Chap15

328 16 0
                                    

Nakabusangot kaming pinagbuksan ni Rash ng pinto. Natutuwang bumaba si Raver at agad na nanakbo sa playground. Gabi na ngunit hindi ito iniinda ng mga batang naglalaro sa playground dahil napapalibutan ito ng ilaw.

"Hindi ka ata masaya na kasama ako Rash" Sabi ko at nagkunwaring nakasimangot pa

Kumunot ang noo nito sa akin. Bad trip talaga siya sa pinsan niya. Unggoy naman kasi at pinatulan ang bata.

"It's better if it's just the two of us" Sabi naman nito

Natawa naman ako sa kaniya. Parang kailan lang nang masolo niya ako ah, lagi niya akong nasosolo.

Nakakunot pa din ang noo nito habang pinapanood si Raver na may kalaro nang dalawang babae. Napangisi na lang ako, nasa lahi na ata nila ang pagiging playboy.

Wala sa sariling hinalikan ko sa labi si Rash pero smack lang. Gulat siyang napatingin sa akin kaya nginisian ko naman siya.

"Huwag ka na magtampo. Lamang ka na kay Raver. I kissed him on his cheek while I kissed you on your lips" Hindi mawala ang ngisi sa akin

Ang gwapo pa din mapikon ng lalaking ito. Kailan kaya ito papanget?

Napansin ko ang pagpula ng tainga niya kaya alam ko na gumagana ang ginawa ko sa kaniya.

"Bukas masosolo mo naman ako. I'll be with you on your shooting" Dagdag ko pa

Kumunot naman ang noo ko nang biglang siyang samidin kahit hindi naman siya umiinom. Agad kong hinimas ang likuran niya.

"Okay ka lang ba?" I asked

Maya-maya umayos na din ang pakiramdam niya at tumigil na ang samid niya kahit hindi naman siya umiinom ng tubig. Hinihimas ko pa din ng likuran niya.

"I missed you Yona" Sabi nito dahilan para mapabitaw ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay "Ngayon mo na lang ulit ako pinakisamahan ng walang kang galit na nadarama"

Agad naman akong umiwas ng tingin. Nagbago ba ako dahil sa galit ko sa kaniya? So what? Isa pa, siya naman ang dahilan kung bakit may mga nabago sa ugali ko. He should not complain.

"Bubby girl Yona" Hinawakan niya ang baba ko at saka pinagtama niya ang aming mga tingin

"I just need you Rash. Kailangan kita for my revenge to Crystal" Sabi ko at tinanggal ang hawak niya sa baba ko

I don't know why pero ayoko siyang bigyan ng pag-asa, ayokong isipin niya na makukuha niya ulit ang puso ko at ayokong isipin niya na nahulog na naman ako sa kaniya.

"Use me Yona, hanggang maubos ako, basta huwag mo lang ako ipagtabuyan" Seryosong sambit nito sa akin

Ano bang mga pinagsasabi nito ni Rash? Mali ata na hinalikan ko siya sa labi at pinakisamahan ng maayos. Mas gusto niya ata yung tiger version ko eh.

Maya-maya ay nanakbo papalapit sa akin si Raver at saka yumakap sa binti ko.

"Oh what happened?" I asked at bahagyang umupo para mapantayan siya

"I've got a girlfriend Ate Yona tapos gusto din ng isa na kalaro ko na girlfriend ko din siya" Sabi nito na parang iiyak na

Grabe naman ang problema ng batang ito. Ilang taon na ba ito? Four? Five?

"Raver, hindi ka pa dapat naggi-girlfriend. Bata ka pa" Sabi ko naman sa kaniya

Kumunot naman ang noo niya sa akin. Paano ko ba ipapaintindi sa batang ito? Mukhang naka-benteng girlfriend na ito.

"Raver sige na maglaro ka na ulit doon" Utos naman ni Rash sa kaniya

"Kuya Rash help me to choose between those two girls" Lumapit naman ngayon si Raver kay Rash

"That one. Yung naka-pink na dress. She's beautiful" Sabi ni Rash dahilan para manlaki ang mga mata ko

Siraulo talaga ang lalaking ito.

Mabilis na nanakbo si Raver at nilapitan ang babaeng naka-dress. Agad ko naman na pinalo si Rash.

"Pag nalaman ng mga magulang niyan ang tinuturo mo sa bata lagot ka" Pananakot ko dito pero instead na matakot ay ngumisi pa ito

"Si Tito ang nagturo diyan" Sabi nito na ikinataas ng kilay ko

Suportado pala ng magulang ang ginagawang kalokohan ni Raver. Napailing na lang ako. Mga Larama nga naman, mapaglaro ng puso.

Halos isang oras din na naglaro si Raver. Maya-maya ay lumapit na ito sa amin na humihikab.

"I'm tired" Nakngiwing sabi nito

"Let's go na?" Tanong ko naman dito saka yumuko at kinarga ito na agad namang yumakap sa akin

"Ate Yona my girlfriend is crying" Antok na bulong nito sa akin

Hindi na ako sumagot dahil bigla nang lumalim ang paghinga nito. Ibig sabihin natutulog na siya.

Nilagay ko siya sa likod ba upuan at pinahiga ng maayos. Napangisi na lang ako dahil kahit natutulog itong si Raver ay gwapo pa din talaga. Nasa lahi na nila ang pagiging gwapo. Sana lang hindi magpaiyak ng babae itong si Raver kapag nasa tamang taon na siya para sa mga relasyon.

Sumakay na din ako sa harapan at ganun din si Rash. Pinaandar na niya ang sasakyan.

"Rash thank you" Mahinang sabi ko sa kaniya

Nangunot naman ang noo nito. Kaya naman nginitian ko siya.

"It's been a while. Ngayon na lang ulit ako ngumiti ng totoo. Yung saya na alam kong konektado sa puso ko" Seryosong sabi ko

It's true. Ngayon ko na lang ulit ito naramdaman. Kailan ba ulit ako tumawa at ngumiti na walang iniinda na sakit at pagkukumpara? Siguro yung mga panahon na inosente pa ako sa pagmamahal. Yung panahon na nasa isip ko lang ay basta magmahal, hindi na bale kung ibabalik niya ba yun o hindi. Ang importante lang ay nagmahal ako. Hindi iniinda ang sakit kung hindi man ibabalik nito ang nararamdaman ko.

Simula kasi nang panahon na makilala ko Rash at iwan ako nito maraming nagbago. Hindi na ako kuntento sa ako lang ang nagmamahal, gusto ko ibinabalik na sa akin ang nararamdaman ko. Hindi na ako naging masaya dahil lagi ko na lang kinukumpara ang lahat ng pangyayari sa akin ngayon sa pangyayari dati.

Lahat ng ipinapakita sa akin ng mga tao na nakakasalamuha ko ay kinukumpara ko sa past ko. Kung hindi naman pagkukumpara, sasaya ako pero may mga tanong.

"And it's because of Raver, not me" kunot noong sabi nito sa akin dahilan para mapangiwi ako

Kanina niya pa kasi pinapatulan ang bata eh. Pinsan niya pa.

"Are you jealous to your little cousin?" I asked

Sumagot siya pero pabulong kaya hindi ko narinig.

"Hey, nagtatampo ka pa din?" Malambing na tanong ko sa kaniya

Hindi pa din siya nagsasalita. Ewan ko pero hindi ko kayang makita siyang nagtatampo sa akin.

"What do you want?" I asked again

Hindi talaga niya ako sinasagot. Nagtatampo nga ang loko. Dahil sa pinsan niya? Unggoy talaga.

"Babawi ako bukas baby" Sabi ko dahilan para matawa ako dahil nakita ko ang pagpipigil niya sa ngiti niya

Unggoy talaga. Baby lang pala ang katapat ng tampo niya.

"I'm looking forward to that bawi baby" Bigla naman ang pagngisi nito sa akin





We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon