Chap10

345 10 0
                                    

Wala na akong lakas para tumanggi at makipagdebate pa kay Rash. Sumang-ayon na lang ako sa kagustuhan niya na ipakilala ako bukas sa pamilya niya.

Nang makababa ako ng sasakyan niya ay agad na nag-unahan ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata. Hindi ko na nilingon pa si Rash. Hindi pa umaalis ang sasakyan nito hanggang sa makapasok ako sa bahay. Nang maisara ko naman ang pinto ng bahay ay agad akong umupo at sumandal dito at saka umiya ng umiyak.

I'm crying again because of him.

Nang magising ako ay hindi maganda ang pakiramdam ko kaya naman tinawagan ko si Dea at sinabi na hindi ako makakapasok dahil masama ang pakiramdam ko.

"You cried hard again, don't you?" Sabi nito sa kabilang linya

Hindi ako sumagot sa kaniya at pinatay na ang linya. Kilalang-kilala na ako ni Dea. I'm always like this. Kapag umiyak ako magdamag, nagkakasakit ako kinabukasan.

Bago ko maipikit ang aking mga mata ay nag-ring muli ang phone ko. Hindi ko na inabala pa ang sarili ko tingnan kung sino ito.

"Good morning baby. I just want to remind you about the dinner" Rinig kong sabi sa kabilang linya

Kahit na hindi ko nakita ang pangalan nito sa screen ng cell phone ko ay kilala ko na ito.

"I don't think I can go Rash" Mahinang sabi ko

"Why?" Agad naman na tanong nito

"I'm not feeling well" Pagkasabi ko nito ay agad na nawala siya sa kabilang linya.

Why? Nagalit ba siya? Eh anong magagawa ko kung masama ang pakiramdam ko? Hindi ko naman ginusto magkasakit. Bakit siya magagalit?

Lalong sumakit ang ulo ko sa ginagawa ni Rash. Naiinis ako sa kaniya. Pinikit ko na ang mata ko at pinilit na matulog sa kabila ng pagkirot ng ulo ko at bigat ng pakiramdam ko.

Hindi maalis sa utak ko kung bakit bigla akong pinatayan ni Rash ng linya. Why? Is he mad? Hindi niya ba maintindihan na may sakit ako? Or Maybe he's thinking na gumagawa lang ako ng dahilan para hindi matuloy?

Napailing na lang ako sa mga naiisip ko. Maya-maya ay may narinig akong busina mula sa labas ng bahay. Dahan-dahan naman akong tumayo dahil masakit ang ulo ko.

"Sandali!" Sigaw ko nang sunod-sunod ang ginawang busina nito

Hindi makapaghintay? Madaling-madali?

Lumabas na ako at binuksan ang gate. Agad ko naman natanaw si Rash. Agad siyang bumaba sa kaniyang kotse at nilapitan ako.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko naman

Nang makalapit na ito sa akin ay agad niyang nilagay ang likod ng palad niya sa leeg at noo ko.

"You're really not feeling well" Pabulong na sabi nito at saka narinig ko pa ang ilang mahihinang mura niya

Tumaas naman agad ang kilay ko sa kaniya. So naisip niya nga na gumagawa lang ako ng dahilan?

Magsasalita pa sana ako ng agad niya akong binuhat na parang bagong kasal. Napulupot ko naman ang aking braso sa kaniyang leeg bilang pangsuporta dahil baka mahulog ako.

Ayokong mahulog na naman sa kaniya. Masakit. Sobrang sakit.

"Ibaba mo ako!" Sigaw ko sa kaniya ng paulit-ulit ngunit hindi siya nnakikinig

Pumasok na kami sa bahay at agad niya akong pinasok sa kwarto ko. Dahan-dahan niya akong inihiga dito at saka kinumutan agad.

"You really like thin clothes don't you?" Kunot noong sabi nito matapos ako kumutan

Tumaas ang kilay ko muli sa kaniya at nang maalala kung ano ang suot ko ngayon ay agad na nanlaki ang mga mata ko. Naka-sando ako ngayon at wala akong suot na bra. What the?!

