Tahimik naman ang Sabado at Linggo ko. No Rash, no heartache.
Huminga muna ako ng malalim bago sumakay ng elevator patungo sa office. I should act normal. I should act like nothing happened.
Nang bumukas ang elevator ay agad na bumungad sa akin si Rash. He automatically smiled when he saw me at agad akong nag-iwas ng tingin. Nakalimutan niya na ba ang nangyari nung Friday? Baka masaya na siya dahil ikakasal na siya?
"Good morning baby" He greeted me
"Don't call me baby, I'm not your child. Good morning Sir" Sabi ko at diretsong umupo sa aking pwesto.
He followed me.
"You don't like baby? What about mahal? Love? Babe?" He playfully said
Bakit ba ang saya-saya niya? Ang pagkakalaam ko dapat ay nagmamakaawa siya sa akin kung sakali man at hindi nang-aasar.
Tiningnan ko siya ng masama ngunit sinagot niya lang iyon ng isang ngisi.
"May photoshoot ulit ako, I just want to ask if you'll agree" Sabi naman nito
Binuksan ko na ang computer para malaman niya na magsisimula na ako sa aking trabaho.
"Sa pagkakaalam ko ikaw po ang Sir, bakit sa akin ka nagpapalam? Wala akong pake sa mga lakad mo Sir" Sabi ko habang ang mga mata ay nanatili sa screen ng computer
"Is it okay? May shirt naman at pants" Hinawakan niya ang aking baba at saka hinarap sa kaniya ang aking mukha
He stared at me, parang may hinahanap siya sa aking mga mata.
"Kahit maghubad ka pa, wala akong pake" Sabi ko at muling hinarap ang aking mukha sa screen ng aking computer
"I'm not engaged anymore Yona. Please hear me out. Sabi ko sayo hintayin mo ako, I'll explain. Gumagawa pa ako ng paraan para hindi matuloy ang kasal nung mga araw na tinatanong mo ako. I really don't have plan to marry kung hindi ikaw ang bride" He said
Kinuha ko ang earphone sa aking bag. Ayoko na muna makinig sa kahit kanino, gusto ko muna magpahinga.
"I'm ready to explain everything baby. Ngayon mo ako tanungin ng tanungin" Sabi pa niya
Sinuot ko na ang earphone sa magkabilang tainga ko. Kahit wala pang music. Para lang mahalata niya na ayoko munang pag-usapan. Gusto ko muna magpahinga.
"You can't here me? Yona mahal kita. Mahal na mahal. Simula bata pa tayo" He stated at alam kong alam niya na wla akong pinakikinggan na music sa earphone dahil nakangisi siya
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ganun na lang yun? Sa simpleng salita niya makukuha niya na agad akong muli?
"Can't here me baby? Should I kiss you to get your attention?" Sabi nito dahilan para tuluyan akong mapalingon sa kaniya
He's smirking. Nakakatuwa ba ang ginagawa niya?
"Prove your love, kasi hindi ko nararamdaman" Matapang na sabi ko sa kaniya
"Okay" He said at tumango-tango
Kumunot naman ang noo ko nang tumalikod siya at pumunta sa table niya. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kaniya. Kinuha niya ang kaniyang phone at may tinype dito at saka niya ito nilagay sa kaniyang tainga.
"Gab" He said with his authoritative tone
Napangiwi naman ako. Tss. Sabi na nga ba at hindi niya kayang i-prove ang mga sinasabi niya. Puro salita lang siya. Paano pa ako maniniwala sa kaniya?
"Yes, a priest. Ngayon na" Nanlaki ang mata ko nang marinig ang sinabi ni Rash
Napatayo na ako at mabilis na lumapit sa kaniya. Inagaw ko ang phone niya at ako ang nakinig sa sasabihin ng nasa kabilang linya.
"Sige bro, ako ang best man ah" Natatawang sabi ni Gab na nasa kabilang linya
"He's just kidding" Sabi ko dahilan para tumigil ang tawa ni Gab
"Hindi Yona. Totoo yun. Basahin mo pa ang diary ni Rash noong High School siya eh. Nandun ang plano niya na pakasalan ka" Hindi ko alam kung matatawa ba ako or what
Napatingin ako kay Rash at tinaasan niya ako ng kilay. Hindi niya narinig ang sinabi ni Gab. May diary si Rash? High School Diary? Dinaig niya pa ako.
"Cancel it Gab. Please. We just have misunderstanding" Sabi ko naman at tinaasan din ng kilay si Rash
"Yes Ma'am" Sabi naman ni Gab na natatawa
Totoo ba na may diary si Rash? Cute.
Naputol na ang kabilang linya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"What? Sabi mo patunayan ko? I'll marry you right now" Inosenteng sabi nito
Napatitig na lang ako sa kaniya. Ang dami kong gusto tanungin. Bakit kailangan niya pang gamitin si Tanya? Yung mga last girlfriends niya totoong minahal niya ba? Bakit may pirmahan ng kasal? Naguguluhan ako. I want to know the answer pero napapagod na ako. Parang gusto ko muna magpahinga.
"I'm serious" He said while staring at me
"That's not what I mean. Ligawan mo muna ako, kunin mo ulit ang tiwala ko" Daldal ko naman at bumalik na sa aking upuan
"Pagkasal na tayo araw-araw naman kitang liligawan" He reasoned out
"Gaano ka kasigurado na papayag ako sayo magpakasal?" Sabi ko naman at tinaasan siya ng kilay
"I told you, sa akin ka lang. Kasal man o hindi, akin ka Yona" He said and bit his lower lip
"I'm not" Pagmamatigas ko naman at iniwas ang paningin ko sa kkaniya
"Kung ganun kanino ka?" He asked raising his eyebrow
"Francis" I answered to tease him
Mabilis siyang nakalapit sa akin at binuhat ako saka pinaupo sa aking table.
"I told you, I don't like getting jealous" May diin na sabi niya
"Why? Francis is-" Binigyan niya ako ng isang halik para patigilin sa pagsasalita
"Every boys name, I'll get a kiss from you" He said and smirk
Napalunok naman ako takot na magsalita pa. Baka manginig ang boses ko dahil sa sobrang bilis ng tibok ng aking puso.
"Kanino ka Yona?" Parang nang-aakit na tanong nito
"Sa Papa at Mama ko! Subukan mo ako halikan ulit at masasapak kita!" Sabi ko at itinaas pang bahagya ang aking maliit na kamao
He laughed. Nilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. I thought he's going to kiss me pero kiniskis niya lang ang kaniyang ilong sa aking ilong.
"Don't let that man kiss your nose again" Pabulong na sabi nito at hinalikan ang aking ilong sumunod ang aking noo
Biglang nag-ring ang phone niya na hawak ko pala. Agad naman akong napasimangot nang makita kung sino ang tumatawag.
It's Tanya.
~●~●~●~●~●~
For you Eunhaerry❤ Thank you for supporting my story❤ I love you so much❤
BINABASA MO ANG
We Met Again
De TodoLife is indeed unpredictable. Expect the unexpected. Destiny is really playful. Anong gagawin mo kapag ang 5 years mong naging crush dati na lagi kang sinasaktan at pinagtatabuyan ay muli mong makita after 7 years? Asking you to be his girlfriend...