Chap14

341 12 0
                                    

"Oh my gosh! Nakita mo ba ang itsura niya?" Natatawang tanong ko kay Rash

Nasa loob na kami ng sasakyan niya ngayon

"Yeah" Walang gana na sabi nito

"Umaayon talaga sa akin ang tadhana. Akalain mo yun? Sa kompanya mo pa nagtra-trabaho ang boyfriend niya? You're so rich naman po pala" Masayang sabi ko pa

Lagi talagang nananalo ang kabutihan sa kasamaan. Good mood tuloy ako ngayon.

"So totoo ba na sasamahan mo na ako sa Friday?" Tanong naman nito

Napaisip naman ako. Mas maganda kung magpo-post ako sa social media ko na kasama ko si Rash. I'm sure makikita ito ni Crystal demonyita.

"Yep" Nakangiting sabi ko naman

Maya-maya pa ay hindi ko napansin na nasa tapat na pala kami ng work place ko. Masaya akong nagpaalam sa kaniya.

"I'll wait for you mamaya ah" Sabi ko sa kaniya at saka kumindat

Mapapakinabangan ko pa pala si Rash. Hahayaan ko na muna siyang makalapit sa akin. I'll plan my revenge for Crystal Demonyita.

Tinaasan naman agad ako ni Dea nang kilay nang makapasok ako sa loob ng opisina.

"Mukhang nagkakamabutihan na kayo ah?" Pinaningkit pa ni Dea ang mata niya sa akin

"Mali ka ng inaakala Dea. Nakita ko kasi si Demonyita kanina" Nakangiting sabi ko

"Crystal? Your former classmate? Ang insecure na babae sayo?" Sunod-sunod na tanong nito kaya sunod-sunod din ako na tumango sa kkaniya

"May plano na ako for my revenge" Sabi ko na nnakangisi

"Ano naman iyon?" Tanong nito

"I'll use Rash" Sabi ko na nakangisi

"Why?" Agad na tanong niya

Kinuwento ko naman sa kaniya ang buong pangyayari. Kinuwento ko din ang nangyari na kiss. Hindi ko na lang pinansin ang panunuya niya sa akin dahil ako ang unang humalik. I'm just hypnotized that time.

"Ang liit talaga ng mundo" Naiiling na sabi ko

"Siguraduhin mo lang na sa huli hindi ikaw ang iiyak Yona" Pagbibigay babala sa akin ni Dea

"Why would I? Tapos na ako diyan" Sabi ko naman na taas noo pa

Nasa good mood lang ako kaya ganito pero alam ko sa sarili ko na talo na naman ako.

Mabilis na tumakbo ang oras. Maya-maya pa ay out na namin. Sabay kaming tatlo ni Jake at Dea na lumabas. Si Jake ay nauna na dahil naka-motor ito. Si Dea naman ay kasabay ko, naghihintay pa siya ng taxi at ako naman ay hinihintay ko si Rash.

"Bye na Yona" Sabi nito nang may taxi na at bumeso na sa akin

Ilang minuto na akong nakatayo at wala pa din si Rash. Naiinis na ako kaya kinuha ko na ang cell phone ko at tinawagan siya.

"Hoy unggoy ka! Nasaan ka na? Sumasakit na ang maganda kong legs! Kanina pa ako nakatayo kakahintay sayo!" Inis na sabi ko sa kaniya

"On my way baby" Sabi naman nito na nagpaikot sa mata ko

Napangiti ako sa pag-tawag niya sa akin ng baby. Naalala ko kung paano ko siya kanina tawagin ng baby. Bakit ang sarap sa feeling? Baka ako talaga ang tunay niyang nanay?

Maya-maya ay may bumisina na at natanaw ko na ang sasakyan ni Rash. Agad na bumukas ang bintana nito sa side ko.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong ko kaagad

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon