Chap6

404 9 0
                                    

"What do you think?" Tanong sa akin ni Niko habang nakatuon ang pansin niya sa hawak niyang kwintas.

Nasa isang jewelry store kami ngayon. I suggested na magandang regalo ang necklace kasi mas naa-appreciate namin itong mga babae. Bigla naman akong nakaramdam ng inggit kay Abi. Kailan kaya ako makakahanap ng lalaking maibabalik din sa akin yung pagmamahal na binibigay ko?

"Great. Abi will love it" Ngiti ko naman kay Niko

He did not bothered to glance at me at binigay na agad ang necklace sa sales lady at nagbayad na siya. Nakaramdam na naman ako ng kirot sa aking puso. Bakit lagi na lang ganito? Bakit kailangang ipasaksi sa akin ng tadhana kung gaano kamahal ng taong mahal ko ang babaeng mahal nila, which is hindi ako.

Bumili pa kami ng malaking stuff toy dahil gustong-gusto daw ni Abi ng ganun. After that niyaya niya muna akong dumaan sa isang restaurant para kumain ng lunch namin.

Nang makapasok kami sa isang restaurant ay agad kong inikot ang mga mata ko. This place is really amazing. Napatingala naman ako sa chandelier sa ceiling na talaga namang napakaganda. Yes, mayaman si Niko. One of the reason kung bakit hindi ako nababagay para sa kaniya. Abi is also from a wealthy family. Anong laban ko?

"Let's go" Aya sa akin ni Niko na nakangiti

Nginitian ko din siya. Nang makaupo na kami sa table ay agad akong napatigil nang makilala kung sino ang nasa tabi ng table namin.

Anong ginagawa niya dito? And what the hell! He's with a girl!

Nilingon naman ni Niko ang tinitingnan ko, hindi ko na itatanggi dahil nakita niya na.

"It's Rash. Mukhang may lunch meeting. He's really busy" komento naman nito

Siya na ang nag-order ng foods namin gaya ng nakasanayan.

Nang magtama ang paningin namin ni Rash ay agad ko naman siyang sinamaan ng tingin. He's emotionless. Parang wala siyang pake na nakikita ko siyang may kasamang ibang babae samantalang ako ang nililigawan niya.

Ang dami ng order ni Niko na pagkain, kaya ko naman ubusin talaga ang mga ito kung wala lang dito si Rash.

Hindi ko na muli sinulyapan si Rash. Pinilit kong ubusin ang pagkain ko ngunit hindi ko na talaga maubos. Sinadya kong bagalan na kumain at hinintay na umalis si Rash at ang kasama niyang babae. Saka ko lang niyaya si Niko after 10 minutes at sinabi ko na hindi ko na maubos ang pagkain ko.

"I'm sure she'll love it" Nginitian ko si Niko nang muli niyang tingnan ang paper bag kung saan nakalagay ang kwintas na binili niya para kay Abi

Nagulat naman ako nang makalabas kami ng restaurant ay agad na may humawak sa siko ko.

"Bakit ang tagal mo?" Inis na tanong nito

Aba! Siya pa ang may gana na mainis ngayon! Dapat ako! Nakita ko siya na may ka-date na ibang babae pero ako nililigawan niya.

"Napasarap kasi ang usapan namin" Simpleng sagot ko habang pasimple din na hinahanap ang ka-date niyang babae kkanina

"Ako na maghahatid sa kaniya" Biglang baling naman ni Rash kay Niko

Agad naman na tumaas ang kilay ko.

"Ayoko nga" Tinanggal ko na padabog ang kamay niyang nakahawak sa siko ko "Mamaya maging thirdwheel lang ako sa kadate mo"

"Bro, I can handle this. Nagseselos ang Yona ko, lalambingin ko lang" Tipid na ngumiti naman si Rash kay Niko

Agad ang pag-init ng magkabilang pisngi ko. Bakit ba nakakaramdam ako ng mga ganito? Dapat ay galit lang lahat ng nararamdaman ko!

Simamaan ko ng tingin si Niko ngunit bumulong lang siya sa akin ng 'sorry' at iniwan na din talaga ako kay Rash.

"Lunch meeting yun Yona, hindi date" Agad na sabi nito nang tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay

Tinarayan ko lang siya at nauna na maglakad.

"Where is she?" Tanong ko nang mapantayan niya na ako ng lakad

"Sinundo na ng asawa niya" Sabi nito na nagpatigil sa akin

"Kasal na yun?" I asked in disbelief

Tumango naman siya sa akin. Halos kasing-edad ko lang ang babaeng iyon ah. Sabagay, right age na naman talaga ng married yun. 25 years old na ako pero NBSB pa din ako.

Lumabas na kami ng mall at agad ko naman nakita ang sasakyan niya.

"Iuwi mo na ako" Sabi ko nang makapasok na kami sa sasakyan niya

"Daan muna tayo sa work place ko. May tatapusin lang ako saglit saka kita ihahatid" Sabi naman nito at pinaandar na ang sasakyan niya

"Busy ka pala. Sana pinasabay mo na ako kay Niko" Naiinis na sabi ko naman sa kaniya

Bigla naman ang pag-preno niya at nilingon ako saka tiningnan ng seryoso.

"Kaya ba ang tagal mo kumain kanina kasi siya ang kasama mo? Kapag siya ang kasama mo gustong-gusto mo pinapabagal ang oras, kapag ako kating-kating ka na umuwi Yona" Sabi nito

Napakagat naman ako sa ibabang labi ko at saka lumingon na lang sa bintana.

"Sabagay I deserved this, kasi ginaganito din kita dati. But unlike you Yona, I won't give up kahit ilang beses mo pa akong pagtulakan" Sabi nito at muling pinaandar ang kaniyang sasakyan.

Hindi naman ako susuko kung hindi mo ako pinasuko Rash. Gusto ko lang ang kasiyahan mo at hindi ako ang makakapagbigay niyon.

Napataray na lang ako sa kawalan. Dapat hindi na inaalala pa ang nakaraan. Tapos na, nasaktan na ako. Anim na taon bago ko matutunang magmahal ulit, iyon ay si Niko.

Nang makarating na kami sa tapat ng isang mataas na building ay tumigil na ang sasakyan niya at may sumalubong naman sa amin at kinuha ang susi ng sasakyan dito. Pumasok na kami sa loob ng building at agad kaming nagtungo sa elevator. 26th floor nang magbukas ang elevator at agad na bumungad sa akin ang parang ayos ng bahay. Hindi kaya dito na din siya nakatira?

"Nice" Sabi ko nang makalabas ng elevator at masilayan ang office niya

Nang pumunta siya sa kaniyang table na may computer ay umupo naman ako sa kulay itim na sofa. Anong gagawin ko dito? papanoodin ko lang siya?

Maya-maya ay biglang bumukas ang elevator at niluwa nito ang isang babae na medyo may edad na. Binati niya kami at saka inabot kay Rash ang isang paper bag. Umalis na din ito pagkatapos.

Tumayo si Rash sa kaniyang pagkakaupo at saka lumapit sa akin.

"Here" sabi niya sabay abot ng paper bag sa akin

Tinaasan ko naman siya ng kilay pero kinuha pa din ito. Agad ko naman itong tiningnan. T-shirt na light pink.

"I'm willing to be your supplier of T-shirts, magsabi ka lang sa akin Yona. Hindi yung nagsusuot ka ng maliliit na damit" Kunot noong sabi nito

Sabing hindi maliit na damit ito! Crop top ito!

"Magpalit ka na, baka mamaya ibang trabaho ang magawa ko" Sabi nito at saka muling bumalik na sa pwesto niya

Ano bang problema niya sa crop top?

We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon