Chapter 30

278 12 0
                                    

Dito na ako. I'll wait for you
-Francis

Basa ko sa text ni Francis sa akin. Napatingin naman ako kay Rash na busy sa kaniyang computer. Workaholic talaga siya.

After ng kadramahan namin kanina ay hindi na kami nag-usap pa. Nanatili lang siya sa kaniyang upuan at minsan ay umaalis dahil may meeting. Meeting ba talaga? tss.

Napatingin ako sa box ng pizza na nasa ibabaw ng table ko. Bigay ito ng secretary niya kaninang hapon, meryenda ko daw. Dahil sa pride ko ay hindi ko ito kinain. Now, dadalhin ko ba ito o iiwan?

"Rash, una na ako" Paalam ko at tumayo na

Akala ko ay hindi niya ako mapapansin ngunit nilipat niya ang paningin niya sa akin mula sa screen ng computer niya at tinaasan ako ng kilay.

Nilipat ko ang aking paningin sa pizza. Iuuwi ko ba?

Sa huli ay napagdesisyunan ko na iwan na lang. Simula ngayon dapat gumawa na ako ng distansya sa amin.

Bago ako makalabas ay muli akong napalingon dahil sa narinig ko ang paggalaw ng kaniyang upuan. Nangunot ang noo ko nang pinatay niya ang kaniyang computer at nagligpit na ng mga gamit. Don't tell me...

Sinalubong niya ang tingin ko at nagmadali akong sumakay ng elevator. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin ngunit huli na ng makalapit siya dahil tuluyan nang nagsara ang elevator. Nang bumukas ito ay nagmamadali akong lumabas ng building. Agad ko naman nakita si Francis at agad akong lumapit dito.

"Gwapo natin ah" Puri ko nang mapansin na naka-porma siya

Ngumisi siya sa akin at saka hinalikan ako sa ilong. Agad akong kinabahan at napatingin sa aking paligid. Bakit pakiramdam ko nagtataksil ako? wala naman akong boyfriend.

"For you" Nang bumalik ang tingin ko kay Francis ay agad naman na nanlaki ang aking mga mata ata napahawak pa sa aking bibig para takpan ito dahil nakanganga

Sinalubong ko ang tingin niya at saka ngumiti sa kaniya. He's holding a cat in a pink cage! A Persian white cat!

"Thank you Rash!" Sigaw ko at niyakap siya ng mahigpit ngunit agad na nawala ang ngiti ko nang marealized kung sino ang nabanggit ko

Yona ang tanga mo talaga.

Napalunok ako bago bumitaw ng yakap sa kaniya. He's not Rash! He's Francis!

"I know cat is your favorite" Kibit balikat na sabi nito "Nakita ko tapos naalala kita" He even smiled at me

Nakokonsensiya tuloy ako. Hindi ko alam kung napansin niya ba na iba ang naitawag ko sa kaniya o hindi talaga.

Napalingon ako sa likod ko at para akong nanigas sa aking kinatatayuan nang makita si Rash na pinapanood kami. He's leaning on his car while staring at us.

"Let's go? Yayayain sana kita ng dinner" Ngiti naman sa akin ni Francis

"Of course, gutom na rin ako" Nagmamadaling sabi ko at ngumiti sa kaniya

Don't mind him Yona. Walang Rash na nanonood sa inyo.

Nang buksan ni Francis ang pinto ng sasakyan ay nagmamadali akong pumasok. Nang maisara na ay agad akong nakahinga ng maluwag, buti at tinted ang kaniyang sasakyan. Pinaypayan ko ang aking sarili.

Nagtataka naman akong pinanood ni Francis. Agad kong tinigil ang aking pagpaypay sa sarili at nginitian siya. Bukas ang aircon ng kotse niya, bakit ba ako naiinitan?

Nanlaki naman ang mga mata ko nang lumapit si Francis sa akin at siya ang nag-ayos ng seatbelt ko.

"Safety first" Natatawang sabi nito at pinaandar na ang sasakyan

Muli kong nilingon si Rash at ganun pa din ang ayos niya. Bakit feeling ko nakikita niya ako kahit tinted ang bintana? Nababaliw na ata ako.

I told you, I don't like getting jealous baby
-Rash

Bungad na notification sa aking cellphone nang tiningnan ko ang oras. Nangunot ang noo ko sa unknown message na pumasok. I opened it.

Can we talk? It's me, Tanya.
-09*********

Para akong pinagbagsakan ng langit dahil sa nabasa ko. Napalingon ako sa bintana nang maramdaman ang pagpatak ng aking luha. Agad ko itong pinunasan. Umiiyak ka naman Yona. You're so idiot to make it as your hobby.

"Are you okay?" Tanong ni Francis sa akin at sinulyapan ako

"Can we go in a park instead?" Napakagat ako sa aking ibabang labi

Tumango naman siya at saka mas binilisan ang takbo ng kaniyang sasakyan.

Nang makarating kami sa isang park ay pinaupo muna ako ni Francis sa isang bench at umalis siya saglit. I used that time to cry.

"Ang sakit-sakit na" Sabi ko sabay pukpok sa aking dibdib umaasa na baka maalis ang kung ano mang nakadagan dito

Naramdaman ko naman ang kung anong malamig ang dumikit sa pisngi ko. I saw Francis holding an ice cream. Kinuha ko ang ice cream sa kaniya at umupo naman siya sa tabi ko. Pinunasan niya din ang kung ano mang nasa pisngi ko then he smiled.

"Tell me Yona" He said and started to eat his ice cream

"Tanya wants to talk to me" Panimula ko "Nakita ko rin sila ni Rash kanina, magkayakap"

"Should I hug you too?" Pagbibiro nito sa akin at saka tumawa

Nginitian ko lang si Francis. I know he just want to make me happy kaya lang hindi ko talaga magawa ang tumawa.

"Francis, kausapin ko ba si Tanya?" I asked him at sinimulan na din kainin ang aking ice cream

"I don't think it's a good idea, but ignoring her is also not good" Sabi naman nito na tinanguan ko

Should I?

"What if sabihin niyang lumayo ka kay Rash?" Francis asked

Napakagat ako sa ibabang labi ko not knowing kung anong tamang sagot.

"Kahit hindi niya sabihin lalayuan ko naman na talaga si Rash" Sagot ko naman at nag-iwas ng tingin kay Francis

"That's the decision of your brain" Napalingon naman ako sa sinabi ni Francis "Kapag ang puso at utak hindi nagkaisa sa desisyon mo, you'll never have the contentment that you want"

Ngumiti sa akin si Francis. Isang malungkot na ngiti. May kinuha siya sa kaniyang bulsa at saka binigay ito sa akin. Kwintas ito ng pusa at may nakasulat na "I love you". Umangat ang paningin ko kay Francis na nagtataka.

"Hindi mo napansin na suot yan ng pusa kanina, because you're too tensed dahil kay Rash" Tumawa ito pero alam kong hindi dahil sa saya na nararamdaman niya "Dati pa lang Yona gustong-gusto na kita. That cat? Binili ko yan Kitten pa lang. Balak kasi kitang ligawan dati, alam mo ba kung bakit hindi natuloy? Hinarang ni Rash. Hinamon ako ng suntukan" He laughed again "Pero hindi ako sa suntukan natalo Yona, sa salita niya. Kung gaano niya pinamukha na mahal na mahal mo siya. Tagos dito." Tinuro niya ang kaniyang dibdib kung saan nakapwesto ang kaniyang puso "Puso ko yung nabugbog"

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon