"Napadalaw ang anak kong maganda" Agad na salubong sa akin ni Papa at saka ako niyakap ng mahigpit
"Sakto at ang ulam namin ay ang paborito mong adobo" Sabi naman ni Mama at niyakap din ako
I actually don't have a schedule for Sunday for today's week pero pinilit ko na magkaroon dahil ayoko na muna makasama si Rash. I want to breathe. Ang hirap kasi huminga pag kasama siya.
Magpapahinga lang ako. Aayusin ko muna ulit ang pakiramdam ko bago magpatuloy na umasa sa kaniya.
"Siyempre namiss ko ang pinanggalingan ng magandang lahi ko" Natatawang sagot ko naman sa kanila
As what I expected they asked me about my relationship status. Kung dati ay bantay sarado ako sa kanila pagdating sa manliligaw, ngayon naman ay binubugaw na nila ako.
Habang kumakain kami ay kung sino-sinong mga lalake ang binabanggit nila. 25 pa lang ako, bakit minamadali nila ako?
After eating, agad na din akong umaykat sa taas na sinang-ayunan naman nila para daw makapagpahinga ako galing sa byahe.
Lungkot agad ang bumalot sa akin nang mabuksan ko na ang aking silid.
Ang silid na may saksi ng lahat ng pangyayari sa buhay ko. Ang apat na sulok kung saan nakamasid sa aking kasiyahan at kalungkutan. I missed this place.
Lumapit ako sa cabinet kung nasaan ang mga manika ko. Pwede bang bumalik na lang ako sa pagiging inosente? Yung manika lang ang iniiyakan ko.
Napadaan naman ang tingin ko sa salamin kung nasaan nakikita ko ang repleksyon ko. Dalagang-dalaga na ang itsura ko kumpara dati. I became the lady who I wanted to be, but not until Rash came again.
Agad naman ang pagbagsak ng luha ko nang makita ang jar kung saan nakalagay ang mga sulat ko kay Rash nung bata pa ako. I also have a jar in my house which is para naman kay Niko. I also made a jar for Niko, sa paga-akalang siya na ang papalit kay Rash. Gusto ko ulit sumaya at kiligin like what I used to feel about Rash kaya naman naisipan ko na baka si Niko na ang sagot. Baka si Niko na ang magpaparamdam sa akin ulit ng mga iyon, but I was wrong. Niko is just an instrument to build me again because I'll be facing Rash again. Pero, buo na ba ako?
My phone rang. Pinunasan ko ang luha ko nang makita kung sino ang tumatawag. It's Rash.
"Nasaan ka na?" Bungad na tanong nito
"Nandito na" Sagot ko naman
"I told you to text me" May halong inis ang pagkakasabi nniya
Ayoko na talaga makipag-usap sa kaniya ngunit kapag patuloy ko naman siyang hindi pinansin ay baka mas maging komplikado ang lahat.
"I forgot" Sagot ko naman
Halos ilang segundo ang tumagal ng katahimikan namin. Walang nagbababa ng tawag. Wala din akong balak. Parang nami-miss ko na siya agad, pero mas nangingibabaw pa din talaga yung bigat sa dibdib ko.
Siguro dahil napahiya ako sa harap ni Crystal? Nalaman na niloloko lang pala nung Ventura si Crystal at wala akong ginagawa? o dahil unti-unti nanaman akong namumulat sa katotohanan na wala talagang pake sa akin si Rash. Maybe he's just acting sweet in front of me para makuha niya ako, para may maipakita na siya sa Lola niya at ang pag-arte sa harap ng iba? hindi niya kaya.
"Really Yona? May problema ba tayo?" Tanong niya at alam kong sa mga oras na ito ay pilit niyang kinakalmado ang sarili niya
Walang 'tayo' Rash. Hindi magiging 'tayo' kailanman.
"Wala" Sagot ko naman
"Is this still about what happened yesterday? For not acting sweet in front of Mr.Ventura and Crystal?" He asked
Hindi na ako sumagot pa. I remained silent.
"So iyon nga" He concluded
Because of that Rash, minulat mo nanaman ako sa katotohanan. Sinaktan mo nanaman ako.
"Let's set another date then. Hahalikan kita sa harapan nilang dalawa" Sagot nito para mabilis nanaman na tumibok ang puso ko
Ayan na naman tayo sa mga salita niya.
Bago pa siya makapagsalita ulit ay pinatay ko na ang tawag. I don't want to hear some more words from him. Mas nasasaktan lang ako, knowing that everything is just part of his good act.
Dapat mag-gagamitan kaming dalawa, but look what happened? Siya na lang ang gumagamit sa akin. Kasi ako? Nahulog na naman.
Mahaba ang naitulog ko. Totoo nga siguro ang sinabi nila na kapag ang isang tao ay mahilig matulog, malungkot ito.
"Mabuti naman at nagising ka na, mukhang pagod na pagod ka ah" Puna naman sa akin ni Mama nang makapunta na ako sa kusina
Kasalukuyan na silang naghahapunan.
"Anak, may gustong kumilala sayo" Sabi naman sa akin ni Papa dahilan para mapangiwi ako
Kaning tanghalian ganito din ang daloy ng pag-uusap namin, hanggang ngayon ba naman?
"I know your taste, kaya alam kong magugustuhan mo siya" Dagdag ni Papa at nakuha pang kumindat
"And who's that guy?" Tanong ko dahilan para lumabas ang excitement sa mata ng mga magulang ko
Talaga bang gusto na nila ako ipamigay at madaling-madali sila na magkaroon ako ng boyfriend?
"He invited you for a dinner" sagot naman ni Papa sa tanong ko
"Ang haba naman ng pangalan" Nakangiwing sabi ko
"Yona, sige na naman. Pumayag ka na. Malay mo siya na ang matagal mong hina-" Bago pa matapos ni Mama ang sasabihin niya ay sumingit na ako
"I have work tomorrow" Sagot ko at saka binilisan ang pagkain
"Yona, promise last na ito. Kapag hindi nag-work titigil na kami ng Mama mo" Sabi pa ni Papa
Really?
"Seryoso?" I asked
Sabay naman silang tumango sa akin. Maybe this is the way to make them stop finding a man for me.
"Deal" Sabi ko naman at tinapos na mabilis na ang pagkain
Nang matapos ay agad na akong pumunta sa aking kwarto. Agad ko naman binuksan ang phone ko at gaya ng inaasahan ay madaming missed calls mula kay Rash. Napangiwi naman ako nang makita na may dalawang message mula sa kaniya. Agad ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang mabasa ko ito.
"I miss you"
"See you tomorrow baby"
See you tomorrow? I'm having this feeling na...
Agad akong napatakip sa aking bibig habang nakatitig pa din sa messages nitong si Rash.
Hindi pwedeng makita siya ni Mama at Papa. Sigurado akong kapag nakita siya nila Mama ay ibubugaw ako nito dito. Isa pa, may date ako bukas. Baka mamaya malaman niya. He will be mad for sure.

BINABASA MO ANG
We Met Again
RandomLife is indeed unpredictable. Expect the unexpected. Destiny is really playful. Anong gagawin mo kapag ang 5 years mong naging crush dati na lagi kang sinasaktan at pinagtatabuyan ay muli mong makita after 7 years? Asking you to be his girlfriend...