Chap22

305 11 0
                                    

"He likes you" Sabi naman sa akin ni Rash dahilan para kumunot ang noo ko

Nasa birthday kami ngayon ng kapatid niya. Good thing at hindi niya ako nakalimutan na i-invite.

"Sino? Si Zion? Ang pinsan mo?" Tanong ko naman sa kaniya

Kaalis lang kasi ng pinsan niyang si Zion sa table ko. I was really alone here at the table when Zion approached me and after our minutes of talking ay lumapit na si Rash. Ang buong akala ko ay hindi na ako papansinin ni Rash.

"Don't talk to him" Sabi nito at iniwan na ako

Hanggang matapos ang birthday ay hindi na nagpakita pa sa akin si Rash. Ininvite niya ako para mapag-isa sa birthday ng kapatid niya.

(I'm 15 years old and He's 16)

May bago na naman siyang girlfriend. Last last year si Mona, tapos si Hanna at ngayon naman ay si Bianca. Taon-taon ba kailangan magpalit ng girlfriend?

Nandito ako ngayon sa bench kung saan kasama ko sina Dave dahil inaya ako nito na kakausapin niya lang daw at pumayag naman ako not knowing na kasama pala si Rash at Bianca.

"So Yona wala pang nanliligaw sayo?" Tanong naman sa akin ni Dave

"Why? Are you planning to court her?" Tanong naman ni Bianca at tumawa pa

"Wala pa akong balak na magpaligaw" Sagot ko naman sa kanila

Wala, kasi may iba akong gusto. Hanggang hindi si Rash ang manliligaw sa akin ay hindi ako papayag.

"Sa pagkakaalam ko marami ang nagkakagusto sayo Yona" Sabi naman ni Dave

Bakit ba ako ang topic? Bakit kailangan kasama si Rash at Bianca kung ito lang ang mga itatanong niya sa akin?

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon