Chapter 31

264 11 0
                                    

"Francis" Tawag ko sa pangalan niya

"I know it's not the right time para aminin sayo ito Yona. There's no right time for us" He smiled "It's always you and Rash"

Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin sa kaniya. He's my friend, why confessing now?

"Hear Rash's side Yona. Let him explain. Hindi kita papakawalan dati kung alam kong hindi ka kaya suklian ni Rash ang pagmamahal mo. Ayokong mapunta sa wala yung sakit, hirap, at paglunok ng pride na pinagdaan ko" He laughed

Sa bawat tawa niya alam kong nasasaktan siya. Ganun na ba ako kamanhid? Hindi lang ako ang nasasaktan, meron pang iba sa paligid. Am I being selfish? But what can I do? Hindi naman ako ang may gusto nito, my heart chose this.

"Kung pwede lang Francis na pumili ng gugustuhin, ikaw ang pipiliin ko" I said

He smiled but in his eyes bakat ang lungkot at sakit. Nakikita ko ang sarili ko sa kaniya.

"But you can't" Nag-iwas siya ng tingin sa akin

"I'm sorry Francis" I sincerely said

Ngumiti siya at nilagay sa kamay ko ang kwintas ng pusa.

"Hindi ako umamin para pilitin ka na ako ang gustuhin mo Yona, I'm still your friend. Gusto ko lang na kahit isang beses, pakinggan mo si Rash. Magtiwala ka sa kaniya. Magtiwala ka sa taong mahal mo" Seryosong sabi nito

Nalilito na ako. Paano ako magtitiwala sa taong sinaktan ako?

"I don't know Francis" I honestly said "But he said that it's not the right time for him to explain" dagdag ko pa

"Nakapaghintay ka nga ng ilang taon, hindi mo na ba kayang maghintay pa? Isa pa, maghintay ka o hindi, yung puso mo sa kaniya at sa kaniya pa rin titibok" He patted my head ang gave me a smile

I smiled back at him. He's really a true friend.

"Gustuhin ko man na mapasaakin ka, kung  hindi ka naman masaya at kuntento debale na lang" He whispered dahilan kung bakit ko siya niyakap

This is the only thing that I can give to him. 

Kinabukasan ay Friday at wala akong pasok. I woke up early, I already decided. Pupuntahan ko si Tanya.

Good morning <3
-Rash

Napangiti naman ako sa aking nabasa. May nalalaman pa siyang heart. Tss. Agad ko ding binawi ang aking ngiti.

Mabilis akong nag-ayos ng aking sarili at saka pinuntahan ang cafe kung saan kami mag-uusap ni Tanya.

Baby, stop worrying about your weight. Papatabain talaga kita para hindi ka na agaw pansin ng ibang lalake. Eat your breakfast. I'm in a meeting.
-Rash

Pinipigilan ko ang aking pagngiti sa aking nabasa. I am really crazy.

Agad kong nakita si Tanya at agad din ang pagbigat ng dibdib ko. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang ganda niya. She's wearing a red dress that emphasizes her sexy curves at naka high pony tail din siya ng isa. She's like Arianna Grande, mas maputi nga lang siya kay Arianna.

"Hi" Bati ko nang makalapit

"Hello" She greeted me with her dimples

Nang tumayo ito at nakipagkamay sa akin ay para akong nanliit. Mas matangkad siya sa akin. She's perfect for model. Sabay na kaming naupo. I can see her thick eye lashes from here. No wonder why Rash loves her so much.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa" She said while smiling

"Sure" I smiled back

She raised her right hand. This can't be. Agad ang mabilis na pagtibok ng aking puso.

"Engaged na kami ni Rash" She smiled sweetly and I can't smile back

Paniniwalaan ko ba siya?

"Well..." She sighed when I didn't respond

May kinuha siyang envelope at binigay iyon sa akin. Kinuha ko naman ito at binuksan.

"Pumirma na si Rash, he will marry me" Sabi niya nang mailabas ko na ang papel sa loob

This is Rash's signature. I'm sure of it. May mga picture pa na habang pumipirma si Rash at picture nilang dalawa habang parehong may sing-sing sa kamay.

"Pero bakit-" Bago ko pa matapos ang tanong ko ay sumagot na siya agad

"Umayaw ako nung una Yona, I told him that I can't marry him. Sobra siyang nasaktan, naghanap siya ng iba para pagselosin ako. Super effective naman, I got jealous sa inyong dalawa" She started explaining "Ngayon, hindi niya magawang masabi sayo kasi naging magkaibigan kayo kahit papano at ayaw ka niyang masaktan. Hindi niya naman daw alam na mahuhulog ka ulit sa kaniya"

Bago pa ako makapag-react sa kwento niya ay may humila sa akin patayo.

"What are you doing Tanya?!" Sigaw ni Rash

Ngayon ko lang nakita ang sobrang galit na itsura ni Rash. Nakakatakot. We're creating a scene dito sa cafe. Ang mga tao ay nakatingin na sa amin.

"Rash" Gulat na tawag ni Tanya sa pangalan ni Rash

"You're that desperate? Sinabi ko na sayong saktan mo na ako, wag lang si Yona. Huwag ang babaeng mahal ko" May diin na sabi niya na para bang lahat ng sinabi niya ay kailangan marinig ni Tanya

Sinong paniniwalaan ko?

"Nirerespeto kita Tanya dahil naging kaibigan kita, but you're being too much! Baka makalimutan ko na babae ka" Pagbabanta pa ni Rash kay Tanya

Naguguluhan na ako.

"Rash, alam natin kung ano ang totoo. Ikakasal na tayo!" Sigaw naman ni Tanya

Muli akong napatingin sa mga picture kanina na nasa loob ng envelope.

"Is that true? Totoo bang pumirma ka sa kasalan na yan Rash?!" Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili na sumabat

"Yes but-" Hindi ko na siya pinatapos pa magsalita

Sabihin niya man na mahal niya ako, hindi sapat dahil ikakasal na siya.

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon