Chap24

290 8 0
                                    

I'm in front of the mirror. Pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Hindi pa din kasi dumadating sa bahay si Rash. Hindi ko maiwasan ang mag-alala sa kaniya.

I'm wearing a fitted red dress na umabot lamang ang laylayan sa kalahating binti ko. It looks great on me. Kitang-kita ang curve ng katawan ko. Sa part ng tiyan ay net style naman ito kaya kita na naman ang tiyan ko. I suddenly remember Rash.

"Ang ganda talaga ng anak ko" Puri sa akin ni Papa nang makapunta na ako sa sala

Hinanap ng mata ko si Rash. Baka lang naman na nandito na siya at nakalimutan lang nila ako tawagin. Stupid. Nasaan na ba kasi ang lalaking iyon?

"Sigurado akong magugustuhan mo siya anak" Ngiti naman sa akin ni Mama habang inaayos ang ilang hibla nang buhok ko na humarang na sa mukha ko

Hinayaan ko lang kasi na nakalugay ang buhok ko. Marami kasi ang nagagandan sa  natural na estilo ng buhok ko kung saan ito ay may alon-alon na kulot. Maybe I got it from my father, medyo kulot kasi si Papa at nasa lahi nila.

"Ang prinsesa namin dalaga na" Nginitian ako ni Papa dahilan para mapangiti na din ako

"Ihahatid ba ako ng hari at reyna?" Tanong ko naman

"Your prince is waiting outside" Ngiti naman ni Mama

What a weird Royal family. I like princesses simula bata pa lang ako kaya naman nasanay na kami sa ganito.

"Yonnalyn Nazzi Brawlt, what time ang curfew?" Tawag ni Papa sa buong pangalan ko dahilan para mapangiwi ako

"9pm" Tamad kong sagot

"Sige na at hinihintay ka na sa labas ng gwapong binata" Nangingiti naman na sabi ni Mama

Tumaray muna ako sa hangin bago ako lumapit sa kanila at bumeso.

Sa pinto na lang ako nila inihatid at hinayaan na ako maglakad palabas ng gate.

Agad na sumalubong sa akin ang isang kulay puti na magarang sasakyan. Bumukas ang pinto nito at agad naman na namilog ang mata ko kasabay ng mabilis na tibok ng puso ko nang makita kung sino ang bumaba sa sasakyan.

"Good evening" Bati nito at saka ngumisi

Agad kong inikot ang paningin ko. Nasaan na ang date ko? Baka makita niya si Rash.

Nang wala akong makita na anino ng ibang lalake ay muli kong binalik ang paningin ko kay Rash na nakangisi pa din sa akin. Hindi kaya...

"Hoy! May inaway ka ba?" Sita ko sa kaniya

Baka inaway niya ang ka-date ko dapat at pinaalis na?

Kumunot ang noo niya at saka tinuro ang sarili niya.

"Hindi ikaw. May iba akong kausap" Sarcastic na sabi ko at akmang tatalikod na para bumalik sa bahay ng muli itong magsalita

"Saan ka pupunta?" He asked

"May lakad ako Rash. Umuwi ka na sa inyo" Sabi ko naman nang muli na humarap sa kaniya

"Saan naman ang lakad mo?" Tanong nito dahilan para mapataas ako ng kilay

"None of your business" Sabi ko sabay flip hair pa

"Bukod sa date natin, saan pa?" He asked again

Napatigil naman ako sa pag-alis dapat. Date namin? Anong sinasabi niya? Hindi niya naman ako niyaya ng date ah! Don't tell me...

"Yes Baby. I'm your date tonight" Ngumisi ito at saka lumapit sa akin

Nang makalapit ay agad niya naman hinagod ang kaniyang paningin sa kabuuan ko. Napangiwi siya nang mapadaan sa tiyan ko ang tingin niya.

"You really want to boast your stomach?" Taas kilay na tanong nito sa akin

"Paano naging ikaw ang date ko?" Balik tanong ko instead of answering his nonsense question

"I have my own ways Yona" Lumakad na ito muli papalapit sa kaniyang sasakyan at binuksan ang side ng shotgun seat.

Napataray na lang ako sa hangin at pumasok na sa loob ng sasakyan niya. I need to do this para naman matigil na sila Mama at Papa sa kakabugaw sa akin. Kung hindi ko aayusin at aatras lang ako, masasayang ang pag-absent ko sa trabaho. I need to set aside my feelings.

Naiinis pa ako sa kaniya pero kailangan ko muna isantabi. Kakalimutan ko muna na sinira niya ang plano ko at pinagmukhang talo na naman sa harap ng demoyitang si Crystal. 

"Baby, galit ka pa din ba? What do you want me to do?" Tanong nito sa akin

Nang mapansin niya na wala akong balak na sagutin siya ay pinaandar na niya ang sasakyan.

"Ako din Yona naiinis" Sabi nito dahilan para lingunin ko siya na sakto naman sa pagsuklay ng kaniyang kanang kamay sa buhok niya

Bakit naman siya maiinis?

"You agreed to have a blind date while I'm courting you" Sabi nito at saka tumingin sa akin na agad ko naman iniwasan "Paano kung hindi ako yung ka-date mo dapat?" pagpapatuloy niya pa na parang stress na stress na siya sa buhay niya

"I told you, I want to find my man" Sagot ko dahilan para mabilis niyang itinabi ang sasakyan

Tiningnan niya ako na parang may nasabi akong masama.

"Don't look at me like that" naiilang na sabi ko

"Hindi mo na ba ako mapapatawad Yona? You never asked for an explanation!" Halata mo ang pagpipigil niya sa nararamdaman niya, kung galit man o inis ay hindi ko alam "Hindi lang naman ikaw Yona ang nasaktan"

"I don't want to talk about the past. Bababa ako" May diin na sabi ko para malaman niya na seryoso ako

"Okay, let's talk about Crystal. What's with her? Hindi ka naman ganiyan dati Yona. You don't like revenge" Sabi nito dahilan para tumulo na ang mga luha ko

"I learned from you" Sabi ko at mabilis na bumaba sa kaniyang sasakyan

Habang naglalakad ako ng mabilis para hindi niya maabutan ay siya naman na punas ko sa luha na patuloy na bumabagsak mula sa aking mga mata.

Bago pa ako tuluyang makalayo ay nahabol niya na ako. Agad niya akong hinawakan sa aking kaliwang siko. Tumigil ako ngunit hindi ko siya nilingon.

"Yona" kalmadong tawag nito sa akin

"She's my nightmare Rash. You both are my nightmares. Pwede ba? Layuan niyo na ako? Patahimikin niyo na ako please lang!" Sigaw ko at naramdaman ko naman ang paghigpit na hawak ni Rash sa siko ko

"Yona" Tawag pa ni Rash sa pangalanan ko

"You guys killed the angel in me. Wala kayong karapatan na magreklamo sa pagbabago ko" Sabi ko at pilit na kumala sa hawak ni Rash

Mabilis akong tumakbo sa kung saan. Napadpad naman ako sa isang lugar na parang lumang playground. Agad naman akong umupo sa lumang bench at doon na pinagpatuloy ang aking pag-iyak.

Bakit bumabalik ngayon ang mga taong nanakit sa akin? Hindi pa ba sapat yung pananakit nila sa akin dati? Kulang pa ba?

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon