"Woooooh!" I shouted at agad na nanakbo papunta sa dagat
Iniapak ko ang aking mga paa sa puting puro na buhangin. Nilingon ko siya at nakangiti niya lang akong pinagmamasdan. I can't see his eyes dahil sa may suot siyang eye glasses. Akala mo naman artista.
'Hoy mukha ka lang artista pero hindi ka artista' my mind shouted
Agad kong binalik sa dagat ang paningin ko at pinanood kung paano kuminang malinaw na tubig.
"Hi Miss" Nagulat ako nang biglang may lalake na lumapit sa akin
He's not a Filipino. Galing siya sa ibang bansa. Kaedad ko lang siya. Maputi siya at matangos ang ilong.
"Do you have problem with my wife?" Nagulat na lang ako nang mabilis na nakalapit si Rash sa akin at agad na pinulupot ang kaniyang braso sa aking bewang
Napunta naman ang tingin doon ng lalake at saka napailing at napangisi.
"No, I just want to say that she's beautiful" Matigas ang pagkakasabi ng lalake sa wikang Ingles
"Thank you then" Rash said at hinatak ang bewang ko palapit lalo sa kaniya
Naglakad na kami papalayo sa lalake. Tahimik lang kami hanggang sa mapunta kami sa isang private house. He opened the gate for me. Napatingin naman ako sa kaniya na nakabusangot.
"May problema ba?" I asked before entering the main door of the house
"I told you not to wear those clothes, mainit sa mata ng mga lalake yan" Iniwas niya ang paningin niya sa akin at siya na ang nagbukas ng pinto
Napaisip ako bigla. Lalambingin ko ba siya o hahayaan?
Dumiretso na siya ng akyat sa taas. Mukhang nagalit talaga siya. Pero ito naman ang goal ko diba? Ang galitin siya, ang inisin siya para bitawan niya na ako.
"Huwag kang lalabas hanggang ganiyan ang suot mo" Sabi nito habang bumababa ng hagdan
Dinaig niya pa ang Papa ko. Para siya ngayong ama ko at ako ang anak niya na may ginawang kasalanan.
"Ano bang problema sa suot ko? Nasa beach tayo Rash. Yung iba nga kulang na lang maghubad. Balot pa nga ako ngayon eh" Pangangatwiran ko naman
Tuluyan na siyang nakababa at ngayon ay nasa harapan ko na siya.
"Isa pa, you're not my husband even my boyfriend" Napatungo ako sa sinabi ko.
Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya. Ilang segundo ng katahimikan at hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na tingnan siya. I raised my gaze to see him na sana hindi ko na lang ginawa. He look very tired, sad, and...
hurt.
Hindi ko na nakayanan pa at iniwas na ang paningin sa kaniya. Feeling ko kapag pinatagal ko pa ang tingin ko sa kaniya ay bigla ko na lang siya yayakapin at hahayan na ipagpatuloy niya ang kalokohan niya.
Aalis na sana ako, hindi ako tuluyang nakatalikod sa kaniya nang hawakan niya ang aking wrist at hilain ito dahilan para mapalapit ako sa kaniya at mayakap niya ako.
"Baby, please tell me. Ano bang kasalanan ko? Ano bang nagawa ko?" He whispered "I'm sorry"
My tears started to fall slowly when I heard him say sorry. Natutunaw ang puso ko.
"Can we compromise? I don't like break up" He said as he tightened his hug
I don't like too, but we need to.
BINABASA MO ANG
We Met Again
RandomLife is indeed unpredictable. Expect the unexpected. Destiny is really playful. Anong gagawin mo kapag ang 5 years mong naging crush dati na lagi kang sinasaktan at pinagtatabuyan ay muli mong makita after 7 years? Asking you to be his girlfriend...