa
"I'm sorry" Napalingon naman ako sa lalaking nagsalita.
It's Rash.
Binaba ko na ang pusa at ang flower na nasa leeg nito ay tinapon ko sa katabing basurahan.
We became best friend Rash, bakit parang masama ang tingin mo sa akin? Dapat ikaw pa ang mas nakakakilala sa akin.
"Yona" Habol nito at hinawakan ang kamay ko
Hinayaan ko lang siya at tamad na tiningnan. Nang akmang bubuka na ang bibig niya ay siya namang pagtunog ng cellphone niya. Kinuha niya ito mula sa bulsa niya, hindi ko maiwasan na silipin ang caller's ID.
Kusang bumagsak ang luha ko nang mabasa kung sino ito.
Tanya.
You're back.
Umalis ka nga ba talaga?
O tinatago ka lang sa akin ni Rash para mapagpatuloy niya ang pangloloko sa akin?
Kayo pa din pala.
Kinalma ko ang sarili ko dahil ayokong umiyak na naman sa harapan ni Rash.
"Love" He whispered
Hindi ko na nagawa pang pigilan ang aking sarili at hinaltak ko na ang aking kamay sa kaniya. Mabilis akong tumakbo papalayo habang patuloy na naman ang luha ko sa pagtulo. Halos hindi ko na makita ng maayos ang dinadaanan ko.
Takbo lang ako ng takbo, hindi ko alam kung saan na ako pupunta. Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko. Parang binagsak ang mundo sa akin. Bakit naman sabay-sabay yung mga sakit?
Is this a sign for me to really give up for my feelings to Rash?
How? Kasi kahit alam kong nasasaktan ako ngayon alam kong titibok at titibok oa din ang puso ko para kay Rash.
Akala ko kaya ko pa siya makuha, akala ko kaya kong tanggapin ang sitwasyon, akala ko malakas na ako, akala ko kakayanin ko na but I was wrong. I'm still the stupid Yona who's stupidly in love with Rash.
Kung hanggang ngayon sila pa din ni Tanya, ibig sabihin matagal na silang nagsasama. Rash became really loyal to his girl, anong laban ko?
She's his everything and I'm just nothing.
He loves her and he's just using me.
Napatigil na ako sa pagtakbo nang isang lalake ang bumangga sa akin. Bago ako tuluyang mahulog sa sahig ay agad naman ako nitong nasalo.
Nakapikit lang ako hanggang sa itayo niya na ako ng maayos.
"Yona?" He called that made me open my eyes
"Francis?" I cried calling his name
Agad ko naman siya niyakap ng mahigpit.
"Bakit umiiyak ka nanaman?" He asked while caressing my back.
Hindi ako sumagot at umiyak lang ng umiyak.
"Yona, tell me I'll listen. Umiiyak ka nanaman" Mas lalo lang akong naiyak sa sinabi niya at mas hinigpitan ko ang yakap sa kaniya
Nagulat ako nang buhatin niya ako.
"Just cry Yona, hanggang sa gumaan ang pakiramdam mo" Bulong nito sa akin at nagsimula na maglakad habang buhat-buhat ako na pang-kasal
Siniksik ko ang mukha ko sa dibdib niya at doon na umiyak. I can smell him, ang bango niya. It comforted me more.
"It's Rash" I whispered that made him stop
"Again?" He raised his eyebrow at me
Tumango naman ako sa kaniya at muling siniksik ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib.
"He broke my heart again" Bulong ko sa dibdib niya
"You let him Yona" Sagot naman nito
Nakakainis.
Nang may madaanan kami na bench ay agad naman akong binaba ni Francis dito at umupo naman siya sa tabi ko.
"What happened?" He asked
"Sila pa rin pala ni Tanya" Sagot ko at agad na kinagat ang pangibabang labi
Hindi sumagot si Francis. Marahil ay wala na itong alam kung anong nangyayari kay Rash.
Tiningnan ko siya. Mas lalong gumwapo si Francis kumpara noon. Mas naging matured ang itsura niya. He looks like a prince in a t-shirt.
"At mahal mo pa din siya" He added
"Ang hirap niya kasing hindi mahalin Francis" Sabi ko kasabay ng pagkirot ng puso ko
I looked at him when he did not answered. Binigyan niya lang ako ng isang ngiting pilit.
"Did you let him explain?" Francis asked dahilan para mapangiwi ako
"His actions are enough Francis" Sagot ko naman na tinanguan niya ng dahan-dahan "He became a new version of Rash, parang hasang-hasa na siyang mangloko dahil sanay na sanay na magbato ng mga salitang siguradong mahuhulog ka"
"And? Is that your basis?" He asked that made me think more
"I can't feel the love Francis, parang lahat ng kilos niya ay walang kasiguraduhan. Sometimes he's masungit and he even lied to me about his relationship with Tanya" Sagot ko pa
Nakakagaan pala ng pakiramdam kapag may kausap ka.
"Hindi kaya, you're just new with his sweet side? 'coz he never got a chance to show you that. Not because you're unfamiliar with something, that's not mean that there's something wrong" Sagot pa nito
"Why I have this feeling na kinakampihan mo si Rash?" pinanliitan ko siya ng mata
Ngumiti siya sa akin ng pilit at saka uniling.
"A lot of boys like you back then when we're on High School, but no one got a chance to come near you and court you. There's this possessive guy who's always eyes are on you" Sinalubong ni Francis ang aking mga mata na agad ko naman iniwasan
I don't get him.
"You just need to find the reason Yona, stop doubting. Hindi porque nasasaktan ka, sinaktan ka na niya" Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya
Mas lalo akong naguguluhan sa kaniya. May alam ba siya na hindi ko alam?
"Tell me Francis, may alam ka ba?" Sinalubong ko ang kaniyang mga mata
Ngumiti siya sa akin ng tipid at saka umiling.
"Tara na? Ihahatid na kita sa inyo" Sabi nito at saka tumayo na
Nang hindi pa ako tumatayo ay yumuko siya para pantayan ang mukha mo. Tinaas niya ng bahagya ang kaniyang kanang kamay at pinunasan ang aking pisngi. Maybe there's some tears there.
"Don't cry again Yona, it also broke my heart. Akala ko tapos na, hindi pa pala" He said almost whispering at napapikit na lang ako nang halikan nito ang ilong ko gaya ng dati niyang ginagawa
"I hate it Francis" Naiiyak na sabi ko "I'm broke and you're here to wipe my tears"
"Shh" He said at saka inalayan niya na ako tumayo
"I hate how history repeats itself" I whispered
BINABASA MO ANG
We Met Again
RandomLife is indeed unpredictable. Expect the unexpected. Destiny is really playful. Anong gagawin mo kapag ang 5 years mong naging crush dati na lagi kang sinasaktan at pinagtatabuyan ay muli mong makita after 7 years? Asking you to be his girlfriend...