"What? He asked you to be his girlfriend?" Nanlalaki ang mga mata ni Dea nang tanungin ako nito.
Tumango naman ako sa kaniya ng dahan-dahan habang inaalala ang nangyari kagabi.
"Did that really happened Yona? Baka naman sa sobrang kalasingan mo lang iyan ah" Kunot-noong sabi naman ni Dea.
Napahawak naman ako sa ulo ko at tinarayan na lang si Dea. Masakit ang ulo ko pero pinilit ko ikwento kay Dea ang mga nangyari sa akin.
"Oh tapos? Pumayag ka?" Excited na tanong ni Dea.
"Siyempre hindi" Proud naman na sabi ko
Para namang nakahinga ng maluwag si Dea at saka tinapik ang balikat ko.
"Proud ako na hindi ka na marupok Yona" Ngiti nito sa akin na tinarayan ko naman.
"Sabi ko ligawan niya muna ako, hindi kaya ako easy to get" Nakangiwing sabi ko naman
Nanlaki ang mga mata ni Dea at saka napahampas sa kaniyang noo. Para bang napakalaking problema at disappointment ang sinabi ko.
"Binabawi ko na yung sinabi ko. Marupok ka pa din Yona" Siya naman ngayon ang tumaray sa akin.
"Hindi na ngayon Dea" Ngiti ko naman sa kaniya "Papahirapan at gagamitin ko lang siya, nagpaligaw ako pero wala akong balak na sagutin siya. Makikipaglaro ako ngayon kay tadhana, at sa pagkakataong ito sinisigurado ko na ako ang mananalo"
Napa-O naman ang bibig ni Dea dahil sa natuklasan niyang plano ko.
"Bakit ka daw niya gusto maging girlfriend? Sinabi ba niya?" Dea asked
Para namang may kumurot sa puso ko at nakaramdam ako ng konting sakit.
"Yeah, we'll just use each other" I said with a shrugged
Kinain ko na lag ang cake na nasa harapan ko.
"Gagamitin ka niya?" Naguguluhang tanong ni Dea.
"Actually, not. I don't know" Naguguluhang sagot ko din naman
"What the hell Yona?" Medyo may inis na ang tono ng boses niya "Magpapakatanga ka nanaman ba sa lalaking yan?"
Napahawak naman ako sa ulo kong medyo kumirot. Haysss.
"Sabi niya pagod na siyang magmahal, ayaw niya nang sumubok sa walang kasiguraduhan. Mahina na daw ang Lola niya at ang hiling nito ay makita niya si Rash na masaya na sa piling ng babaeng mahal niya. Sabi ni Rash bago mawala ang Lola niya gusto niya daw ipakita na maayos siya, na nasa tamang babae na siya" Pagku-kwento ko naman
"At ikaw yun? Yung babaeng mahal? Yung tamang babae sa kaniya?" Asar na tanong ni Dea
"Hindi ako yung babaeng mahal niya pero sabi niya ako daw yung tama. Kilala niya na daw kasi ako at nasaksihan niya kung gaano ko siya kamahal" Sagot ko naman
"Sinabi mo na bang may iba ka ng mahal?" Tanong pa ni Dea knowing my damn feelings for Niko
"Yah. Sabi niya susubukan niya daw ulit kunin ang puso ko. Kung mag-work man daw ang relationship namin, kung mahalin ko siya ulit ipinapangako niya na hindi niya na ako bibitawan. Kung hindi ko naman daw siya matutunang mahalin ulit, papakawalan niya ako. Nasa akin daw ang desisyon. Pero naki-usap siya sa akin na habang buhay pa ang Lola niya, sa kaniya daw muna ako" Pagpapaliwanag ko
Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko nang maalala ang pagkakasabi niya.
"Sa akin ka muna Yona, sa akin lang. Kay Rash lang si Yona"
Ipinilig ko naman ang ulo ko. Dapat hindi ako maapektuhan sa mga kilos at sinasabi niya.
"Pero wala siyang sinabi na mamahalin ka din niya Yona" Sabi naman ni Dea na nagpabalik sa akin sa reyalidad
Parang may kumurot nanaman sa puso ko. Siguro kasi ito nanaman. Hindi ako kayang mahalin. Mahirap ba talaga akong mahalin? Sapilitan lang ba kapag minahal ako?
"Well, I don't care about his feelings. Hindi ko naman siya sasagutin. Isa pa, kilala mo kung sino na ang mahal ko Dea. It's Niko, at gagamitin ko si Rash para pagselosin si Niko. Ipapakita ko ang sinayang niya" Sabi ko habang ang tingin ay nasa malayo.
"Go girl" Sarcastic naman na sabi ni Dea.
Nagpunta na kami sa Mall ni Dea matapos namin mag-breakfast. Ayoko na nga sana dahil gusto ko magpahinga kaso ang kulit ng babaeng ito.
Nagpaalam ako para mag-restroom saglit kay Dea habang namimili siya ng mga skin care niya. Kasalukuyan kong inaayos ang aking lipstick nang biglang may pumasok na babae. Napatigil ako saglit sa ginagawa ko at tiningnan ang babaeng nagli-lipstick na din. Mabilis kong tinapos ang ginagawa ko at nang aalis na ako ay saka naman siya nagsalita kaya napatigil ako.
"You're one of my boyfriend's friends right?" Tanong niya na tapos na din mag-lipstick
"Yes. I'm Yona, nahihiya akong batiin ka. Natatandaan mo pala ako?" Nakangiting sabi ko sa kaniya
She also smiled at me. Para siyang anghel, walang duda na nahulog sa kaniya si Niko.
"Oo naman. Sinong kasama mo? Gusto mo sumama sa amin ni Niko? Magsi-sine sana kami. Don't worry my treat" Nakangiting aya niya sa akin.
Naiinis ako, bakit hindi ako ganiyan kaganda kapag nakangiti? Bakit ang bait niya?
"Kasama ko ang kaibigan ko. Maybe next time?" Sabi ko naman sa kaniya
"Sige. Enjoy kayo. Mauna na ako" Nakangiting paalam nito sa akin.
She's Abi, Niko's girlfriend.
Tumingin ako sa kisame para hindi bumagsak ang mga luha ko. Pinaypayan ko pa ang sarili ko. Nang sa tingin ko ay okay na ako ay lumabas na ako.
"I saw her" Bungad sa akin ni Dea
"My plan will start today Dea" Ngiti ko naman sa kaniya
Agad kong kinuha ang aking cellphone at dinial ang number ng taong kailangan ko ngayon. Ilang ring pa ang dumaan bago ito masagot.
"Where are you?" Bungad na tanong ko nang sagutin niya
"Wala man lang hello. Miss me?" Sagot naman sa kabilang linya
"Pwede ba Rash hindi ako nakikipaglokohan" Inis na sabi ko naman "I need you here. Nandito sila Niko at ang girlfriend niya"
"So?" Maikling sagot naman nito
"Kailan mo ba balak magsimula manligaw? Can you do it now? Let's watch some movie" Sabi ko naman
"You don't tell me what to do Yona. We can watch later, I'm busy" Sabi naman nito dahilan para mainis ako
"Pag hindi ka pumunta dito, h'wag ka na magpapakita sa akin Rash" May diin na sabi ko
"Hey, I'm in my work. May kailangan lang akong tapusin. Baby please understand" Para namang tumigil ang paghinga ko nang marinig ang biglang paglambing ng boses niya
He even called me baby!
"Bahala ka diyan" Naiinis na sabi ko at binaba na ang tawag
Para akong nanakbo simula bahay hanggang dito sa mall dahil sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko.

BINABASA MO ANG
We Met Again
AléatoireLife is indeed unpredictable. Expect the unexpected. Destiny is really playful. Anong gagawin mo kapag ang 5 years mong naging crush dati na lagi kang sinasaktan at pinagtatabuyan ay muli mong makita after 7 years? Asking you to be his girlfriend...