Chap9

361 11 0
                                    

Nang makalabas ako nang building ay agad kong tinanaw ang taxi na tinawagan ko. Ngunit bago ko pa ito makita ay isang kotseng pamilyar na ang huminto sa tapat ko.

Nauna nang umuwi kanina si Dea dahil nag-half day lang siya ngayon dahil may family dinner sila. Ngayon kasi ang uwi ni Tito sa Pilipinas.

Bumukas ang bintana ng kotseng nasa tapat ko at agad ko naman nakita si Rash na seryosong nakatingin sa akin. Agad ko naman siya tinarayan at nang tatalikod na sana ay agad itong bumusina ng sunod-sunod.

"Hoy! Unggoy ka talaga!" lumapit naman ako sa sasakyan nito

"Good evening Ms. Angry yet Beautiful" Sabi nito at saka ako nginisian

Agad naman ang pag-init ng magkabilang pisngi ko. Bakit kapag kaharap ko na siya nakakalimutan ko na galit ako sa kaniya. Hindi dapat ganito. Mali itong nararamdaman ko.

"Huwag ka dito mag-eskandalo" Sabi ko na lang at nag-iwas ng tingin sa kaniya

Nagulat ako nang bumukas ang pintuan sa side niya at lumabas siya. Habang naglalakad siya papalapit sa pwesto ko ay siya ding pabilis ng pabilis na pagtibok ng puso ko.

"Sakay na, ihahatid kita" Sabi nito at binuksan na ang pintuan ng kotse niya

Tinaasan ko naman siya ng kilay. Sa pagkaka-alala ko hindi ako pumayag na sunduin niya ako at ihatid sa bahay.

"Hindi ba't sinabi ko sayo, kahit ipagtulakan mo ako hinding-hindi kita susukuan Yona" He said in almost a whisper

Ngumiwi naman ako sa sinabi niya.

"Now, sakay" Utos niya sa akin

Nakatingin lang ako sa kaniya habang nakataas pa din ang kilay ko. Gusto ko sabihin sa kaniya na itigil na ang kalokohan namin. Gusto kong sabihin na hindi na tuloy ang pagpapanggap namin. Hindi ko na pagseselosin si Niko kasi tanggap ko na hindi ako ang para sa kaniya. Humanap na lang siya ng bagong babaeng ihaharap niya sa Lola niya. Ngunit walang salita ang lumalabas sa bibig ko.

"How can you look so beautiful with just raising your eyebrow?" Tanong nito sa akin dahilan para agad na bumaba ang kilay ko at kumunot ng noo sa kaniya

He looks serious. Agad ang pagtambol ng malakas sa dibdib ko. This is really wrong. I can see myself falling again to him. I can see myself crying because of him. I don't want to repeat our painful past.

"Sasakay ka o..." Sinadya niyang putulin ang sasabihin niya at saka ngumisi

"What?" Tamad na tanong ko

"Nah, this isn't the right time baby" Naiiling na sabi naman nito

Napataray na lang tuloy ulit ako sa kaniya.

"There's no right time for us" Sabi ko at nang tatalikod na sana para umalis ay agad naman ako nito pinigilan at hinawakan ang aking siko

"I'm sorry Yona. Hindi ka dapat nadadamay sa problema ko sa opisina" Seryosong sabi nito sa akin

Kumunot ang noo ko pero agad din naman ako nakabawi at napangiwi na lamang. So he's thinking na galit ako sa kaniya dahil sa nangyari sa opisina niya?

"Haizon!"

Bago pa ako makasagot ay pareho kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses na tumawag sa pangalan ni Rash. Agad na uminit ang ulo ko nang tumakbo pa ang babae papalapit sa direksyon namin.

"Hi Haizon" Muling bati nito kay Rash nang makalapit kaya napataray na lang ako

I'm here. Ako ba hindi niya babatiin? Tipid naman na ngumiti sa kaniya si Rash kaya naman napangisi ako.

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon