Chapter 33

275 10 1
                                    

Inilahad ko sa kaniya ang kaniyang phone but instead of getting it ay pinindot niya lamang ang answer button ng call.

"Rash" Tawag ni Tanya mula sa kabilang linya

"Hmm?" Diretso lang sa mata ko na tingin sa akin ni Rash na para bang babantayan niya ang bawat ekspresyon na gagawin ko

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Ayokong mabasa niya kung ano mang nararamdaman ko. Yes, nagdududa pa rin ako kung lahat ba ng sinabi ni Tanya sa akin ay hindi totoo.

"Rash, ilang taon na tayong magkakilala. Bakit hindi ako?" Rinig ko ang hikbi ni Tanya sa kabilang linya. She's crying.

I also imagined myself in Tanya's situation. Nagmahal lang din naman siya.

"You know the answer Tanya" Sagot naman ni Rash hindi pa din inaalis ang tingin sa akin

I remembered the day when I saw Tanya and Rash. Dito sa office iyon, nakayakap si Tanya kay Rash. I even remembered what I heard. I clearly heard it, mahal ni Rash si Tanya.

"Sabi mo you'll try! Bakit siya pa rin? Bakit si Yona pa rin?!" Nakasigaw na si Tanya at lumalakas na ang hikbi niya

She mentioned my name, agad akong kinabahan.

"Letche naman Rash! Letche Haizon! Bakit ka ganiyan? Wala ka isang salita!" Patuloy pa rin si Tanya

I understand her. Nagmahal lang siya at nasaktan. Bigla ko naman naalala si Francis. Alam kong nasaktan ko rin siya. He stayed calm and strong.

"Ginawa ko naman ang lahat para mahalin mo ako, para ako na lang, para hindi na si Yona. Ano pang kulang? Sabihin mo Rash. Bumalik ka na sa akin. Ituloy natin ang kasal" Tanya said desperately

Kapag ba si Tanya ang pinili ni Rash, magkakaganiyan din kaya ako?

Tama nga siguro ang sabi nila, as the time passed by, as you get older you will start to understand the villain. They won't be forever villain in your eyes.

"I hate you Rash!" Sigaw ni Tanya at pinatay na ang linya

When love didn't succeed, hatred will.

Sinalubong ko ang mga tingin ni Rash sa akin. Seryoso lang siyang nakatingin na para bang binabasa kung ano ang iniisip ko. 

"Ehem" Someone's coughed exaggerated

Hindi ito nilingon ni Rash at pinagpatuloy ang pagtitig sa akin. Ako lamang ang pumansin sa dumating. I can still Rash in my peripheral vision that he's staring at me.

"Gab" I said as I pushed Rash body ngunit hindi man lang ito natinag

Napatingin ako kay Gab na nakangisi. He coughed in a exaggerated way again, trying to get Rash's attention.

"Rash" Sinalubong ko ang tingin ni Rash sa akin at nakangisi na siya ngayon

"You're blushing" Sabi nito sa akin at mas lalo pang lumaki ang ngisi

"Excuse me! Haizon!" Gab finally opened his mouth to call Rash but it wasn't effective. Rash's attention is still mine.

Sobrang nag-iinit na ang aking dalawang pisngi. What's happening to me?

"Can you tell to the guy who came that he's disturbing us?" Malambing na sabi naman ni Rash sa akin

Napatingin ako kay Gab na nakakunot noo na ngayon. Naiinis sa hindi pagpansin sa kaniya ni Rash.

"Your skirt is too short Yona" Puna naman ni Gab sa suot kong palda and this time he succeeded to get Rash's attention

Nalatingin ako sa suot ko at hindi naman iyon maikli.

Nang balikan ko ng tingin ang dalawa ay nagsusukatan na sila. Rash raising his eyebrow while Gab is just smirking.

"What do you want?" Tamad na tanong naman ni Rash kay Gab

"Lover boy, nakakalimutan mo ata na ikaw ang nagpapunta sa akin" Inis naman na sabi ni Gab kay Rash

"Sige na, I'll just go in Dea's office" Sabi ko naman dahan-dahan bumaba sa pagkauupo sa aking table

"Take care" Nagulat naman ako sa paghalik ni Rash sa aking ppisngi

Agad naman na napunta ang tingin niya kay Gab na tumatawa. Madilim niya namang tiningnan si Gab ngunit si Gab ay hindi natinag at patuloy sa pagtawa.

"Take care? Really? Saan ka ba pupunta Yona? Hindi ka nga lalabas ng building na ito" Pinipilit ni Gab na hindi tumawa ngunit hindi niya talaga mapigilan

Dahil sa inis ay natarayan ko na si Gab. Sinundan lang ako ng tingin ni Rash hanggang sa makapasok ako sa elevator. I saw Rash serious face and Gab's smirk before the elevator's door closed.

Pumunta ako sa office nila Dea and I tolf him everthing that happened. As usual, she gave me an advice. Gusto ko talaga tanungin kay Rash ang buong pangyayari, alam kong minahal niya rin si Tanya. Sa ngayon, hindi ko alam kung kakayanin ko na ba lalo na at dumagdag pa sa iniisip ko si Francis na umamin sa akin.

Nandito kami ngayon ni Dea sa isang bar, nagpaalam pa ako Rash bago tuluyang pumunta dito. Nagdebate pa kami para payagan niya lang ako, sa huli ay natalo siya. He really want to go with us ngunit hindi ako pumayag dahil time ko na iyon sa friends ko. Isa pa, ayokong ma-awkward kay Francis. I know that he still have feelings for me, ayokong harapan niyang makita kami ni Rash. I should be more sensitive now. In every situation, hindi lang ikaw mag-isa nag nasasaktan. You should involve the people around you.

"This song is for a special girl" Nakangiting sabi ni Francis sa Mike at saka hinanap ng kaniyang mga mata ang aking mata at saka siya nngumiti

Isang malungkot na ngiti.

As Francis started to strum the strings of his guitar, alam ko na kung anong kakantahin niya. Agad na nanlabo ang aking paningin dahil sa luha na nagbabadyang lumabas sa aking mga mata. Bakit kailangan laging may nasasaktan? Bakit kailangan pag nagmahal ay masaktan pa? Why can't people love without being hurt?

He's going to sing Binalewala by Michael Dutchi Lebranda.

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon