Tahimik lang ang naging buong byahe namin hanggang sa tumigil kami sa isang restaurant na halata mong pangmayayaman talaga.
"Sa fast food na lang tayo Rash, mahal ang mga pagkain diyan" Hindi ko mapigilang sabihin sa kaniya
"It's okay, my treat" Sabi nito nang makapag-park na siya ng maayos at nauna nang bumaba.
Siya ang nagbukas ng pinto sa akin at inalalayan niya akong makababa sa kaniyang sasakyan. Inilahad niya ang kaniyang siko sa akin na kinunutan ko lang ng noo. Required ba na nakaganiyan pag-pumasok?
"Please" Sabi niya at saka siya na ang kumuha sa kamay ko at ikinawit sa kaniyang braso.
Nang makapasok kami ay talagang napahanga ako. Sobrang relaxing ng aura dito dahil halos puro puti lang ang makikita mo.
"Table for two" Sabi ni Rash nang may lumapit sa amin na waiter
Sinamahan naman kami ng waiter hanggang sa table namin. Ipinaghila pa ako ng upuan ni Rash bago siya umupo sa katapat kong upuan.
"Order everything you want" Sabi nito dahilan para may bumalik na ala-ala sa akin.
"Bakit ka umiiyak?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng isang lalake sa tabi ko.
Kasalukuyan akong nasa shed sa labas ng school kung saan ang terminal ng jeep.
Nang lingunin ko kung sino ito ay agad na bumilis ang tibok ng puso ko at nagwala ang mga alaga ko sa tiyan na parang tuwang-tuwa at excited sila dahil sa pagsulpot ng lalaking ito.
"Bakit nandito ka pa Rash?" Pag-iiba ko ng usapan at saka pinunasan ang aking mga luha.
"May tinapos kaming project" Simpleng sagot niya na tinanguan ko naman
Umupo siya sa tabi ko. Maghihintay siguro siya ng jeep. Wala naman talaga akong hinihintay, gusto ko lang muna tumambay dito at ayoko pa umuwi.
"So bakit ka nga umiiyak?" Tanong niya pa
"Nag-away kasi kami ng kaibigan ko" Wala akong nagawa kung hindi sabihin na sa kaniya ang totoo.
Natahimik na siya at hindi na nagsalita pa.
"Rash gusto mo ba kumain muna? My treat" Lakas-loob na yaya ko sa kaniya

BINABASA MO ANG
We Met Again
RandomLife is indeed unpredictable. Expect the unexpected. Destiny is really playful. Anong gagawin mo kapag ang 5 years mong naging crush dati na lagi kang sinasaktan at pinagtatabuyan ay muli mong makita after 7 years? Asking you to be his girlfriend...