Nagising ako dahil sa paulit-ulit na pagtunog ng cellphone ko. Naiinis kong kinapa ang cellphone ko sa side table at saka sinagot ito habang nakapikit pa ang mga mata ko.
Sino ba itong nambubulabog ng maaga?
"Hello?!" Pagalit na tanong ko
"Galit pa din ang baby ko?" Sagot naman sa kabilang linya dahilan para imulat ko ang aking mga mata
"I'm not. Bakit ka napatawag? Nagising mo kasi ako" Sabi ko naman
Bigla namang may sunod-sunod na busina na nanggaling sa labas. Agad akong tumayo at sumilip sa bintana. I saw Rash, habang nakasandal sa kaniyang sasakyan. Para siyang modelo ng sasakyan. Parang kahit doble ang presyo ng kaniyang sasakyan na minomodelo ay bibilhin ito at pag-aagawan pa. Okay lang na malugi, basta mabili ang sasakyan na sinandalan ni Rash.
"Nakalimutan na ata ng binibini na may date kami" Nagtama ang mga mata namin kaya agad akong nag-iwas
What's with his binibini?
Pumunta muna ako ng CR at inayos ang aking sarili bago ako lumabas at pagbuksan siya ng gate.
"Ang corny mo" Bulong ko sa kaniya na kinunutan niya naman ng noo
Narinig ko pa ang mahihinang mura niya at ang pagbanggit ng pangalan ng kaniyang pinsan. Bakit naman nadamay si Gab?
Pumasok na kami sa loob ng bahay. Napatingin ako sa wall clock and it's just 6:30am. Mamaya pang 8am ang double date namin. Unggoy talaga. Wala atang orasan sa kanila.
"Ang aga mo" Pagpuna ko sa kaniya
"I missed you" Sabi naman nito at saka nginisian ako
Tinarayan ko siya at saka tumalikod na. Pinigilan ko ang paghawak ng aking kamay sa aking pisngi dahil sa pag-iinit nito. Dapat hindi ako magpapahalata na apektado.
Pumunta ako sa kusina at saka kumuha ng isang bottled water. Kasalukuyan akong umiinom nang biglang sumunod ito sa akin. He just stared at me. Nakakalunod ang kaniyang mga titig. Ang mga mata niya ay nangungusap.
Agad naman siyang lumapit sa akin nang masamid ako. Ubo ako ng ubo habang siya naman ay hagod ng hagod sa likod ko.
"Be careful baby" Sabi nito
Yeah, be careful kasi baka mahulog ako ng sobra sayo gaya ng dati. Alam kong hulog na ako, pero hindi ko dapat na maghukay pa para mas ihulog ang sarili ko.
"Don't stare at me like that" sabi ko matapos maubo
Tiningnan ko siya ng masama.
"I can't" seryosong sagot naman nito sa akin "I can't resist your beauty baby. I'm unaware of my stares"
Bago pa ako mamula sa kaniyang harapan ay agad ko na siyang tinarayan at tinalikuran na. Mabilis akong bumalik sa sala at naupo na sa sofa. Binuksan ko kaagad ang TV nang marinig ko na ang mga hakbang niya papalapit sa akin. Bakit ba sunod siya ng sunod? Bwiset na unggoy! Napagkamalan pa ata akong si Dora.
"What are you watching?" Tanong nito nang makaupo sa tabi ko
Inilagay niya pa sa sandalan ang kaniyang braso kaya para siyang naka-akbay sa akin.
Hindi ko siya sinagot dahil natatakot ako na mautal pa. Sobrang bilis kasi ng tibok ng aking puso. Bakit ba ako parang kinakabahan? Oral recitation ba ang tanong ng unggoy na ito?
Tahimik lang kaming nanonood hanggang sa hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na lingunin siya. Sakto naman na umiinom siya ng tubig. At dahil ako ang may ari ng bahay at alam ko ang mga gamit ko ay alam ko din na ang boteng iniinuman ni Rash ngayon ay ang ininuman ko kanina. It's a personalize bottle, bigay sa akin ni Niko.

BINABASA MO ANG
We Met Again
RandomLife is indeed unpredictable. Expect the unexpected. Destiny is really playful. Anong gagawin mo kapag ang 5 years mong naging crush dati na lagi kang sinasaktan at pinagtatabuyan ay muli mong makita after 7 years? Asking you to be his girlfriend...