"Sabi mo ako ang gusto mo, bakit dumidikit ka sa panget na Francis na yun? Mas gwapo naman ako dun" Patuloy ang pag-asar ni Gab kay Rash
Namumula na ang tainga ni Rash marahil sa inis at hiya.
"Couz, tinamaan na ata ako kay Dea" Napatigil sa paghalakhak si Gab nang marinig ang sinabi ni Rash
Napataas naman ako ng kilay. Bakit nasama ang kaibigan ko? Ngumisi na ngayon si Rash kay Gab.
"My Cousin is hitting your best friend Baby" Lumapit sa akin si Rash at pinulupot niya ang kaniyang braso sa aking bewang at saka sinubsob ang kaniyang mukha sa aking leeg.
Para siyang batang nagsusumbong. Si Gab naman ay nanahimik na. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig.
"Yona" Isang tawag ng babaeng kakalabas lang ng elevator na nilingon naming tatlo
I smirk.
"Dea" Tawag ko at saka kinalas ang yakap ni Rash sa akin at lumapit kay Dea para salubungin ito
"Oh, Hi Gab, Hi Rash" Bati niya naman sa dalawa
Rash didn't bother to smile. Ang sungit. Si Gab naman ay agad na namula ang tainga. Alam kaya ni Dea na gusto siya ni Gab?
"Yona, nasa baba si Niko" Sabi naman ni Dea sa akin na pabulong
Agad akong napatingin kay Rash, nakatingin lang din siya sa amin.
"Susunod na lang ako" Sabi ko at saka hinalikan na si Dea sa pisngi "Uhm, Gab can you escort Dea?" Baling ko naman kay Gab
Agad na nanlaki ang mata nito ngunit nakabawi din agad.
"No need, I can manage" Ngiti naman ni Dea
"Gab" Tawag ko ulit kay Gab "May problema ba?" I asked na agad niyang ikinailing
"Let's go" Tumingin siya kay Dea at nanguna na maglakad
They are cute!
Lumapit ako kay Rash to tell him na bababa lang ako.
"Rash, nasa baba si Niko. I'll just go there" Maingat na paalam ko
"I'll go too" Mabilis na sabi nito
"Rash!" Saway ko sa kkaniya
"Baby, hindi ako mapapakali dito" Sabi nito na parang desidido na desidido na siya sa kaniyang desisyon
"You don't trust me" It's not a question but a statement
"I trust you, but not the guy" He corrected me
Napangiwi naman ako.
"Sige sasama ka, but no hugs and kiss for a week" kibit balikat ko na sabi "Hindi din kita papansinin" dagdag ko pa
Napatulala siya sa akin na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"I'll wait you here" Mahinang sabi nito pero sapat na para marinig ko
Umupo na siya sa kaniyang upuan at saka bumalik na sa kaniyang ginagawa.
Lumapit ako sa kaniya at mabilis kong hinalikan ang pisngi niya. He stiffened, gulat sa ginawa ko.
"Because you're a good boy" Ngiti ko sa kaniya bago siya tuluyang iwan sa office
Nang makababa ako naabutan ko si Dea at Niko na nagtatawanan. Agad ko naman nakuha ang atensyon nila.
"Mahirap ba lambingin? Tagal mo makababa ah" Natatawang sabi sa akin ni Dea
Agad akong lumapit kay Niko at nakipagbeso dito.
"Long time no see" Sabi nito sa akin at nngumiti
I missed him.
"I'm here because I want you guys to be present in my wedding" Sabi ni Niko
Ako na lang ang nagulat, marahil alam na ni Dea.
"Really? Congratsss!" Sabi ko at hindi ko napigilan na tumalon at yakapin siya
Naramdam ko ang bahagyang paghila ni Dea sa damit ko. Kumalas lang ako ng yakap nang isang malakas na ubo ang narinig ko. Nang lingunin ko ay si Gab ito kasama si Rash.
Gab keep on mouthing 'lagot' to me.
Agad na lumapit si Rash at nilayo ako kay Niko. He encircled his arm around my waist, telling that he owns me.
"Rash, I'm just here to invite them to my wedding. You can go too, since boyfriend ka ni Yona" Basag naman ni Niko sa kkatahimikan
"I'm his fiance" Rash corrected
Nag-proposed na ba ito sa akin? nasaan ang sing-sing?
"Fiance pala" Gatong naman ni Gab mula sa likod namin
"Pupunta ba tayo baby?" Rash turned to me
Tumango naman ako na parang bata na may kasalanan sa kaniya.
"We'll go. Gusto ko rin na pumunta ka sa wedding namin" Seryosong sabi ni Rash
Tinatambol na ang puso ko. Sobrang bilis. Parang may mga paro-parong naglalaro sa aking sikmura.
"Right baby?" Rash turned to me
Tumango lang ako bilang pagsang-ayon kay Rash. I don't know pero feeling ko ay may nagawa akong kasalanan kay Rash.
"Tapos na ba kayo? Pwede ko na ba kunin ang sa akin?" Sabi pa niya dahilan para tumango si Dea at Niko
"Sige bro" Ngumiti si Niko kay Rash ngunit hindi naman ito sinuklian ni Rash
Sungit.
"Couz, may meeting tayo. Mamaya ka na magpalambing" Singit naman ni Gab
Tiningnan siya ng masama ni Rash dahilan para agad itong manahimik.
Sumakay na kami sa elevator. Bakit kinakabahan ako? Hindi naman ako nag-cheat. Feeling ko may mabigat akong kasalanan.
"Rash, it's just a friendly hug" Agad na sabi ko ngunit hindi ito sumagot
Kumapit ako sa braso niya at parang bata akong sumiksik sa kaniya.
"Damn it Yona. I'm jealous" Sabi nito at saka ako niyakap ng mahigpit "I don't know what to do"
Natawa naman ako sa kaniya. Parang napakabigat ng kaniyang problema.
Nang bumukas ang pinto ng elevator ay agad niya akong hinila at pinaupobsa table niya. Yumuko siya para pantayan ang aking mukha.
"Can I kiss you? Even I'm not a good boy today?" He asked while staring to my lips
I didn't bother to answer. Hinila ko ang necktie niya and I initiated the kiss.
Maya-maya ay biglang tumunog ang kaniyang phone dahilan para mapatigil kaming dahil.
"Sh*t!" He cussed "I have meeting"
Napangiti naman ako dahil nakita ko ang frustration at disappointment sa kaniyang mukha.
"Sige na, late ka na" Sabi ko pa dahilan para mapamura siya ng mmahina
"I love you" He said at hinalikan ako ng mabilis
Ngumiti ako sa kaniya. I don't know but I think I am really crazy falling for this guy. Every pain, worth it.
"I love you too" I said giggling
Nakatulala lang siya sa akin na lara bang wala siyang balak umalis.
"Go, baby. Hinihintay ka na nila" I said in a sweet voice
Before he left, he planted a kiss in my lips.
When he's jealous, the only way to make him calm is to kiss him.
Napangisi naman ako lalo na nang madaanan ng aking mata ang dark blue notebook sa table niya.
Rash's High School Diary. Hmmmm.
~●~●~●~●~●~
Thank you for reading❤ I hope that I didn't disappoint and waste your time. Enjoy reading❤ Support my other story "Innocently In love". I bet you'll like it too though it's not yet done😅

BINABASA MO ANG
We Met Again
CasualeLife is indeed unpredictable. Expect the unexpected. Destiny is really playful. Anong gagawin mo kapag ang 5 years mong naging crush dati na lagi kang sinasaktan at pinagtatabuyan ay muli mong makita after 7 years? Asking you to be his girlfriend...