CHAPTER:1A

379 21 0
                                    

The Physchopath Killer
Chapter : 1 Crime.

"Hasyt! Tingnan mo nga naman. Puro mga krimen at patayan nalang ang laman nang balita." Isa sa mga police ang nag salita habang hindi maalis ang tingin sa pinapanood nitong balita sa telebisyon.

"Tungkol daw iyan, sa babaeng ginahasa 2 years ago. Ayon sa kaso not guilty ang mga naatasang mga suspek kaya hindi nakulong. Kaya din maagang pinasara ang kaso." Tugon nang kapwa nito police habang binubuklat din ang dyaryong hawak nito.

" Iba na talaga sa panahon ngayon. Pag may pera ka, hindi na sayo madaling takasan ang lahat." Napailing nalamang sya sa kanyang sinabi. Tsaka binalingan nang tingin ang babaeng kaganina paring nasa harapan nang kanyang Table's office. Nakaupo ito sa bakanteng silya. Tahimik at diretso ang tingin. May pag ka misteryoso ang babaeng ito. Iba ang pag kaseryoso nang kanyang mukha ni wala kang makitang bahid nang kahit ano mang reaksyon. Simula kanina nung dalhin ito sa kanilang prisinto ni hindi pa ito nag sasalita. Mistulang sirang robot na hindi umiimik.

" Miss. Ano ba kasing pangalan mo." Medyo pinalo pa nya ang kanyang lamesa para sana gisingin ang natutulog nitong diwa. Hindi ito tulala sadyang tahimik lang at seryoso. Ilang beses na nyang tinanong ang dalaga sa pangalan nito ngunit ni kakarampot na salita walang lumabas sa bibig nito.

Kung kanyang ilalarawan ang babae. Masasabi nyang may pag ka misteryoso ito. Tila ngayon lang ata ito nakatuntong nang syodad at nag mula pa sa ibayong lugar. May pag ka morena ang babaeng ito, medyo may pag kabuhag-hag din ang kulot nitong buhok. Tila probinsyanang probinsyana sa suot nitong simpleng damit at palda. Wala din itong sapin sa paa. May makikita kading mga peklat nito sa katawan, sa braso at isang peklat sa kaliwang pisnge na kung iyong titigan ay mabilis mo din itong mapapansin. Agaw pansin naman ang tila lumang notebook nitong hawak. At ang napaka laking bag na nakasakbit pa sakanyang balikat. Na hindi mo iisiping makakaya nya itong buhatin dahil sa babae ito. At may katamtaman pang pangangatawan.

Meron din syang napansin na mistulang isang malaking Stick na nakalagay din sa isang lalagyan. At nakasabit naman sa kabila nitong balikat. Hindi nya masisiguro kung stick nga ba iyon dahil may kalakihan din ito at medyo malapad. Hindi din angkop ang haba para sa isang normal na stick tulad nang alam nya. Hindi nalamang nya pinansin ang bagay nayun.

"Iha, palalampasin ko ang kasong dapat na iparatang sa iyo at itoy mag sisilbi nalang muna sayong Warning. Pauuwiin kita sa ngayon at hindi kana muna namin ikukulong. Basta sa susunod wag kanang mag nanakaw Hah?" Naisipan nalamang nyang palampasin at isawalang bahala nalang muna ang nagawang pag nanakaw ng dalaga mula sa isang malapit na Grocery store. Marahil nagutom lamang ito at wala itong sapat na pera para bumili nang makakain. Kaya't naatim nalamang nitong mag nakaw.

Ngunit nananatiling paring walang tugon ang dalaga. Ni hindi manlang ito nag pasalamat oh kahit sana humingi nang tawad. Bumuntong hininga nalamang ang police at maski sya hindi nya malaman kung ano ba ang gagawin sa misteryosong babae. Oh kung papaano ito kakausapin gayong hindi naman ito nag sasalita.

Isang lalaking nag hihigapos ang pumasok sa loob nang prinsinto. Medyo may katandaan narin ang lalaking ito. Hinanap agad nang kanyang mga mata ang taong pakay nya. Nung mapanood nya sa telebisyon ang ginawa nitong pag nanakaw sa isang grocery store ay nag dumali na agad siyang pumuntang presinto gaya nang nasabi sa balita.

Mabuti naman at agad din nya itong nakita kausap ang police. Kung ganun tama nga ang impormasyong napanood nya. Nandito na nga ang babaeng iyon. Matapos nang napakaraming taon na pamamalagi nito sa probinsya ay ngayon nalamang nya ito nakita. Tulad nang nakasanayan makikita mo parin sa dalaga ang pagiging seryosong karakter nito. Tahimik lang itong nakaupo, walang makita ni kararampot na emosyon sa mukha. At hindi na sya bago sa ipinapakitang iyon nang dalaga.

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon