Chap 29

265 9 0
                                    

Nang muling bumukas ang elevator ay nakasalubong ko ang secretary ni Rash. Kita ko ang gulat sa mga mata nito.

"Excuse me po" sabi ko bago ito lagpasan

Nananakbo akong lumabas ng building. Agad kong tinawagan si Dea. Naglakad-lakad ako hanggang sa nakakita ako ng parang park. Agad akong umupo sa damuhan at tinext kay Dea kung nasaan ako.

"Yona!" Tawag ni Dea at agad ko siyang nilingon

I smiled at her, tuyo na ang mga luha sa aking pisngi kaya ramdam ko ang lagkit nito dahil hindi ako nag-abala na punasan ito. Mabilis na lumapit sa akin si Dea at niyakap ako ng mahigpit.

"I thought I'm done crying" Umiiyak na sabi ko

Nagsilabasan na naman ang mga luha sa aking mata. Ilang segundo pa lang ang nakakalipas ay basang-basa na ang aking mukha.

"Shhh" Dea keep on tapping my back saying that she's always by my side.

"Bakit ganun Dea? Masama bang magmahal? Bakit parang pinarurusahan naman ako?" Umiiyak na tanong ko

Hindi sumagot si Dea. Niyakap niya ako ng mas mahigpit.

Ilang minuto ang lumipas na ganun ang aming sitwasyon hanggang sa medyo kumalma na ako. Kumalas na kami sa yakapan. I smiled at her to thank her though I know my eyes are still teary and sad.

"Galit na galit si Rash kanina" Sinulyapan ako ni Dea para makita ang reaksyon ko

Bakit parang may higanteng nakaapak sa puso ko? Ang bigat-bigat.

"I lied to him. Sabi ko hindi ko alam kung nasaan ka. Hinahanap ka na nila ngayon" Sabi pa nito ngunit nanatiling nasa malayo ang tingin ko

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Kasalanan ko din naman, sinabihan na akong huwag pumunta pero pumunta pa din ako. Nakita ko tuloy ang dapat na hindi ko makita. Narinig ko pa.

Napalingon ako kay Dea nang hawakan niya ang pisngi ko pinunasan ang aking luha. Nagsisimula na naman pala akong umiyak.

"Sorry" Natatawang sabi ko na ikinailing ni Dea

"Never naging mali ang magmahal Yona" Sabi nito at saka binigyan ako ng isang malungkot na ngiti

Hindi mali, pero maraming masasaktan.
Hindi mali, pero bakit ang bigat sa pakiramdam?

"Are you now okay? Iuuwi na ba kita o babalik tayo?" Maingat na tanong sa akin ni Dea

"Balik na tayo. I'm fine" Ngumiti ako sa kaniya na tinanguan niya

I should act like I'm not affected. Be strong Yona.

Bumalik na kami sa building. Agad na sumalubong sa amin ang galit na galit na si Rash.

"Huwag kayong babalik hanggang hindi siya nahahanap!" Sigaw nito sa mga staffs na nakatungo sa harapan niya

Tumingin sa akin si Dea. Tinitingnan ang reaksyon ko. Nanatiling walang emosyon ang mukha ko.

"Baka tanggalin niya sa trabaho ang mga yan" Bulong sa akin ni Dea

Pumasok na ako sa eksena. Lahat ng staff ay tumingin sa akin kaya napatingin din si Rash.

"I'm sorry" Sabi ko sa mga staff habang nakayuko

"Let's talk" Agad na hinawakan ni Rash ang palapulsuhan ko at sumakay kami ng elevator

Tahimik sa elevator kaya naman ang awkward.

"Bakit ganun ka sa mga emplyeyado mo? Tinatakot mo sila" Sabi ko dahilan para lingunin niya ako

"Anong nakita mo?" He asked instead

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Hindi dapat ako umiyak.

"You with a girl?" Naga-alangan na sagot ko

Bigla naman bumukas ang elevator. Sa wakas at nang makakahinga na kami medyo. Or ako lang ang hindi makahinga ng maayos?

"Yona, let me explain-" Natigil siya nang ngumiti ako

Kumunot ang kaniyang noo nagtataka sa inasta ko.

"You found your girl. Hindi na natin kailangan magpanggap pa para sa Lola mo. May ihaharap ka na. I'm happy for you" Pilit kong ngumiti sa kaniya na hindi mababakasan ng llungkot

"No Yona, it's not like that" Tanggi naman nito

"Why? She's perfect. Bakit pinakawalan mo pa?" I asked

"Yona" Malambing na tawag nito sa pangalan ko

Mas lalo namang parang pinipiga ang puso ko. Ganiyan din ba siya maglambing kay Tanya?

"Rash, gaya ng sabi ko there's no more chance for us. Hindi pwedeng maging tayo. Kasi ayoko Rash. Ako na ang pumili ng kapalaran ko at ayokong maging ikaw yun Rash. I'm sorry" Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya

Hindi ko alam kung nililinlang ba ako ng paningin ko dahil sa nakitang kong lungkot at sakit sa kaniyang mata.

"Bawiin mo Yona" May diin na sabi nito

Before I could open my mouth to answer ay tumunog naman ang aking cellphone.

"Excuse me" Pabulong na sabi ko

"Nag-uusap pa tayo" May diin na sabi nito na parang kailangan ay sundin siya

"Sir, baka emergency" Pormal na sabi ko dahilan para tumalikod si Rash

Narinig ko pa ang ilang mura niya.

"Francis" I answered the phone at agad naman akong hinarap ni Rash at pinigilan sa aking paglayo

"Talk to him here" Seryoso niya akong tiningnan

"Yona, kumusta? I have a gift for you" Masiglang sabi ni Francis sa kabilang linya

"Really? Hindi ko naman birthday" Pilit kong pinasigla ang aking ppagkakasabi

Hawak pa din ni Rash ang aking wrist at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya.

"Kailan ba birthday kapag magreregalo? Okay I'll wait for your birthday" Natatawang sabi ni Francis

"Hindi mabiro" Sabi ko at saka ngumuso

Nagulat naman ako sa biglang paghalik ni Rash sa labi ko. Mabilis lang pero grabe na ang pagtatambol ng puso ko. Mabuti na lang at mahigpit ang pagkakahawak ko sa phone.

"Sunduin kita mamaya?" Francis asked

Seryosong nakatingin si Rash sa aking ngayon na parang bang bantay niya ang lahat ng kilos ko. Kagat niya ang kaniyang pangibabang labi.

"Yona?" Tawag ni Francis sa kabilang linya dahilan para bumalik ako sa reyalidad.

"Ah yes please" Sagot ko kay Francis at nag-iwas ng tingin kay Rash

"Okay. Bye. Take care. Wait for me" Sabi ni Francis sa kabilang linya

Hindi pa pinapatay ni Francis ang kabilang linya kaya naman alam ko na naghihintay ito mg respond sa akin.

"You too. Take...care" May paga-alinlangan na sagot ko at pinatay na ang linya

Nilingon ko si Rash at sinamaan ng tingin. Tinaasan niya ako ng kilay na parang nanghahamon.

"You can't kiss me like that Rash" Sabi ko at saka pilit na tinanggal ang hawak niya sa aking wrist ngunit malakas siya kaya hindi din ako nnakawala

"I don't like getting Jealous" May diin na sabi nito sa akin at seryosong sinalubong ang aking mga tingin




We Met AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon