Chap19

310 10 0
                                    

Nasa isang ice cream house kami ngayon at naiinis nanaman ako dahil ang mga babae na nasa loob nitong kainan ay pinapanood si Rash. Paano ba naman, mukhang gumagawa ng commercial ang isang ito sa pagkain ng ice cream. Napataray na naman ako sa kawalan.

"Hey, are you still mad?" May panlalambing na tanong nito sa akin

Hindi ko siya sinagot dahil ang atensyon ko ay nasa mga babae sa kabilang lamesa na pinagpapantasyahan itong inosenteng kasama ko.

Kumuha siya ng tissue at saka pinunas ito sa aking labi. He smiled nang tarayan ko siya. Hinayaan ko siyang punasan ang bibig ko.

"Hindi na nga po mauulit. Huwag ka na po magalit" Parang bata na sabi pa nito sa akin

"Wala akong pake kung makipaglandian ka sa ibang babae Rash, but please huwag lang harapan. Remember, alam ng mga tao na nililigawan mo ako? Respeto naman  sa pagkababae ko" Inis na sabi ko sa kaniya

"Ikaw lang naman ang nilalandi ko" painosenteng sabi nito habang nakakunot ang noo

Baka maniwala ako Rash!

Tinarayan ko na lamang siya at binilisan ang pagkain ng ice cream. Katatapos lang naman ng menstruation ko, bakit ganito ang nararamdaman ko? Naiinis ako at gusto kong tarayan lahat ng tao sa paligid ko. Lalo na ang mga babaeng umaaligid at tingin ng tingin kay Rash. Ang sarap pagtutusukin ng mga mata at pagsasabunutan eh.

Nang matapos na kami kumain ay agad ko nang niyaya si Rash na lumabas sa ice cream house, pero siyempre bago kami tuluyang makalabas ay muli kong tiningnan ang kumpulan ng mga babae kanina na pinagpapantasyahan si Rash at tinarayan ang mga ito.

Tahimik lang kami sa loob ng kotse. Nang maboring ako ay kinuha ko ang cellphone niya na nakakalat lang sa kung saan. Nakita ko ang pagsulyap niya sa akin ngunit hindi naman siya nagreklamo kaya pinagpatuloy ko ang pangingielam.

I entered the password '092315'. I wonder why his password is like that. Hindi niya naman iyon birthday. Maybe, Tanya's birthday? Their anniversary? It's look like an important date. But they broke up. It is not also the birthday from one of his family.

Napailing na lang ako dahil sa pag-overthink ko. Nung isang araw ko pa talaga ito gusto punahin pero ngayon lang ako nagkaroon ng oras. Siguro dahil masaya ako nung isang araw at ayokong masira ang araw na iyon kaya pinalagpas ko at pinilit ang sarili na huwag na isipin pa ang dahilan.

Gaya nang huli ko itong mahawakan ay walang nagbago sa phone niya. Boring phone. No games, puro files, at iilan lang ang music niya. Wala nga akong nakita na mga pictures kung hindi ang wallpaper niya lang na color black. Is his phone new? Okay I'm invading his privacy.

"Baby" Tawag niya at agad akong napalingon sa bintana

Nasa tapat na pala kami ng gate ng bahay ko. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod. Nakakapagod pala magtaray at mainis ng buong maghapon.

"Before I forgot, are you going with me tomorrow? Double date with Crystal" Tinaasan ko siya ng kilay para malaman niya na naiinis pa din ako sa kaniya at lalo akong maiinis kapag hindi siya pumayag

"Of course, I won't let you go alone there" Sagot naman nito

Bago pa ako tuluyang makalabas sa kotse niya ay pinigilan niya na ako sa pamamagitan ng paghawak sa aking braso. Nilingon ko siya at kinunutan ng noo.

"You're still mad" hindi iyon isang tanong

"Di" Maikling sagot ko na lang para makaalis na ako

"You sure? Are we okay?" Paninigurado naman nito

"Oo naman. Huwag mo na lang ulitin ang paglalandi mo sa harap ko. You can do it at my back at yung pasikreto naman sana. Huwag masyado sa publiko" Sabi ko at ako na ang nag-alis ng kamay niya sa braso ko at mabilis na bumaba na sa sasakyan niya

'Hindi naman siya lumandi' Biglang kontra ng isip ko

Napailing na lang ako. Wala akong pake kung lumandi siya o hindi. Basta ngayon naiinis ako.

At mas lalo pa akong nainis nang umandar na ang sasakyan niya at talagang iniwan ako nang hindi kami nagkaka-ayos.

Padabog akong pumasok ng bahay. Of course! Bakit ko ba kasi ine-expect na lalambingin niya pa ako at hindi siya uuwi hanggang may inis ako. I'm not sure with his feelings, ako lang naman yung nagmamahal ulit. Bakit ba kasi ang arte ko? Ano bang kinaiinis ko? Naiinis na din ako sa sarili ko.

Maya-maya ay may kumatok sa pintuan. Tamad ko naman itong binuksan at bumungad sa akin si Rash habang may bitbit na bouquet of pink roses sa kaliwang kamay niya at milk tea naman sa kanang kamay niya.

"May nakalimutan ka ba?" Tanong ko at iniwas ang paningin sa mga bitbit niya

"I'm sorry" He said ang gave me the flowers

Tinarayan ko siya bago ito kunin at buksan ng malaki ang pinto para makapasok siya.

"Bakit hindi naka-lock ang gate mo?" Tanong naman nito sa akin nang makaupo sa sofa

Yeah, I forgot sa sobrang inis ko sa kaniya.

"I forgot" Simpleng sagot ko naman

Tinanggal niya na sa plastic ang straw at siya mismo ang nagtusok nito at naglagay sa milk tea at saka binigay sa akin. Kinuha ko naman ito at umupo sa tabi niya pero sinigurado ko na may malaking space.

"Thank you" Mahinang sabi ko

Nang matikman ko ang milk tea ay agad naman na parang natunaw ang puso ko. Sa bulaklak at milk tea lang pala ay wala na ang inis ko. Ang rupok naman.

"Ayan, wala na ang kunot sa noo mo. Makakatulog na ako ng maayos" Sabi nito dahilan para hindi ko masalubong ang mga tingin niya

Ito na naman ang puso ko at nakikipagkarera na naman kaya ang mga kung anong nasa tiyan ko ay sobrang nagagalak.

Nagulat naman ako nang bigla niya akong hilain at ilapit sa kaniya. Mabilis niyang hinalikan ang aking noo. Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kaniya habang ang straw ng milk tea ay nasa bibig ko pa din.

"Hindi na po mauulit. Hindi na hubad si Rash sa camera kasi galit si Yona" Parang bata na sabi nito at saka hinalikan naman ang aking ilong

Naialis ko ang straw sa aking bibig dahil gusto kong magsalita pero hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko. Kinuha niya naman ang chance na iyon para nakahawan ako ng halik sa labi.

"Taste good" Sabi nito at saka ngumisi sa akin

Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko. Parang kamatis na siguro ako dahil sa pamumula. Nakakahiya. Bakit ba kasi may ganitong epekto siya sa akin?

"Favorite ko talaga ang Okinawa" Sabi nito saka tinaas-taas pa ang kilay niya sa akin

Nang-aasar ang unggoy.

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon