Hawak ko ang cellphone niya. May tatlong crop top na akong napili at dalawang short. Hindi ko naman hilig ang online shopping, nagustuhan ko lang talaga ang nakita kong crop tops.
"Malapit na akong matapos" Bigla naman sabi ni Rash maya-maya
"Take your time" Sabi ko naman at nginitian siya
Tumango naman siya at muling binalik ang kaniyang atensyon sa ginagawa. Workaholic.
"Gusto mo ng masahe?" Tanong ko naman at akmang tatayo na nang pigilan ako nito kaya nanatili akong nakaupo
Kumunot ang noo nito. Nagagalit ba siya? Masama bang imasahe siya?
"Not here Yona. Dalawa lang tayo dito" Sabi nito dahilan para kumunot naman ang noo ko
Ano naman kung dalawa lang kami? May kasabihan bang kapag dalawa lang kayo ay bawal magmasahe? Wala naman akong naririnig.
"Stay still. Baka mapunta kung saan ang pagmamasahe mo sa akin" Sabi nito dahilan para mag-init ang magkabilang pisngi ko
Ano ba yan? Ano bang iniisip nitong si Rash?
Hindi na ako nagpumilit pa dahil natakot ako sa sinabi niya. Nanahimik na lang ako at nagpatuloy na tumingin ng kung anu-ano sa cellphone ni Rash sa app ng isang online shop.
Maya-maya ay natapos na din ito. Sa wakas dahil naiinip na talaga ako.
"Want to go somewhere?" Tanong naman nito sa akin at pinapatay na ang computer na ginamit niya
"San Juanico Bridge Please" Sabi ko at nginitian siya
"That place means something to you right?" Kunot noong tanong nito
Sinagot ko na lamang siya ng isang ngiti.
Bumaba na kami ng building at sumakay na sa sasakyan niya.
"Hey Rash, be sweet" Naiinis na sabi ko sa kaniya nang akmang papaandarin niya na ang sasakyan
Tiningnan ako nito at kinunutan ng noo.
"You should be the one to put my seatbelt" Sabi ko at nag-iwas ng tingin
Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa niya. Kinalas niya ang kaniyang seatbelt at saka inayos ang sa akin. Napangiti naman ako ngunit agad ko itong binawi.
"Tsk. Dapat nagkukusa ka" Sabi ko at saka tinuon ang paningin sa bintana
"Ang arte" Tiningnan ko siya ng masama pero sinagot niya ako ng isang ngisi "Ayoko sa maarte dati, pero simula nang artehan mo ako Yona... hinahanap-hanap ko na"
Napakagat naman ako sa aking pangibabang labi nang maalala ang mga kaartehan ko dati.
Unang beses akong sinabihan ni Rash ng maarte nang makatapak ako dati ng bubblegum sa court ng school. I'm just 13 years old back then.
"Yona, ano ba?" Naiinis na sabi sa akin ni Rash nang hindi ako sumunod sa kaniyang paglalakad at nanatiling nakatayo sa court
"Dito na lang ako Rash" Halos maiyak na sabi ko
Huminga ng malalim si Rash, halatang pinipigil nito ang pagkainis niya sa akin.
BINABASA MO ANG
We Met Again
RandomLife is indeed unpredictable. Expect the unexpected. Destiny is really playful. Anong gagawin mo kapag ang 5 years mong naging crush dati na lagi kang sinasaktan at pinagtatabuyan ay muli mong makita after 7 years? Asking you to be his girlfriend...