Chap11

342 14 0
                                    

Hindi ako palasakitin nung bata ako. Naging lang nung panahon kung saan pinagtatabuyan na ako ni Rash. Every night I cried hard tapos pagkagising ko mabigat na ang pakiramdam ko. Kahit mabigat ang pakiramdam ko ay pumapasok pa din ako sa school kahit alam kong mas bibigat lang dahil may pag-asa na makita ko siya kasama si Tanya. Ginawa ko ang lahat para makaiwas sa kaniya.

"Naalala mo ba nung nadapa ka nang hinahabol mo ako para ibigay ang regalo mong earphone para sa akin?" Tanong niya

Of course I remember. Birthday niya iyon. Mahilig kasi siya magsuot ng earphone kaya iyon ang naisip kong iregalo sa kaniya. I was 15 years old back then.

"Rash!" Sigaw ko habang nanakbo at pilit na inaabutan siya

Ngunit bago ako makalapit sa kaniya ay nadapa na ako. Narinig niya siguro ang sigawan ng mga taong nakatingin sa akin kaya napatingin na din siya sa likuran niya. Tinanggal niya ang nakasalpak na earphone sa magkabilang tainga niya at agad ako na dinaluhan.

"Bakit ang bingi mo?" Naiiyak na tanong ko sa kaniya

Narinig ko naman ang iilang mga mura niya.

"Sorry I didn't know" Sabi nito at saka nagulat ako nang iakbay niya ako sa kaniya at buhatin ako nito

Kaka-break lang nila Bianca. Hindi ko nga alam kung ano ang naging problema nila kung bakit sila naghiwalay. Masama na kung masama pero natutuwa ako.

Iniupo niya ako sa isang bench at saka siya umupo sa harap ko at tiningnan ang tuhod ko na may sugat.

"Takbo kasi ng takbo" Naiiling na sabi nito na ikinasimangot ko naman

"Kapag hindi ako tumakbo hindi kita maabutan" Sabi ko naman

Kinuha niya ang magkabilang braso ko at tiningnan ang mga ito. Napangiwi ako nang maramdaman ang hapdi sa kaliwang braso ko. May kinuha siya sa bag niya.

"Good thing na sumakto ang first aid kit project namin ngayon" Naiiling na sabi nito at nilabas ang pouch na itim sa bag niya

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon