Bago ko pa man madampot ang Diary ni Rash ay agad na may tumawag sa akin. Nagkibit na lamang ako at saka sinagot ang tawag sa aking phone. Maybe it's a way of destiny, saying that I should not invade someone's privacy.
"Hello Dea?" Bungad ko
Agad kong narinig ang kaniyang paghikbi. She's crying. Nagmadali akong tumayo at saka bumaba na sa office ni Dea.
Absent si Jake kaya naman malayang nakakaiyak si Dea. Nang pumasok ako ay maga na kaniyang mata. Punasan niya man ang kaniyang mga luha at ngumiti sa akin ay halata pa rin na umiyak siya.
"What hapenned?" I asked nang makalapit ako sa kkaniya
Agad ko naman siyang niyakap. Gaya ng ginagawa niya sa akin kapag umiiyak ako ay hinagod ko rin ang likod niya.
"Yona, may kasalanan ako sayo" She said that made my forehead knotted
"What?" I carefully asked
Umupo siya ng maayos at saka sinalubong ang aking mga mata. Kinakabahan ako sa sasabihin niya. Dea is a strong person, if she's crying it means this is something heavy.
"Matagal ko nang gusto si Francis" She said and smiled at me, ngunit ang kaniyang ngiti ay tipid
I raised my eyebrow asking for more information.
"I confessed to him, sa airport bago siya umalis. He keeps on telling me that he loves you so much, that his heart is broke as of now, that he's not yet ready to love again" Nagsisimula na naman magtubig ang kaniyang mga mata
What a revelations! Napakamanhid ko para hindi maramdaman ang mga tao sa paligid ko. I'm too focus for my love to Rash. I'm just focus to the idea of loving him. I'm busy chasing him not knowing that I hurt those people who loves me. Hindi pa ako nakuntento sa mga taong nagmamahal sa akin, naghabol pa ako.
"And why are you crying now?" Tanong ko naman
"I saw this" She said as she handed me her phone
I saw Francis' timeline. I saw pictures kung saan naka-tag siya. A girl posted it with a caption of 'My Man❤'. Agad akong napatingin kay Dea. Her tears are keep on falling. Inisa-isa ko ang mga larawan. They are in a bar. A lot of sweet pictures and smiley face Francis ang nakita ko. It's not the Francis that I used to know. Kakaibang Francis ang nasa larawan.
"Kapag nasaktan ka talaga, ang pagbabago ay hindi mo maiiwasan" Dea whispered "He's hurt. Too much"
"I'm sorry" I whispered "Do you always cry when I'm with Francis?"
"No. I trust your love to Rash. But there are times that I got insecure to you, kasi ikaw abot-kamay mo ang pinapangarap ko. Kukunin mo na lang" She smiled to me saying that she's not mad at me or what "Ang sakit pala Yona. Nung umamin ka tapos binalewala ka niya. Tapos malalaman mo na lang na may nagmamay-ari na papa na iba" she laughed trying to hide the pain
I hugged her. Hinayaan ko lang siya umiyak ng umiyak habang yakap ko siya. Ito lang ang magagawa ko para i-comfort siya. Feeling ko tuloy may malaking kasalanan ako sa kaniya.
I also found out that Francis is Dea's elementary classmate. What a coincidence. Nagui-guilty ako. Hindi ko man sila tinanong, madalang lang sila sa akin makapag-kwento dahil nga puro kadramahan ako. Maybe, they don't like to be a burden to me where in fact they will never be.
Nang umayos na si Dea ay naisipan ko nang umakyat sa office. Himala at hindi man lang ako tinawagan ni Rash. Ang haba naman ng meeting nila. Nasa office na kaya siya?
Nang bumukas ang elevator ay agad akong lumabas ngunit napatigil ako sa paglalakad sa aking nasaksihan.
Naka-upo si Rash sa kaniyang swivel chair, nakatalikod ito. I can't see his face, but I know it's him because of the clothes he's wearing. Nakayuko si Tanya, magkapantay ang kanilang mga mukha at nakalapit sa isa't isa.
"1" I whispered
Huminga ako ng malalim. Trying to calm myself. Should I enter the scene? They are kissing! At hindi man lang kumakalas si Rash.
"2" I continue to count
Napalunok ako at kinagat ko ang aking pang-ibabang labi.
"3" I finished counting
Tumalikod na ako at muling sumakay sa elevator. Nang makasakay ay hindi na ako humarap pa. Hinayaan ko ang sarili ko na nakatalikod.
"Itigil mo na ang pagpapanggap na mahal mo si Yona. Stable na ang kompanya niyo. Let's continue our marriage. I love you-" Malakas ang pagkakasabi ni Tanya kaya naman malinaw sa pandinig ko ang lahat.
Hindi ko lang ito napatapos nang magsara ang pinto ng elevator. Winawasak na naman ang puso.
Bakit hindi mo siya tinulak Rash?
Bakit pumayag ka na halikan ka niya?
Bakit hindi ka kumalas sa halik?
Naghintay ako. I counted 1 to 3 slowly. Hoping that you'll push her.
Sarap na sarap ka pa ata sa halik niya. Bakit? Namiss niya?
Hindi ko na alam. Ayokong paniwalaan pero kitang-kita ng dalawa kong mata. Rinig na rinig ko pa.
Kinalma ko ang sarili ko. I should not cry here. Hindi na mauulit ang dati. Tahimik akong lumabas ng building at saka pumunta sa malapit na park. Umupo ako sa damuhan.
I composed myself. Tinawagan ko si Papa.
"Pa?" Pilit kong pinasigla ang aking boses
"Yes My princess?" Masigla rin na bati sa akin ni Papa
"I just want to ask about your company Papa" Sabi ko
"Our Yona. Sa atin" He corrected me
"Pa, may Larama ka bang business partner?" I asked
"Larama? Yes. Nag-invest nga ang company natin sa kanila. They asked our company to support their company. They are about to fail, but thanks to our financial help nakabangon sila. They are doing well now" Paliwanag ni Papa
"Thanks pa" I said at pinatay na ang tawag
Alam kong magtataka na si Papa dahil hindi ko ugali ang tumawag. Isa pa, I didn't say bye and I love you.
Did I just confirmed na ginamit lang ako ni Rash? For what? Because I am the daughter of their investor. Para ano? Kapag bumagsak ang kompanya nila, kami ang sasalo. Especially that he has a relationship with me. Kaya ba atat na atat siya sa label?
Ayoko man paniwalaan pero nakalatag na ang mga ebidensya sa aking harapan.
I should trust Rash. Mahal ko siya, dapat pagkatiwalaan ko siya.
I dialed Rash's number.
"Baby" Bungad nito sa akin
"May pumunta ba diyan sa opisina?" I asked trying hard to act normal
"Wala. Ako lang nandito. Will you come here? I miss you" Malambing na sabi niya
"Okay" Sagot ko bago binaba ang tawag.
He lied to me.
There's a chance that everything is a lie to.
His love for me is a big lie!
Paano pa kita pagkakatiwalaan Rash? Bigyan mo naman ako ng rason para kumapit pa sayo, para magtiwala. Lahat kasi ng nakikita at naririnig ko, sinasabi na kasinungalingan lang ang pagmamahal mo at ginamit mo lang ako.
"Baby" Salubong sa akin ni Rash nang maakyat ako sa opisina
He embraced me.
"Rash, I'm breaking up with you" I whispered
Unti-unting pinakawalan niya ako sa kaniyang yakap.
~●~●~●~●~●~
Sorry for this sad chapter uwuu. Continue reading❤
BINABASA MO ANG
We Met Again
DiversosLife is indeed unpredictable. Expect the unexpected. Destiny is really playful. Anong gagawin mo kapag ang 5 years mong naging crush dati na lagi kang sinasaktan at pinagtatabuyan ay muli mong makita after 7 years? Asking you to be his girlfriend...