"You should act like you're deeply in love to me, okay?" Sabi ko sa kaniya nang patayin niya na ang makina ng sasakyan niya
"I'm not a good actor Yona" Walang emosyon naman na sabi nito at nauna nang bumaba
Agad naman akong napataray sa ere. Bumukas naman ang pinto sa side ko at agad na inalalayan ako ni Rash para makababa.
"Be sweet okay?" Sabi ko ngunit hindi niya naman iyon pinansin
Kinakabahan na ako nang makapasok kami sa restaurant at nakita si Crystal kasama ang boyfriend niya na si John Ventura. Paano kung biglang magsungit nanaman itong si Rash? Panigurado matutuwa si Crystal at hindi ko hahayaang mangyari iyon.
"Yona" Agad na napangiti si Crystal nang makita ako nito
Umupo na kami at nagpakilala sa isa't isa. In fairness may taste din pala si Crystal dahil may itsura din ang boyfriend niya, pero mas gwapo pa din talaga si Rash.
"I didn't know Sir that you already have a girlfriend" Sabi naman ni John
Nakita ko ang pagngiwi ni Crystal sa sinabi ng boyfriend niya. Maybe because her boyfriend called sir to Rash? or she just don't like the word girlfriend? But whatever the reason masaya ako sa itsura ni Crystal. Alam kong napilitan kang siyang ituloy ang double date na ito.
"You don't need to know" Sagot naman ni Rash dahilan para sabay na mamilog ang mga mata namin ni Crystal
Agad akong bumawi at ngumiti sa kanila habang si Rash ay naka poker face.
"Sorry" Tingin ko kay John at bumaling ako kay Rash saka pinulupot ko ang mga kamay ko sa braso ni Rash "Baby, don't be rude" Malambing na sabi ko
Narinig ko nanam ang pagtawa ni John kaya napatingin ako sa kaniya.
"Okay lang Yona, he's always like that. Sanay na kami" Sabi naman ni John dahilan para kumunot ang noo ko
Bad boss pala siya?
"Ma'am Yona" Rash corrected
Napahigpit na ang hawak ko sa braso ni Rash dahil inaatake na siya ng sakit niyang kasungitan at hindi na ako natutuwa. He's ruining everything!
"No it's okay, I prefer Yona" Ngiti ko naman
Nakita ko naman ang pagtaray ni Crystal na hindi na din natutuwa sa mga nangyayari.
Napunta naman ang atensyon lahat kay Rasy nang sinimulan niyang hiwain ang steak na nasa pinggan ko. Gusto kong mapangiti nang makita si Crystal na napaismid sa ginawa ni Rash.
"Thank you baby" Sabi ko naman at nginitian si Rash
Continue being sweet Rash nang hindi ako mainis sayo! Mamaya ka na magsungit! Stop ruining the date!
"No wine babe" Napatingin naman ako sa nagsalitang si John na nakabaling kay Crystal ngayon at nagtatangkang inumin ang wine niya
"I'll just sip" katwiran pa ni Crystal
"Nah" Umiling pa si John at kinuha na ang wine kay Crystal "Nalalasing ka sa wine babe, you'll just seduce me again. Ang hirap kayang magpigil"
Naka-auto taray na ata ang mata. Bakit ganiyan ang salitaan ng John na yan?
Tumingin sa akin si Crystal at napangisi. Nakakainis. Nasaan na ba ang mga salitaan ni Rash? Bakit ang tahimik niya ngayon? Ngayon niya ako harutin unggoy siya!
Tahimik lang si Rash hanggang matapos na kaming kumain. Nakakainis siya! Kulang na lang ay sumigaw ako ng walang forever dahil sa dalawang tao sa harapan ko na naglalandian. Hindi man lang ako hinarot ni Rash!

BINABASA MO ANG
We Met Again
RandomLife is indeed unpredictable. Expect the unexpected. Destiny is really playful. Anong gagawin mo kapag ang 5 years mong naging crush dati na lagi kang sinasaktan at pinagtatabuyan ay muli mong makita after 7 years? Asking you to be his girlfriend...