Mabilis kong tinapos ang pagkain dahil gustong-gusto ko nang umuwi at makalayo kay Rash. Feeling ko anytime ay sasabog na ako dahil sa mga pinagsasabi at pinapakita niya sa akin.
"Bilisan mo Rash, gusto ko na umuwi" Sabi ko pagkatapos uminom ng tubig
Kalahati pa lang kasi ang nababawas ni Rash sa pagkain niya. Pabebe naman pala kumain ang isang ito. Napataray na lang ako sa kawalan.
"Saan kaya napupunta ang mga kinakain mo?" Natatawang tanong nito sa akin
Humingi pa kasi ako ng extra rice kanina, may ulam pa kasi na natira sayang naman.
"Eh ikaw Rash, anong klaseng pagpapabebe yang ginagawa mo?" Inis na tanong ko naman sa kaniya
"Pagpapabebe?" kunot noong tanong nito sa akin
"Pabebe ka kumain" Ngisi ko sa kaniya sabay tingin sa pagkain niya
"Bakit ako magpapabebe? Pag nagpabebe ba ako magiging bebe kita?" Sa halip ay sabi nito at binalik ang ngisi sa akin
Agad kong naramdaman ang pag-init ng dalawang pisngi ko kaya naman umiwas ako ng tingin sa kaniya. Talking to him is not a great idea.
Hindi ko na siya sinagot at kinuha na lamang ang phone ko. Then I remembered Niko, sasamahan ko pala siya bukas para tumulong mamili ng regalo para sa girlfriend niya.
Bigla naman ang pagkirot ng puso ko. Pero kahit na masasaktan lang ako, alam kong hindi ko matitiis si Niko. Isa pa, gusto ko din siya makasama.
"You're thinking about Niko?" Napatingin ako kay Rash na katatapos lang kumain.
Nakatingin sa akin si Rash habang pinupunasan ng tissue ang kaniyang bibig. Hindi ko na pinatagal pa ang tingin ko sa kaniya at agad itong binawi at tumitig na lang sa screen ng phone ko which is patay naman.
"What did he said? Why did you cry?" Tanong pa nito
"You don't need to know" Sabi ko naman at saka sinalubong ang tingin niya ngunit wrong move.
Karaniwang siyang umiinom ng tubig. I saw his adams apple, napatitig na lang ako at nawili ang mata ko sa pagtaas at pagbaba nito.
Nang matapos siyang uminom ay agad niya namang tinawag ang isang waiter to get our bill. Natauhan naman ako at saka agad na iniwas ang paningin ko sa kaniya. What's happening to me?
Nang makalabas na kami ng restaurant ay agad naman ang pagtawag niya sa pangalan ko sa malambing na boses. Hindi ko siya pinapansin at nagbingi-bingihan hanggang sa makarating kami kung saan naka-park ang kotse niya.
Agad niya naman pinatunog ang sasakyan at mabilis naman akong sumakay. Hindi ko na siya nilingon pa hinayaan ang aking paningin sa bintana. Talking to him is not a great idea.
"Yona, kanina mo pa ako hindi pinapansin" seryosong sabi nito
Napataray naman ako habang nakaharap sa bintana. Buti naman at nakaramdam siya.
"What's wrong? May nasabi ba ako o nagawa na mali?" Tanong nito at saka sinimulan nang imaneho ang sasakyan.
Umiling lang ako bilang sagot. Hindi ko alam kung nakita niya ba o hindi. I just really don't want to talk to him. Naiinis ako sa sarili ko, sa pinaparamdam niya sa akin na dapat hindi ko na nararamdaman.
"Girls will be girls" Rinig kong bulong niya sa kaniyang sarili at saka siya huminga ng malalim
Hinihintay ko na tanungin niya ako about sa direction ng bahay ko but it seems alam niya na. Kaya nang pumasok na kami sa village na tinitirhan ko ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko na lingunin siya.
BINABASA MO ANG
We Met Again
RandomLife is indeed unpredictable. Expect the unexpected. Destiny is really playful. Anong gagawin mo kapag ang 5 years mong naging crush dati na lagi kang sinasaktan at pinagtatabuyan ay muli mong makita after 7 years? Asking you to be his girlfriend...