"Aayusin ko lang ang park ng kotse. Gusto mo magbihis ka muna. Mahihirapan akong alagaan ka kapag ganiyan ang suot mo Yona. Baka ma-take advantage ko" sabi  nito at saka tumalikod na at naglakad palabas ng kwarto ko

Agad naman na nag-init ang magkabilang pisngi ko. Bakit kasi hindi ako nag-iingat? Nakakainis. Bumangon na ako at sinara ang pinto at nagmamadaling magbihis. Kahit na kumikirot ang ulo ko ay hindi ko ito pinansin at mabilis na nagbihis. Nag-suot na ako ngayon ng bra at longsleeve na  pang-itaas.

Bumalik na muli ako sa aking higaan. Ilang minuto pa ang lumipas bago bumalik si Rash. Akala ko ay iniwan niya na ako.

Kumatok muna siya sa pinto na hindi naman naka-lock.

"Yona, papasok na ako" Sabi nito na hindi ko sinagot

Patuloy pa din siya sa pagkatok sa pinto. Akala ko papasok na siya?

"Yona. I already warned you. Papasok na ako. Tapos ka na ba magbihis?" Sabi pa nito

Napatango naman ako na parang nakikita niya ako. Yun pala. Akala niya nagbibihis pa ako.

"Yona. I'm really going in. I swear Yona kapag may nakita ako ngayon na hindi ko pa dapat makita baka makalimutan kong may sakit ka" Sabi nito dahilan para manlaki ang mga mata ko

"Pumasok ka na!" Sigaw ko naman

Bwiset talaga na lalake ito. Hindi marunong mag-filter ng mga sasabihin niya.

Nang bumakas ang pinto ay isang nakangisi na Rash at may bitbit na mangkok ang niluwa nito. Agad ko naman siyang tinarayan.

"Longsleeve Yona?" He asked nang makita ang suot ko

"Nilalamig ako" Sabi ko naman at nag-iwas ng tingin sa kaniya

Kumuha siya ng upuan at nilagay ito sa tabi ng kama ko saka siya naupo dito.

"Eat Yona. Bumili ako ng lugaw" Sabi nito

Hindi na ako nag-inarte pa at bumangon na. Tumingin ako sa kaniya at nang kukunin ko na ang lugaw sa kaniya ay umiling ito sa akin.

"I'll feed you" Sabi nito

Nakatulala lang ako sa kaniya habang hinihipan niya ang lugaw na nasa kutsara. Seriously? Hindi ba ako nagha-hallucinate lang?

"Ah" He said kaya naman ngumanga na ako

Sinubo niya naman ito sa akin. Napangiti naman siya ng tipid sa akin nang makita niyang nilunok ko na ang lugaw.

"Ganito ka din ba kay Tanya kapag may sakit siya?" Nagulat na lang din ako sa tanong na lumabas sa bibig ko

Gusto ko man bawiin ay huli na lahat. Nakita ko naman ang pagkawala ng tipid na ngiti niya kanina.

"I need to" He said at muli akong sinubuan ng lugaw

Hindi na ako nagtanong pa. Natatakot akong masaktan muli. Naiisip ko pa lang na ganito ni Rash kay Tanya ay nadudurog na ang puso ko.

Naubos ko ang lugaw na binili niya. Medyo gumaan na din ang pakiramdam ko. Muli akong humiga sa aking kama. Umalis naman siya para siguro ibalik ang mangkok sa kusina.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Nang magising ako ay nakita ko si Rash na nakatungo sa kama habang natutulog at ginawang unan ang kanang braso niya. Napatingin ako sa bintana at papalubog na ang araw. Ang haba pala talaga ng tulog ko. Hindi ba pumasok ang isang ito?

Napadaan naman ang tingin ko sa table na katabi ng kama ko at nakita ang gamot dito. Napangiti na lang ako ngunit binawi ko din agad. Rash bought it.

Bigla naman ang paggalaw ng ulo ni Rash at maya-maya pa ay minulat niya na ang kaniyang mga mata. Nang makita niyang gising na ako ay agad siyang bumangon at kinapa ang leeg at at noo ko kung mainit pa ba.

Napangiti naman siya na parang may natuklasan siyang isang bagay na matagal niya nang gustong matuklasan.

Mabilis lang naman ako gumaling kapag nagkakasakit ako. Hindi ko sinanay ang aking sarili na umiinom ng gamot.

"How are you?" tanong nito sa akin

"Better" Tipid na sagot ko naman sa kaniya

"I've been dreaming of this Yona. Yung maalagaan ka kapag nagkasakit ka" He said in almost a whisper






We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon