Naka-upo lang ako sa sofa habang siya ay nakatayo.
"Yona, Isa" May pagbabanta na sabi niya
"Dalawa" Tamad na sagot ko naman
Kita ko kung gaano niya pinipigilan ang kaniyang pagkainis. Dapat lang. Hindi lang dapat ako ang naiinis.
"Kakain o kakain?" He asked
"Kakain o kakain?" Gaya ko sa kaniya at nag-make face pa
He raised his eyebrow at me. Nagsusukatan kami ngayon ng tingin. Matapang ko rin siyang pinagmasdan.
"Eat, Yona" Kalmadong sabi nito
"Sinabi ko nga na ayoko! I don't eat rice sa gabi!" Sigaw ko sa kaniya at tinarayan pa siya
Tumingala siya, nakita ko ang sunod-sunod na paglunok niya dahil sa adams apple niya. Agad kong iniwas ang paningin ko dito nang makaramdam ako ng init at kiliti sa aking tiyan.
"What do you want then?" He finally asked
Umayos ako ng upo at saka ngumiti sa kaniya. He knotted his forehead.
"I want a pizza, burger no mayo and ketchup, barbeque fries, spaghetti, chicken wings, oh do you know isaw and kwek-kwek? I like that too. Then, hotdog sandwich no mayo and ketchup, oh yes waffle and also pancake with chocolate syrup. I'm also craving for milktea-" Hindi niya na pinatapos pa ang sinasabi ko at napatili na lang nang buhatin niya ako
Naka-posas pa rin ako.
Pinapapalo ko siya sa. Hanggang sa ibaba niya na ako at pinaupo sa sink.
"You don't like rice kasi ayaw mo tumaba, niloloko mo ba ako Yona? Ano yang mga pinabibili mo?" He said sarcastically
Hindi ako sumagot at tinarayan lang siya. Bahala ka diyan sa buhay mo. Naiinis ako. Hindi niya ako pinatapos sabihin lahat ng gusto ko.
"Buti pa si Francis binibili niya ang mga gusto ko" Pabulong kong sabi pero sinadya ko na iparinig sa kaniya
Nakita ko kung paano gumalaw ang kaniyang panga sa inis.
"Yun lang ba ang gusto mo? Baka may gusto ka pa?" Sabi niya naman na parant nnaghahamon
Kinuha niya ang phone niya sa kaniyang bulsa at binigay ito sa akin.
"List it, bibilhin ko" May diin na sabi niya
Pinigilan ko ang ngumiti. I won. Tinype ko na ang lahat ng pagkain na gusto ko. Nang binalik ko ito sa kaniya ay para dalawang beses niya akong sinulyapan na parang hindi makapaniwala sa kung ano mang nabasa niya sa phone niya.
"Damn it baby. I should not spoil you with this unhealthy foods but you're comparing me with some other guy" He said frustratingly
Hindi niya na inabala pang ibaba ako mula sa sink. He kissed my forehead at saka siya naglakad na paalis. Nang tuluyan na siyang makaalis ay bumalik na ako sa sofa at nahiga doon.
"Nakakalimutan mo ata na may kasalanan siya Yona" I whispered to myself while staring at the ceiling
Maya-maya ay may naisip akong kalokohan. Kinuha ko ang aking phone at saka tinawagan si Rash. Dapat lang na inisin ko siya para sumuko na siya sa akin. Kung hindi ko siya kayang sukuan, siya ang papasukuin ko.
"Yes baby? Hinahanap ko pa ang ibang pinabibili mo" He said
Para naman akong naawa sa kaniya. Gabi na, pagod pa siya sa trabaho- ay nawala na nga pala ang pagod niya sa halik ni Tanya.
"Rash pwede bang bilhan mo ako ng barbie doll?" I asked
"What? Niloloko mo ba ako yona?" He asked in disbelief
"Mukha ba akong nagloloko? I want a barbie doll with pink hair please" I tried to sound sweet
"Kung hindi lang kita mahal" I heard him whispered
Kung mahal mo ako, dapat ako lang ang hinahalikan mo.
"Bakit kailangan mo pa ng barbie doll?" Hindi niya maiwasan itanong
"Kailangan ko ng pagkakalibangan, maiinip ako kasama ka" Sagot ko naman
"And you decided to play a doll?" Tanong pa ulit nito
"Hindi ko paglalaruan, aalagaan ko Rash. Tss" Masungit na sagot ko naman
"Bigyan na lang kaya kita ng anak, yun ang alagaan mo?" I can imagine him smirking this time
Agad na nag-init ang magkabilang pisngi ko. What the hell? ano bang pinagsasabi nniya?
"Hindi ako nakikipagbiruan" Sagot ko naman trying to sound brave
"I'm not" Sagot niya naman
"Huwag ka na uuwi dito!" Sigaw ko sa kaniya na ikinatawa niya
"Okay, a barbie doll muna. Saka na yung baby. Baka maagang pumuti ang buhok ko kapag may dalawang Yona na akong aalagaan" He said with a laugh
Hindi na ako sumagot pa at pinatay na ang tawag. Ang balak ko, siya ang iinisin ko! Hindi ako ang maiinis! Idiot move Yona!
I stared at the ceiling again. Hindi ko na alam ang gagawin pa. I want to let him go but my mind keep on praying to give Rash more patience so that he won't let go of my hand even I'm pulling it.
Maya-maya ay narinig ko na ang sasakyan ni Rash. He's here.
Nang pumasok ito sa pinto ay marami siyang bitbit, bumalik pa siya ulit dahil may mga naiwan pa. Nang pangalawang balik niya ay nakita ko na ang barbie doll na may pink na buhok. Pinigilan ko ang tumawa.
"What happened? Kumusta ang pagbili ng barbie doll ko?" salubong ko sa kaniya at kinuha ang barbie doll na naka-kahon pa
"Very well" He said ang smirk
"Hindi ka ba nasabihan o natanong kung bading ka?" I asked
"Well, sorry to tell you Yona but your plan failed" Nakangisi ulit siya
Pumunta siya sa kusina at nilapag ang mga pagkain sa lamesa. Sinundan ko siya.
"Walang planong masama" I said trying to defend myself
"Just tell me if you want more dolls" He said happily
Nangunot naman ang noo ko sa kaniya. Palpak talaga ang plano ko!
"Gustong-gusto mo ata ng dolls" Sarkastikong sabi ko naman at umupo na
Sinimulan ko na buksan ang mga pinamili niya.
"I got this" Natatawang sabi niya at saka pinakita sa akin ang isang card "I told the sales lady na para sa anak natin ang dolls na binibili ko, then she gave me this card as a discount. She really thinks I'm already a Daddy" I can see how his ear blushed and he's smiling like what he heard is a compliment
Wrong move Yona. You better think new plan.
~●~●~●~●~●~
Hope you enjoyed reading❤
BINABASA MO ANG
We Met Again
RandomLife is indeed unpredictable. Expect the unexpected. Destiny is really playful. Anong gagawin mo kapag ang 5 years mong naging crush dati na lagi kang sinasaktan at pinagtatabuyan ay muli mong makita after 7 years? Asking you to be his girlfriend...