Chap27

296 10 0
                                    

"Bye po" Humalik na ako sa pisngi nila Mama at Papa

"Kailan kaya ulit bibisita ang prinsesa namin?" Nakangiwing sabi naman ni Papa

Natawa naman ako at saka siya hinalikan sa ilong.

"Bibisita ako kapag may free time" Sabi ko naman at muli silang niyakap

After ng dramahan namin ay nakalabas na din ako ng gate namin. Agad naman na nawala ang ngiti ko nang makita kung sino ang katabi ng taxi na tinawagan ko. Tumingin agad ako sa ibang direksyon, kunwari ay hindi ko siya nakita.

"Yona" Nang akmang lalapit na siya sa akin ay dali-dali akong lumapit sa taxi ngunit bago ako tuluyang makasakay ay hinawakan niya ang aking siko dahilan para mapatigil ako

Hindi ako nagsalita, hinayaan ko lang siya na hinahawakan ako.

"Yona, let me explain. Can you wait? This isn't the right time" Pabulong na sabi nito

Wait? I'm done waiting Rash. Kulang pa ba yung 12 years? Ilang taon ba na paghihintay ang gusto niya para malinawagan ako sa mga kilos niya dati at ngayon? Dati, he used to push me away at ngayon naman he's pulling me. Nasasaktan ako sa push and pull na ginagawa niya sa akin. Hindi naman ako laruan, I'm also a human. I have feelings too.

"Yona" Tawag pa nito sa akin

Sakto naman na tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito at napangisi naman ako ng makita kung sino ito.

Taste your own medicine Rash.

Sinagot ko ang tumatawag na si Francis.

"Miss me agad?" Tanong ko at bahagya pang tumawa

Naramdaman ko naman ang pagluwag ng kamay niya na nakahawak sa aking siko kaya kinuha ko na ang pagkakataon na ito para makasakay na ng tuluyan sa taxi.

Nakangiti pa din ako nang makapasok sa loob, dahil hindi naman tinted ang bintana at alam kong nakikita niya ako.

Bago tuluyang umandar ang taxi ay nagsalubong ang paningin namin. I saw his face, bakit parang nasasaktan siya sa mga ginagawa ko? Is that real? Hindi ba at may Tanya na siya?

Saglit pa kaming nag-usap ni Francis habang nasa byahe ako. Nang nasa kalahati naman na ay nagpaalam na ako sa kaniya dahil nakaramdam ako ng antok.

Ilang oras din ang ginugol ko sa byahe. Nang nasa tapat na ako ng bahay ay agad na akong bumaba at binayaran na ang taxi.

Bago ako tuluyang makapasok sa gate ay namataan ko pa ang paparating na sasakyan ni Rash. He followed me.

Mabiilis akong pumasok ng gate at nilock iyon.

Buong araw lang ako nagkulong sa bahay. Natatakot ako na baka paglumabas ako ay makita ko siya at matunaw na naman ang puso ko.

"Niko?" I answered the call

"Yona, birthday na bukas ni Abi. Can you come? Sigurado akong hahanapin ka ni Abi. Please?" Lintanya naman nito sa akin

"Sure. Dinner?" I asked

"Yes.  Bring your date. Thank you talaga" Sabi naman nito at saka binaba na ang tawag

Bring my date?

Wala na ibang pumasok sa isip ko kung hindi si Francis. Sa ngayon, siya lang ang lalaking ka-close ko at mapagkakatiwalaan.

Laking pasasalamat ko na pumayag siya. He even said na papadala niya sa address ko ang damit na isusuot ko. Tumanggi ako sa una ngunit mapilit siya kaya naman pumayag na ako.

Kinabukasan, after work ay agad na nakaparada na ang saksakyan ni Francis sa labas ng work place ko. Agad naman akong napangiti.

"You're beautiful" Sabi nito at sinalubong ako saka kinuha ang bitbit ko na bag at papaer bags na ang laman ay ang pinagbihisan ko kanina.

"Maganda din pala ang taste mo" Natatawang sabi ko

"Well" Kibit balikat na sabi nito

Nawala naman ang ngiti ko nang matanaw mula sa malayo si Rash. His eyes are on me na parang papatay na. Mabilis akong pumasok sa kotse ni Francis. Dapat hindi na ako maapektuhan sa kaniya. This is the real move on.

Mabilis lang ang naging byahe. Nahihiya pa akong bumaba dahil nahihiya ako sa suot ko. I'm wearing a white fitted dress na may paekis-ekis sa tiyan at naka-expose ang likod ko. Mayroon din akong pakpak at halo sa ulo. Yes, I'm a good angel at ito namang kasama ko ay gwapong bad angel. Custome party naman pala kasi ang handaan ni Abi. Hindi naman sa panget ang katawan ko kaya ako nahihiya, hindi lang kasi ako sanay. This is too sexy.

"Don't worry I won't leave you. Lalo pa at ganiyan ang suot mo. Madaming bampira ang nagkalat" Ngumisi siya sa akin

Napangiwi naman ako at bumaba na. Agad naman akong inalalayan ni Francis.

Simula pagpasok namin sa loob ay hindi na ako mapakali. Parang may matang nakasunod sa akin.

"Francis, restroom lang ako" Paalam ko naman

"Let's go" Sabi nito

"No, I can manage" Pigil ko sa kaniya nang sasamahan niya ako

Kausap niya kasi ang ilang businessman dito at ayokong abalahin pa siya.

"You sure?" Paninigurado nito sa akin kaya naman nginitian ko na siya

Binitawan niya na ang bewang ko at ako naman ay nagsimula na maglakad papalayo sa kaniya. Ngunit bago pa ako tuluyang makapasok sa CR, ay may humila na sa akin sa hallway nito.

"Hey" Sigaw ko at pilit na nagpupumiglas

Sinandal niya ako sa pader at kinulong niya ako sa pamamagitan ng paglapat ng kaniyang dalawang kamay sa pader na sinasandalan ko.

"Rash" Sabi ko nang makilala kung sino ang humila sa akin

Agad ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Kahit madilim ay kitang-kita ko ang kagwapuhan niya sa costume niyang suot ngayon. He's a handsome vampire. Lahat ng babae ay gugustuhin na maging biktima kung siya ang bampira.

"I told you, you're just mine Yona" Pabulong na sabi nito

Hindi ako sumagot at nagsalita. Pinakikiramdaman ko lang ang pagkabog ng puso ko.

"And what the hell Yona? Hindi pa ba sapat ang pagpapakita mo ng tiyan? Kaya binutasan mo pa yang sa likod?" Mabilis ang paghinga na sabi niya

He's mad.

"And you're with that bad angel!" Turo niya sa kung saan

Para na siyang mababaliw sa harapan ko.

"Yona?" Narinig ko naman ang boses ni Francis

Magsasalita na sana ako nang biglang lumapat ang labi sa akin ni Rash. Nagpupumiglas ako ngunit mas malakas siya sa akin kaya hindi ko nagawang makatakas. Hanggang sa mawala na ang tumatawag sa akin ay pinakawalan niya na ang labi ko.

"Ano ba Rash? You're cheating with your girlfriend!" Hindi ko mapigilan na sabihin sa kaniya

"Give me time Yona. The sun is still shinning, vampire can't go to sunlight" Bulong nito

"Ano-" bago pa ako matapos sa sasabihin ko ay muli niya akong hinalikan ng mmabilis

"Mata ko sayo lang Yona. Huwag kang magkakamali sa kilos mo kung ayaw mo ako maghasik ng lagim" Sabi nito bago ako tuluyang iwanan



We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon