"Half day lang ako ngayon Dea" Sabi ko kay Dea
"At bakit? May date kayo ni Rash? Nakakahalata na ako Yona ah" Sabi nito habang ang mga mata niya ay busy sa pagbabasa ng kung ano sa tambak na papel sa table nito
"Dea, ilang beses ko bang sasabihin? I'm just using Rash. Kailangan ko galingan ang pag-arte. And hindi kami magda-date, pupuntahan ko siya sa office niya" Sagot ko naman
"Arte ba talaga? Eh mukhang naghahanap ka na lang ng dahilan para hindi mapalayo kay Rash?" She asked saka niya tinigil ang ginagawa niya at nilingon ako
Dea will be Dea. Wala akong matatago na sikreto sa kaniya. Inihinto ko din ang ginagawa ko sa computer at saka hinarap siya.
"Dea, alam kong hindi kita matataguan ng sikreto. Yes, Dea. Siya pa din. Hindi naman talaga nawala ang pagmamahal ko kay Rash. Pinilit kong takpan at palitan pero sa huli siya at siya pa din" Pag-amin ko
Narinig ko naman ang mabigat na paghinga ni Dea. Hindi na siya nagulat dahil mas nauna pa ata siyang nakaalam nito kaysa sa akin.
"I tried to put my feelings to Niko, sinubukan kong sa kaniya ibigay ang puso ko. But what I forgot is... wala din pala sa akin ang puso ko. Nadala pala ni Rash nang umalis ito. How can I give my heart to someone kung wala akong maibibigay kasi hindi ko din hawak?" Napatungo na ako dahil nararamdaman ko na ang pagtutubig ng mga mata ko
"I know Yona. Nakikita mo lang si Rash kay Niko" Sabi pa ni Dea dahilan para tuluyan na akong maiyak
Mabuti na lang at absent ni Jake. Malaya akong makakaiyak kasi dalawa lang kami ni Dea dito sa loob.
"I'll enjoy being with him Dea, bahala na kung masaktan ako ng higit pa sa dati. I'll take the risk" Sabi ko at matapang na pinunasan ang mga luha ko
"Bakit ayaw mo umamin?" Tanong ni Dea dahilan para kumirot ang puso ko
"I'm scared. Natatakot ako Dea. What if pag-umamin ako muli niya akong iwan? Paano pag nalaman niya na ang nararamdaman ko ay bigla siyang lumayo?" Pabigat ng pabigat ang puso ko sa tuwing aalalanin ko ang kahihinatnan o ang resulta nito
Hindi ko na kakayanin pa kung iiwan niya ulit ako. Hindi ko na alam kung mabubuo ko pa ba ang sarili ko. Hindi ko na alam kung pagkatapos ay magagawa ko pang magmahal ulit. Hindi ko na alam.
"Iniisip ko din na itira ang nararamdaman ko para sa akin Dea. Para kapag iniwan niya ako? Sasabihin ko na hindi ko naman talaga siya minahal. Ayokong malaman niya na talo na naman ako sa laro naming ito" Dagdag ko pa
Umiyak lang ako ng umiyak. Walang ibang sinabi si Dea at pinakinggan niya lang ako. She's just caressing my back para iparamdam niya na nandiyan lang siya sa tabi ko at hindi ako nag-iisa.
Kaunti lang ang nagawang trabaho ko dahil sa kadramahan namin. Medyo magaan din pala sa pakiramdam kapag nagsabi ka na ng totoo. Kapag hindi mo na lang ito tinatago sa sarili mo.
Lunch time na at dahil half day lang ako ay uwian ko na. Nagpaalam na ako kay Dea at nagpasalamat sa kaniya. She's always there beside me. Mas kilala niya pa nga ata ako kaysa sa sarili ko. Kaya naman ang swerte ko talaga kay Dea.
Nagmamadali akong pumara ng taxi. Dumaan muna ako sa isang mall at bumili ng cake saka nag-take out ng pagkain. I'll bring him some lunch. Matapos ay sumakay na ulit ako ng taxi papunta sa opisina ni Rash. Binati ko ang guard at natatandaan naman ako ng ibang employees kaya nginitian ko sila. Bago ako makasakay sa elevator ay nadaanan ko muna ang secretary nito. Mabuti at natatandaan ako nito kaya hinayaan niya akong makalapit sa elevator. Agad akong dumiretso sa 26th floor kung nasaan ang office ni Rash.
