Chap3

468 10 1
                                    

Inalalayan niya akong makababa sa kotse niya. Agad naman akong nanakbo patungo sa tulay. Sumalubong sa akin ang malamig  at sariwang hangin dito. Papalubog pa lang ang araw ngunit ramdam ko na ang lamig.

Kilalang-kilala ang San Juanico Bridge hindi lamang sa aming lugar kung hindi sa ibang lugar din. Napakalinis ng ilog na ito.

I spread my arm, the winds hugged my body. Napansin ko naman ang pagtabi sa akin ni Rash. Ipinikit ko ang mga mata ko at saka ngumiti.

"Ang ganda" Rinig kong sabi ni Rash

Tumango naman ako sa kaniya habang nakapikit pa din at nakangiti. Gustong-gusto kong kayakap ang malamig na hangin.

"Bakit ngayon ko lang nakikita? Bakit kung kailan huli na?" Sabi niya pa dahilan para kumunot ang aking noo.

Binaba ko na ang dalawang braso ko at saka minulat ang aking mga mata at nilingon si Rash. Naabutan ko siyang nakatingin sa akin, hindi niya iniwas ang paningin niya at sinalubong naman ang mga tingin ko.

"Ngayon ka lang nakapunta dito?" I asked

Tumango naman siya sa akin ng dahan-dahan.

"May malalang sakit ka ba Rash? Hanggang kailan ka na lang?" hindi ko mapigilan na tanong sa kaniya.

Agad naman na kumunot ang noo niya.

"What do you mean?" He asked raising his one eyebrow to me.

"Sabi mo huli na?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya

Natawa naman siya at saka tinuon ang kaniyang paningin sa ilog. Napatingin din naman ako sa ilog at kitang-kita ang repleksyon naming dalawa dahil sa malinaw ang tubig dito.

"I'm healthy Yona. That's not what I mean" Sabi naman nito dahilan para mapalingon ako sa kaniya.

Healthy nga talaga siya. Mukha ngang alagang gym ang katawan niya. Busy pa din siyang pinapanood ang repleksyon namin sa tubig. Kumunot naman ang noo ko. I don't get him.

Bigla naman siyang lumingon sa akin kaya umiwas ako ng tingin. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa malayo. Maya-maya naramdaman ko ang paglagay ni Rash ng kung ano sa mga balikat ko. Nang tingnan ko, ito ang coat niya.

"Ang nipis ng suot mo Yona" Nakangiwing sabi naman nito

"Thank you" Sabi ko na lang at saka sinuot ang coat niya ng maayos.

Now I feel warm. Napangiti naman ako.

Nakatulala ako sa malayo. Tahimik lang kami nang maya-maya ay pumulupot ang braso niya sa bewang ko. Pumaloob sa coat ang braso at kamay niya. Naramdam ko kaagad ang init ng kamay niya dahil naka-crop top ako na damit, that's why he's touching my bare skin. Agad naman na nagtaasan ang balahibo sa aking katawan.

"Wala na bang ibababa ito?" Nilapit niya ang kaniyang bibig sa aking tainga at saka bumulong.

Naramdaman ko ang bahagyang paghila niya sa crop-top na suot ko. Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko, natatakot ako na baka marinig niya ito. Hindi ako makakilos dahil sa mga ginagawa at pinaparamdam niya sa akin. Is he seducing me?

"Nagugutom ako" Sabi ko na lang at saka kumawala sa kaniya.

Mauubusan na ata ako ng oxygen kapag hindi pa ako lumayo sa kaniya. Ngunit bago pa ako tuluyang makawala sa kaniya ay nahuli niya na ang kaliwang braso ko dahilan para mapatigil ako. Lumakad siya papunta sa harapan ko at saka isa-isang binutones ang coat niya. Feeling ko habang ginagawa niya iyon ay hindi na ako humihinga. Naririnig niya kaya ang pagwawala ng puso ko? Sobrang bilis at lakas na kasi.

"Better" Sabi niya nang matapos ibutones ang ang kaniyang coat sa akin. Hindi na kita ang tiyan at pusod ko ngayon dahil nakasuot na sa akin ang coat niya at naka-butones pa.

Napalunok naman ako nang hulihin niya ang aking paningin. Oxygen please! Call 911, mahihimatay ata ako!

"What do you want to eat baby?" Mas lalong nagwala ang puso ko dahil sa sinabi niya

Nanlalaki ang mga mata ko na napatingin sa kaniya. What's with his baby? Bakit niya ba ako tinatawag na baby? Papa ko ba siya? Bakit ang saya-saya ng puso ko at nagwawala? What's with his words?

"You're blushing baby" Sabi nito at saka kinurot ng mahina ang ilong ko.

Agad naman akong umiwas ng tingin sa kaniya.

"Hindi ah" Pagtanggi ko kahit na ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko.

"I'm happy that I still have that effect on you" Hinawakan niya ang aking baba at hinarap sa kaniya.

Nakaharap man ang mukha ko sa kaniya ang paningin ko naman ay nanatiling nasa gilid. I don't want to stare at him!

"Baby" He whispered in a seductive way

Dapat mapigilan ko ang sarili ko. Wala na dapat akong nararamdaman na ganito sa kaniya. Nilalaro niya nanaman ako. Hindi ako pwede magpatalo.

Pilit kong inalala ang lahat ng sakit na dulot niya. Tinanggal ko ang kamay niya sa aking baba at umatras ng dalawang beses palayo sa kaniya.

"You still have the effect on me Rash" Seryosong sabi ko "Nandito pa din yung sakit. Kahit patawarin kita, hindi na mawawala ito. Nakaukit na siya Rash"

Nauna na akong bumalik sa sasakyan. Tama lang ang ginawa ko. Hindi dapat ako magpatalo sa larong ito. Kapag bumalik ang nararamdaman ko, siguradong masasaktan lang ako.

Maya-maya pa ay sumakay na din siya sa kotse. Ilang beses niya pa muna ako nilingon bago paandarin ang kaniyang sasakyan. Nanatili lang ang paningin ko sa bintana.

"I'm sorry Yona. I really am." Mahinang sabi nito pero sapat na para marinig ko.

Hindi ako kumibo o nagsalita. Nanatili akong nakatingin sa bintana at nagbingi-bingihan.

"Yona-" Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang biglang mag-ring ang phone ko.

Agad ko itong kinuha nang makita kung sino ito.

"Niko" Bungad na sabi ko habang nakangiti

"Yona, can you help me to choose a gift for Abi? Next week kasi birthday niya na" Agad naman nawala ang ngiti sa labi ko.

Napalunok ako bago sumagot sa kaniya.

"Sure" Maikling sagot ko

Parang tinapakan ang puso ko ng isang higante. I'm always like this, nagmamahal ng palihim kaya nasasaktan din ng palihim.

"Salamat talaga Yona, I'll fetch you tomorrow" Ramdam ko ang saya sa pananalita ni Niko.

He's really in love. Parang de javú lang. Nagmahal nanaman ako ng lalake na in love na in love sa ibang babae.

Binaba ko na ang tawag. Nanatiling nakatingin sa bintana ang mga mata ko. Nagsimula na itong magtubig. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko.

"Here" rinig kong sabi ni Rash

Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at nilingon na siya. Nakalahad sa akin ang isang kulay asul na panyo.

"Wipe your tears, baka makapatay lang ako" Diretso ang tingin sa daan na sabi niya.

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon