"What about your past girlfriends?" I asked
"I didn't. Call me a playboy or bad, but I won't deny that I used them" Hinuli niya ang aking mga mata "I used them to get over with you"
"Why?" Mabilis kong tanong
"Nagkasakit si Mama. They are just waiting for me to finish my High School here tapos titira na sana kami sa ibang bansa" He said
Nagkasakit si Tita? She looks healthy.
"May cancer si Mama at Lola. Gumaling si Mama pero si Lola-" sinadya niyang putulin ang kaniyang sasabihin at saka umiling na lamang "Gusto ko sana bago mawala si Lola ay maipakilala na kita" he added
Then I remembered the people around me who's saying 'Hindi lang ikaw ang nasasaktan Yona'
I'm suffering because the man I love can't love me back but he's suffering because his mother and Lola has cancer.
"Ayokong mahulog ng tuluyan sayo Yona, baka kasi magpaiwan na lang ako sa Pilipinas o kaya isama kita kung saan man kami pupunta" Natawa siya sa kaniyang sarili "Everytime you're with other boys, the pain is killing me baby" he stared at me "Ang bigat sa puso"
Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. I can see the pain in his eyes.
"I scolded myself, ito ang ginusto ko kaya dapat lang" He smiled sadly "Do you know what's funny?" He laughed pero alam kong hindi dahil sa saya "Lahat ng lalaking magkakagusto at lalapit sayo hinahamon ko ng suntukan"
Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi.
"Then Tanya came, kababata ko siya at nagkataon na business partner ni Papa ang Mommy niya. We're not financially capable in providing my mother and grandmother's need" Tumingin siya sa malayo na parang bang iniiwas niya ang kaniyang mata para hindi ko makita ang sakit na nararamdaman niya "Everyday I'm scared na mawalan ako ng ina at lola. Takot akong umuwi, pagka-uwi ko ba may madadatnan pa ako nanay at Lola?" He laughed with blood shot eyes "Narinig ko ang usapan ni Papa at ng Papa ni Tanya. That's the only thing that I know to help my family. Pumayag ako, I promised that I will marry their daughter in exchange of providing us financially"
"Kahit kailan hindi mo minahal si Tanya?" I asked
"Lolokohin ko lang ang sarili ko kapag sinabi kong minahal ko si Tanya more than friends" He said
Napatango naman ako.
"Baby, I want to marry you. Ngayong wala nang hadlang para ipaglaban kita, huwag mo asahan na papakawalan pa kita" He said in almost a whisper and claimed my lips
Tinanggap ko ang halik niya. Wala akong pake kung ilang beses niyang akong nasaktan. All I know is, I will still love him even he broke my heart into pieces.
"Yonnalyn Nazzi Brawlt, will you accept me to your life again?" He whispered after our kisses
"Rash Haizon Larama, you're always welcome to my life" I smiled as he kissed me on my forehead
Sapat na ang mga salitang binitawan niya para pagkatiwalaan ko siya.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at pumasok. Akala ko ay mauunahan ko si Rash, ngunit nang dumating ako ay prente na siyang nakaupo habang seryoso sa kaniyang binabasa na mga dokumento.
"Good morning baby" He greeted me nang mapansin niya ako
Binuksan niya ang kaniyang mga braso, asking for a hug. I smiled and come to him closer at saka siya niyakap.
"Ang aga mo naman" puna ko sa kaniya
"Inspired eh" He said and winked at me
Nakita ko nanan sa computer niya ang picture ng isang pusa. I remembered the persian cat na binigay sa akin ni Francis. Binalik ko iyon kay Francis.
"You're going to buy a cat?" taas kilay kong tanong kay Rash
"Yeah. You love it right?" He said and he hugged me tighter
Maya-maya ay lumabas sa elevator ang kaniyang sekretarya. Nang lumingon ako doon ay hinila niya ako paupo sa kaniya.
"Good morning Ma'am, Sir" Bati ng sekretarya at saka iniabot ang pink roses kay Rash
Tumungo pa ito bago tuluyang umalis.
"For you" Rash whispered to my ear as he handed me the flowers
I smiled. I can feel that my cheeks are burning.
"Walang forever" Pareho kaming napalingon ni Rash sa nnagsalita
Kunot noo kaming tinitingnan ni Gab.
"Your timing is always Good couz" Sarcastic na sabi ni Rash
"Ibibigay ko lang ito sa owner" Nilabas ni Gab ang isang makapal na dark blue notebook at saka ngumisi
Narinig ko ang mahihinang mura ni Rash. Tumayo na ako at ako na sana ang kukuha nang mabilis na nakalapit si Rash kay Gab at siya ang kumuha. Tawa naman ng tawa si Gab.
"Hindi ko sinunog Couz, sorry" Natatawang sabi nito
Nakakunot lang akong nakatingin sa kaniya. I saw the bullet sweat on Rash's forhead, mainit ba?
"Ipu-publish ko nga sana" Natatawang dagdag pa ni Gab at si Rash naman ay mura lang mura
"Stop saying bad words" Saway ko kay Rash na nanahimik naman
"Sino ba naman hindi mapapamura" Natatawang sabi ni Gab
"What's that?" I finally asked
"Diary ni Rash" Napahawak na si Gab kakatawa "Hindi ko na pinublish kasi ang drama at corny" halos hindi na ito makahinga sa kakatawa
"You're invading my privacy" Masamang tiningnan ni Rash si Gab
"You're slowly killing me baby. Bakit hindi pwedeng tayo na lang?" Inarte pa ni Gab ang pagkakasabi nito
Nagulat ako nang may bumato kay Gab ng box ng tissue at alam kong galing iyon kay Rash.
"Patayin mo na lang ako Yona, kaysa makipagtawanan ka sa ibang lalake" Dagdag pa ni Gab
Gusto kong matawa dahil sa exaggerated na pag-arte ni Gab pero pinigilan ko ang aking sarili.
I didn't know that he has a side of that. Cute.
~●~●~●~●~●~
Thank you for reading❤ I'm also working my new story entitled "Innocently In love" though I won't promise for fast updates because I'm going to finish this story first. I hope that you'll also support my other story❤ It is inspired by my best friend. As of now, prologue pa lang siya😆 Happy reading❤
BINABASA MO ANG
We Met Again
RandomLife is indeed unpredictable. Expect the unexpected. Destiny is really playful. Anong gagawin mo kapag ang 5 years mong naging crush dati na lagi kang sinasaktan at pinagtatabuyan ay muli mong makita after 7 years? Asking you to be his girlfriend...