Napatingin ako sa bintana. Madilim pa, hindi pa sumisikat ang araw. Sinadya ko talaga na maagang gumising at pumasok sa opisina dahil sabi sa akin kagabi ni Rash bago siya tuluyang umuwi ay siya daw ang maghahatid sa akin sa opisina.
Hindi ko alam kung paano siya haharapin matapos ko siyang halikan kagabi. Hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa isip ko at hinalikan ko siya. Nakakainis.
Muli kong sinulyapan ang aking sarili sa salamin at nang makuntento na ako sa itsura ko ay lumabas na din ako ng bahay.
Paglabas ko ng gate ay agad naman akong napatigil. Bakit ang aga niya? Napatingin ako sa wrist watch ko at maga-alasingko pa lang. Sabi ko sa kaniya alasais ako naalis sa bahay dahil alasyete ang pasok ko. Bakit alasingko pa lang ay nandito na siya?
Nakasandal siya sa kaniyang kotse habang nakangising nakatingin sa akin. He looks so handsome with his black suit. Napailing na lang ako dahil sa pagpuri ko sa kaniya.
Nang mapansin nito na hindi ako lalapit ako sa kaniya ay siya na ang lumapit sa akin. Napataas pa ang kilay ko nang akmang kukunin niya ang bag ko na iniiwas ko.
"Let me" Sabi nito sa akin
"Bakit ang aga mo?" Hindi ko mapigilan na tanong sa kaniya
"Of course kilala na kita Yona. You easily agreed nang sinabi ko na ihahatid kita sa opisina mo. Alam kong tatakas ka. You just said that to stop the argument" Paliwanag sa akin nito at kinuha na ng tuluyan ang bag ko
Hinayaan ko na siyang dalhin ito. Nakakainis siya. Paano niya nalaman na may ganun akong plano? Bwiset.
"Sakay na, let's eat some breakfast. Maaga pa naman" Sabi nito kaya agad akong napataray sa kaniya at nauna nang sumakay sa kotse niya
Sumunod na din siyang sumakay. Bago niya paandarin ang sasakyan ay inabot niya muna ang nasa likod na upuan at binigay sa akin ito. Another pink rose.
"Akala mo makukuha mo ako sa pabulak-bulaklak mo?" Pagtataray ko naman sa kaniya pero tinanggap ko pa din ang binigay niyang bulaklak
It's a pink rose! Sinong aayaw dito? Siya lang naman. Napataray na lang ulit ako nang maalala ang binalik niya sa aking pink rose nung inaya ko siyang maging last dance ko sa 18th birthday ko.
Pinaandar na niya ang sasakyan at ako naman ay nag-focus na lang sa bintana.
"About the kiss-" Hindi ko na siya pinatapos pa
"Wala lang yun Rash" I said nanatili ang paningin ko sa bintana
"It's our second kiss" Pabulong na sabi nito dahilan para kumot ang noo ko at mapatingin sa kaniya
Akala ko hindi niya naaalala ang nangyaring iyon? He lied to me. Nagsinungaling siya para saktan ako at lumayo na sa kaniya.
"Hello?" Sagot ko nang tumawag si Vince sa akin
He's Rash's best friend. Alam kong hindi ko na dapat pa siyang sagutin dahil lumalayo na ako kay Rash. Masaya na siya kay Tanya. Ilang buwan na lang din at gra-graduate na si Rash at lilisan na din sa school na ito kaya mas mapapadali na sa akin ang lahat. Wala na akong iiwasan.
"Yona, can you come here? Rash is drunk" He said at naririnig ko naman ang ingay sa background niya
BINABASA MO ANG
We Met Again
RandomLife is indeed unpredictable. Expect the unexpected. Destiny is really playful. Anong gagawin mo kapag ang 5 years mong naging crush dati na lagi kang sinasaktan at pinagtatabuyan ay muli mong makita after 7 years? Asking you to be his girlfriend...