"Lora, I told you mamaya na ako kakain may tatapusin lang ako" Sabi ni Rash na hindi nililingon ako
Akala niya ay ako ang secretary niya at ibig sabihin hindi pa nga siya kumakain dahil sa binitawan niyang linya. Agad naman akong napangiti.
"Okay baby, babalik na lang ako" May pagkalungkot sa boses ko
Agad naman siyang napatigil sa ginagawa niya at napatayo siya nang lumingon siya sa gawi ko. Nakita ko pa ang bahagyang paglaki ng mata niya pero agad niya ding nabawi. Ang gwapo naman magulat.
"Yona, what are you doing here?" Tanong nito at saka nilapitan ako
"Lunch?" Tanong ko sa kaniya
Napatingin siya sa kaninang pwesto niya at napakamot sa kaniyang batok. Mukhang madami nga siyang ginagawa.
"Just continue kung anong ginagawa mo, susubuan na lang kita" Nakangiting sabi ko
Napansin ko ang pagpula ng kaniyang tainga. Bakit kahit ang tainga niya ay ang gwapo? Nababaliw na ba ako?
Nang hindi pa siya kumikilos ay ako na ang nauna sa table niya. Hinila ko ang upuan na nasa tapat nito at itinabi sa kaniyang inuupuan kanina. Inayos ko na din ang bitbit kong pagkain. Napatingin naman ako sa kaniya na nakatingin lang sa akin ngayon. Kinunutan ko siya ng noo.
"Bakit? Ayaw mo? Mabilis naman ako kausap" Sabi ko na kunwari ay liligpitin na ang mga inihanda ko
Agad naman siyang lumapit at pinigilan ako kaya lihim akong napangisi.
"You're back Yona. Ginugulat mo nanaman ako sa mga ginagawa mo. And... I like it" Sabi nito at pabulong na ang sa dulo
Pinigilan ang ngumiti sa sinabi niya. Umupo na ako sa upuan at ganun din siya.
"Do you mind if we're just going to share in one spoon?" Tanong ko sa kaniya
"Actually, I don't mind tasting the food using your lips" Nakangising sabi nito
Ramdam ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko. Hindi pwedeng makita niya na kinikilig ako. Potek na Rash.
Pasikreto kitang kukunin Rash pero play safe ako, hindi ko ipapaalam sayo ang nararamdaman ko. This time, medyo gagamitin ko na ang utak ko. Hindi na puro puso. Alam kong masasaktan pa din ako, but at least not the way na alam mong talo ako sa laro. At the end of the day kapag iniwan mo ako, ipapakita ko na wala lang ang lahat sa akin. But for now, I'll try na gawing totoo iyang mga nararamdaman mo. Baka sa ikalawang pagkakataon, hindi mo na ako iwan.
Busy si Rash sa kaniyang ginagawa habang ako naman ay busy naman sa pagsubo sa kaniya ng pagkain at siyempre kumakain din naman ako.
Nang maubos na ang pagkain ay agad ko na itong niligpit. Ngunit hindi pa din ako umaalis sa pagkakaupo sa katabing upuan ni Rash. Mas gusto ko dito kaysa sa itim na sofa.
"Here" Bigay niya sa akin ng phone niya
Tumaas ang kilay ko. May phone naman ako. Anong gagawin ko sa phone niya?
"You can online shopping para hindi ka mainip" Sabi nito
"Bilhin mo na lang ang buong Lazada at Shopee" Sabi ko na pabiro
"Okay" Nanlaki naman ang mata ko sa pagsang-ayon niya at akmang may tatawagan sa phone ay agad ko itong inagaw sa kaniya
Nangunot naman ang noo niya sa akin. Mayaman nga talaga ang isang ito, hindi mabiro.
"Biro lang iyon" Sabi ko naman
"Okay lang naman Yona, I can buy it" Sabi pa nito at muling kukunin ang phone sa akin ay agad ko itong nilayo at ilang beses na umiling
Magbiro ka na sa lasing huwag lang sa isang mayaman na bagong kain.
"Just tell me what you want Yona, kahit maubos ako I'll give it to you" Seryosong sabi nito na nagpabilis ng tibok ng puso ko

BINABASA MO ANG
We Met Again
RandomLife is indeed unpredictable. Expect the unexpected. Destiny is really playful. Anong gagawin mo kapag ang 5 years mong naging crush dati na lagi kang sinasaktan at pinagtatabuyan ay muli mong makita after 7 years? Asking you to be his girlfriend...