"Rash, baka naman pwede tanggalin mo na ito" Sabi ko at pinakita ang kamay ko na may posas
It's actually not a kind of posas na gaya sa mga pulis, unlike those ay may sakto itong haba na kadena sa gitna kaya nakakakilos naman medyo ng maayos.
"Promise na huwag na makulit?" He said like he was talking to a five year old little child
"Oo, ayaw ko na makagat ulit" Pananaray ko naman sa kaniya
He smirked and walk close to me. He released me.
Sinimulan ko naman na ang kumain.
While I'm eating, I'm also thinking kung paano ko siya papasukuin sa akin. Paano ko siya papatigilin sa laro kung gusto ko rin naman ito? May mga laro talaga na kahit alam mong pwede kang masaktan ay makikipaglaro ka pa rin at makukuha mo pang maging masaya kahit alam mong laro lang ang lahat.
"Ayoko na" Sabi ko maya-maya nang makaramdam na ng labis na kabusugan
Napasimangot naman ako habang tinitingnan ang mga tira ko. Ang iba ay hindi ko pa nabubuksan. Bakit kasi ayaw na agad ng tiyan ko?
"Want something else? Why sad?" He sat beside me.
Hinawi niya ang buhok na tumatakip sa mukha ko dahilan para lingunin ko siya. Ang mga mata niya ay nanunuyo, nakakatunaw, konting titig pa baka makalimutan ko na may hinalikan siyang iba.
"Ayoko iwan yung mga pagkain na ganiyan" Pagmamaktol ko at lalo pang ssumimangot
Sinadya kong sumimangot ng todo. Mukha na akong magandang dalaga na aping-api.
"Baka bangungunitin ka na, meron pa naman bukas" Mahinahon na sabi nito
Tumayo ito at saka kumuha ng gatas sa ref at nagsalin. Pinanood ko lang siya hanggang sa bumalik siya sa aking tabi at nilagay sa harapan ko ang gatas sa baso.
"Drink it first" Utos niya sa akin
"Ayoko. Masusuka na ako" Sabi ko
Hindi na siya nagsalita pa. Tahimik lang kami.
"Rash, pwede bang ikaw na lang ang kumain nitong mga tira?" I asked sweetly
"I ate rice, busog na ako" Sabi niya naman "Let's put it in the fridge"
Agad akong sumimangot pa. Madrama kong pinagliligpit ang pagkain. Sobrang bagal ng mga kilos ko. Suminghot-singhot pa ako na parang may umaapi sa akin.
"Damn it baby" rinig kong bulong niyang sabi kaya naman nilingon ko siya
"My hearts feel heavy, seeing these foods" nakuha ko pang kusutin ang mata ko kahit wala namang luha
I know that I'm testing his patience, and this is the only way I think para sumuko na siya sa akin. Magsasawa siya sa kaartehan ko.
"Okay, kakain ko na yan" Sabi nito "Nagpapadala na naman ako sa kaartehan mo Yona" He said disappointingly
"Tinatawag mo akong maarte?!" I asked hysterically
I know I'm overreacting. Gusto kong ubusin ang pasensiya niya.
"Yes. Maarteng babae, pero mahal ko pa rin" Sabi nito at sinimulan na kumain
Hindi na ako sumagot pa. Hindi ko alam kung ano ang isasagot.
Halos hindi ako makapaniwala nang naubos niya ang mga pagkain. He really ate all of the foods just because I want it.
"I hope you can sleep without a heavy heart, baby" He whispered to me bago niya ligpitin ang lamesa
Nakakainis! How can I sleep without a heavy heart?! Baka mamaya bangungunitin pa siya? Baka hindi siya matunawan? Gabi pa naman!
"Drink this" I said and gave him the glass of milk
Ngumisi siya bago iyon kunin sa akin. Palpak na naman ang plano ko. Bakit ba sinusunod niya ang mga gusto ko? Bakit ba ayaw niya magalit na lang? Bakit ayaw niyang iwan na lang ako? Pwede naman iyon ah!
'You're hurting yourself' kontra naman ng isip ko
Ano ba dapat gawin? Litong-lito na kasi ako eh! Parang lahat ng desisyon ay masasaktan at masasaktan ako.
"Thank you" He whispered when he finished the glass of milk
Kinabukasan, wala naman akong pasok kaya si Rash lang ang nag-apply ng leave sa office dahil nga gusto niya gumala. Nagulat naman ako na may nakahanda na mga damit sa akin. Talagang pinaghandaan niya ata na pumunta kami ng Boracay.
"Just tell me when you need something else" Bigla naman pumasok si Rash sa kwarto
Sa sala siya natulog kagabi at ako ang natulog sa kwarto niya. Dapat lang. Bwiset siya.
"Rash, nagkamali ata ako ng rinig kahapon. Saan tayo pupunta ulit?" Lumapit ako sa kaniya at pinag-cross ko ang dalawa kong braso sa aking ddibdib
"Boracay" He answered
"Eh bakit ang mga damit na nandito ay parang sa hiking?!" Naglakad ako palapit sa maleta at saka ko kinuha ang mga damit at ipinakita sa kaniya.
Puro ito leggings at t-shirts.
"Nasan ang swim suit ko?!" I asked
"There's a Rash Guard" Sabi nito lumapit saka hinalungkat sa maleta ang rash guard na sinasabi niya
Nang makita niya ito ay nilingon niya ako saka ngumisi.
"Look baby, you're wearing my name" Natatawang sabi niya
"Guard ka?" Balik tanong ko naman na hindi natutuwa
Rash Guard. Tss.
"Do you also want my surname?" He then asked at saka lumapit sa akin at niyakap ang aking bewang.
Agad na namang tinambol ang puso ko. Hindi ko na alam. Nababaliw na siguro ako. Nakakalimutan ko yung ginawa niya. Nakakalimutan ko yung pakay niya.
Padabog kong kinuha sa kaniya ang rash guard at agad na nanlaki ang mata ko nang mapagtanto na may isa pang ibig sabihin ang sinabi niya kanina na 'you're wearing my name'.
"What the hell Rash?" I asked him in disbelief
Ang likod ng Rash guard ay may nakasulat na 'Rash's'.
"Para malaman nila na meron nang nagmamay-ari sayo" Inosenteng sabi nito
I look at him in disbelief. He's so possessive.
~●~●~●~●~●~
This story will get slow updates. Malapit na exam eh. Baka sila ang maisagot ko😆I'll do my school requirements too. I'll try to update everytime I got free time. Thank you for reading! I hope you enjoyed it❤
BINABASA MO ANG
We Met Again
De TodoLife is indeed unpredictable. Expect the unexpected. Destiny is really playful. Anong gagawin mo kapag ang 5 years mong naging crush dati na lagi kang sinasaktan at pinagtatabuyan ay muli mong makita after 7 years? Asking you to be his girlfriend...