Pagkalabas ko ng bathroom which is sa floor niya din kaya hindi na ako nahirapan pa, naabutan ko siya na nakatutok pa din sa computer niya. Ang workaholic naman pala nito.
Muli akong bumalik sa pwesto ko kanina, naupo ako muli sa itim na sofa. Nang lingunin ko siya ay nakatutok pa din ang atensyon niya sa computer. Tinarayan ko na lang siya at kinuha na ang phone ko para libangin ang sarili ko.
Binuksan ko ang twitter account ko at hindi na inabala pang buksan ang mga messages dito. Scroll lang ako ng scroll, hindi ko nga binabasa ang mga tweet na nakikita ko.
Bigla ko naman naalala ang paghalik ni Rash sa pisngi ko kagabi. Hanggang ngayon parang nararamdaman ko pa din ang labi niya sa pisngi ko.
Nilingon ko siya at busy pa din siya sa computer. Bigla ang pagbilis ng tibok ng puso ko kaya naman iniwas ko na ang paningin ko sa kaniya. Bakit ganito nararamdaman ko? Alam kong hindi dahil sa galit ako sa kaniya kaya ganito ang puso ko. Alam kong may iba pang dahilan at natatakot akong kumpirmahin ito. Hindi pwede, masasaktan lang ulit ako. Dapat matuto na ako. Pinangako ko sa sarili ko na sa susunod na pagkikita namin ni Rash kung pagbibigyan ng tadhana ay wala na akong mararamdaman pa, hindi ko na siya mamahalin pa. Sapat na yung sakit na pinadama niya sa akin noon ng limang taon. 13 years old pa lang ako ay naranasan ko na masaktan ng dahil sa kaniya.
Huminga ako ng malalim at saka kinagat ang pangibabang labi ko dahil nararamdaman ko ang panunubig ng mga mata ko. Iiyak na naman ba ako ng dahil sa kaniya?
Tumayo ako at agad ko naman nakuha ang atensiyon niya. Nakatingin na siya sa akin ngayon kaya pinilit ko ang sarili ko na ngitian siya.
"Uuwi na ako Rash" Paalam ko sa kaniya na tinaasan niya lang ng kilay
Kumunot naman ang noo ko sa kaniya at hinihintay ang isasagot niya ngunit nang maubos ang pasensiya ko ay tinarayan ko na lamang siya. Nang makatalikod ako at hahakbang na sana para makaalis ay napatigil ako dahil sa bigla niyang pananalita.
"Ako ang mag-uuwi sayo Yona" Napangiwi naman ako sa sinabi niya
Muli ko siyang nilingon at saka tinaasan ng kilay.
"You're busy. I understand" Sabi ko naman at saka tatalikod na sana nang mabilis siyang naglakad papalapit sa akin
"I told you, ako ang mag-uuwi sayo Yona. Can't you wait?" Sabi nito na ikinainis ko
"Bakit parang naiinis ka?" Tanong ko naman sa kaniya pabalik
"Kasi ang kulit mo Yona" Sagot pa nito dahilan para tuluyan na akong tumalikod
"Please baby, cooperate. May problema lang sa opisina" Bigla naman mahinahong sabi nito habang nakayakap sa akin mula sa likod
Nanlaki naman ang mata ko at agad na nagpumilit na kumawala sa kaniya ngunit mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin.
"Bakit? kasalanan ko ba na may problema ka sa opisina? Bitawan mo ako Rash!" Pinalo-palo ko na ang braso niya
"Not this time Yona. I'll keep you this time baby" Pabulong na sabi nito ay sinadya pa atang idikit ang labi niya sa tainga ko
Agad akong nangilabot. Ang puso ko ay sobrang bilis na ng tibok. Para akong nauubusan ng hangin. Parang may kung ano sa tiyan ko na naghaharutan. Ano ba itong nararamdaman ko? Mali ito. Hindi na dapat. Kung mayroon man akong pwedeng maramdaman, dapat galit na lang.
"Oops-" Agad kaming napatingin sa elevator na nakabukas na at isang lalaking mala-adonis din ang nasa loob nito.
Kinurot-kurot ko ang braso ni Rash para bitawan niya na ako ngunit mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Dikit na dikit na ang katawan namin. Ramdam ko na ang init ng katawan niya.
"What?" Walang emosyon na tanong ni Rash sa kakadating pa lang na lalaki
"About the document couz" Sabi naman nito at saka ngumisi "But before that, ipakilala mo muna ako sa magandang binibini na ikinukulong mo sa iyong bisig"
Ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. Wala na akong ibang naisip pang gawin kung hindi ang kagatin ang braso niya para makawala ako.
"Araaay!" Sigaw naman ni Rash at nabitawan niya na ako
Tiningnan niya ako ng nagtataka ngunit tinarayan ko lang siya. Nagtaka ka pa kung bakit kita kinagat, eh hindi na ako makahinga sa pagkakayap mo sa aking unggoy ka!
"Guys, mamaya na kayo magkagatan" Bigla namang singit ulit ng lalake
Ito naman ang tiningnan ko ng masama. Sino ba ang pakielamerong lalaking ito? Nakakainis siya. Isa pang ngisi niya sasapakin ko siya.
"Bakit? Gusto mo din makagat?" Tanong ko naman dito pabalik
Sa halip na matakot ay tumawa lang ito kaya kumunot ang noo ko at napatingin kay Rash na sinuklay ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang kanang kamay.
"Couz, inosente" Natatawang sabi nito "Sige magandang binibini kagatin mo din ako"
Agad na pumunta sa aking harap si Rash at hinarangan ako sa lalake. Buti na lang kasi naiinis na ako, baka hindi lang ako makakagat at makapatay na ako.
"Where's the document?" Pag-iiba ni Rash ng usapan
"Haizon hindi ka naman mabiro. Sige na, sayo lang kakagat iyang babae na yan" Nakangiwing sabi naman ng lalake ngunit nagtapos din sa isang ngisi
Narinig ko naman ang pagmumura ni Rash ng mahina. Nakakaasar naman kasi talaga ang ngisi ng lalake. Gwapo nga ito ngunit nakakainis.
"Satingin mo naman hahayaan ko siyang kumagat sa iba Gab?" Sagot naman ni Rash na ikinakunot ng noo ko
Ano ba ang kagatan na pinag-uusapan nila? Bakit parang iba ang meaning sa kanila? Gustong-gusto pa ata nila masaktan sa kagat.
"That's my cousin" Nakangising sabi naman ng lalake na Gab ang pangalan dahil narinig ko sa sinabi ni Rash.
"Guys, matagal pa ba kayong mag-uusap?" Sarkastikong tanong ko naman sa kanila
"Base on my cousin's reaction, you're Yona. Am I right?" Hindi pa din nawawala ang ngisi nitong Gab nang tanungin ako
"Yes" Maikling sagot ko habang nakataas pa din ang kilay sa kaniya
"Huwag ka na mastress Haizon, I already got the document. Problem solved. Pwede mo na gantihan ng kagat si Yona" Pinakita ni Gab ang brown document na hawak niya at saka ito iniwan sa table na malapit sa kaniya at kumindat pa ito sa amin bago tuluyang pumasok sa elevator at umalis na
Agad kong sinalubong ng tingin si Rash at tinaasan ng kilay.
"What's with those kagat Rash? Bakit parang gusto mo pa na kagatin kita?" I asked
"Don't tempt me Yona. I'm not good at explaining, pinapakita ko Yona. Ginagawa ko. Don't ask, baka hindi mo magustuhan" Masungit naman na sabi nito
Ang moody naman nitong lalake na ito. Walang pinagbago.
"Ihahatid na kita bago pa kita makagat" Sabi nito at kinuha ang susi ng kotse niya sa cabinet ng table niya
BINABASA MO ANG
We Met Again
RandomLife is indeed unpredictable. Expect the unexpected. Destiny is really playful. Anong gagawin mo kapag ang 5 years mong naging crush dati na lagi kang sinasaktan at pinagtatabuyan ay muli mong makita after 7 years? Asking you to be his girlfriend...