Chap2

526 8 0
                                    

Naiinis kong binalik ang aking phone sa bag.

"Anong plano Yona?" Tanong naman ni Dea.

"Wala na" Naiinis na sagot ko

"Unang araw, nasaktan ka kaagad. Hindi ka pa ba sanay na ma-reject ni Rash?" Sabi ni Dea dahilan para tingnan ko siya ng masama.

Alam kong totoo naman ang sinasabi ni Dea. Nasaktan ako, ramdam ko iyon. Feeling ko bumalik ako sa nakaraan kung saan ako ay kaniyang sinasaktan. Sa loob ng limang taon na pagkakagusto ko kay Rash, puro sakit lang ang binigay nito sa akin. Lagi akong reject at nasasaktan. Walang araw na pinakita niya sa akin na may pag-asa ako sa kaniya. He's so in love with his girl. Speaking of, nasaan na kaya ang girlfriend niya?

'Baby please understand'

Ipinilig ko ang ulo ko nang muling pumasok sa isipan ko ang malambing na boses ni Rash kanina sa kabilang linya.

What's with his words? Bakit umuulit sa isipan at pandinig ko?

Nagpunta na lang kami ni Dea sa isang ice cream shop at ang mapagbirong tadhana target na naman ako. Si Niko at Abi ay magkasamang kumakain. Aalis sana ako nang makita ako ni Abi at kawayan ako nito. No choice, lumapit ako sa kanila at sumunod naman si Dea.

"What a small world, kanina nagkita din tayo" Nakangiting sabi ko kay Abi

"Baka gusto ng tadhana na sumama kayo sa amin" Natatawang sabi naman ni Abi

"Join us" Sinngit naman ni Niko

Siyempre marupok ako kay Niko aya napapayag ako nito.

Pinipilit ko ngumiti kahit na harapan kung magharutan si Niko at Abi. Wrong move, dapat humindi na lang ako. Pero gusto ko kasi makasama si Niko.

"Chocolate is your favorite right Yona?" Bigla namang baling sa akin ni Niko

"Yep. Si Dea din" Casual na sagot ko naman

"They've got new chocolate ice cream here. It's in a color pink cone. I know pink is your favorite too" Nakangiting sabi ni Niko

Nakakahawa ang ngiti niya kaya napangiti din ako ngunit agad ding naglaho nang sumingit si Abi sa usapan namin.

"Yes. We've already tried it" Nakangiting sabi ni Abi sa akin

"Great" Komento ko naman at ngumiti na lang pabalik.

Dea knew that I'm hurting right now. Tahimik lang siya sa tabi ko at kumakain ng ice cream.

Maya-maya ay may biglang pumasok at talagang agaw pansin dahil naka business suit pa ito.

Anong ginagawa ni Rash dito? Akala ko busy siya?

Nakakunot ang noo niya pero ang lakas pa din ng dating niya. Nang makita niya naman ako ay agad na nawala ang pagkunot ng noo niya at saka siya ngumiti.  Bumilis na naman ang tibok ng puso ko, pabilis ng pabilis habang papalapit siya ng papalapit.

He's really handsome. Ang ibang tao at mga dalagitang babae ay napapatingin na sa kaniya. Meron pa ngang kumuha ng larawan niya at mukhang hindi niya ito napansin. Tss. Manhid talaga.

Iniwas ko ang paningin ko sa kaniya nang umupo siya sa tabi ko. Talagang humila pa siya ng upuan para lang tumabi sa akin. So now, pinag-gigitnaan ako ni Dea at Rash at katapat ni Rash si Abi habang katapat naman ni Dea si Niko.

"Sorry, I'm late" Bulong sa akin ni Rash dahilan para mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko.

What's happening to me?

"Hi guys, I'm Rash. Manliligaw ni Yona" Agad na nag-init ang magkabilang pisngi ko nang marinig ang sinabi niya.

What the hell is happening to me?

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon