CHAPTER: 20A

102 6 0
                                    


The Physchopath killer

Chapter: 20A Susi.

Tahimik lang na kumakain si Mina. Hindi maiwasang mapasulyap nang mag asawa dito. Ngayon lamang ito sumabay sa kanila sa hapag. Hindi naman talaga kase sumasabay ang dalaga sa kanila  sa hapunan. Lagi itong nag papahuli oh dikaya kung minsan naman hindi na talaga kumakain.

" Ate Mina. Sino po yung boy na kasama nyo kanina.. Ang gwapo po nya. Siguro po pag tinanggal nya yung salamin na suot nya lalo syang mag mumukhang gwapo..."  Hindi pinansin ni Mina si Kianna. Tahimik lang ito.

" Kianna. Diba sinabi ko sayo wag kang mag kikipag usap kapag kumakain. Sinuway mo nanaman ang utos ko. Iniistorbo mo lamang ang pinsan mo." 

" Sorry po  Mommy."  Ipinag patuloy nalang ni Kianna ang pag kain. Medyo pagalit din kasi ang sambit ng kanyang ina.

" Tapos nako. Salamat sa pag kain."  Tumayo na ang dalaga Umalis na ito. Nag katinginan ulit ang mag asawa.

" Kausapin mo yang pamangkin mo. Sandro."   Si Josephine. Umalis din ito nang marinig ang iyak nang bunso nitong anak sa kwarto.

" Daddy, Hanggang ngayon po ba galit parin Si Mommy kay Ate Mina?"

" Hindi. Kianna. Ganun lang talaga ang mommy mo. Hindi sya galit wag kang mag alala."

"Pero diba sabi nyo naman po kaya tayong protektahan ni Ate Mina.?"

Marahan na Hinawakan  ni Sandro ang ulo ng kanyang panganay na anak. Tumango ito.

" Oo. Tama ka. Proprotektahan tayo ni Ate Mina mo. Wag kang mag alala. Sige na kumain kana. Pag katapos sumunod kanarin sa mama mo sa kwarto huh? Kakausapin ko lang si Ate mo...." Tumango naman ang bata.

Tumayo na si Sandro. Hinanap nya si Mina. Panigurado nasa labas nanaman ito at nag papahangin. Naabutan nya nga ito sa labas. Nakaupo sa isang silya, Lagi ditong pumupunta ang pamangkin nyan.

" Ang ganda nang mga bituin no." Tumabi sya dito. Tulad ng kanyang inaasahan wala syang nakuhang sagot mula sa pamangkin.

" Pag pasensyahan mo na ang Tita mo mo. Ganun lang talaga yun mag salita."

" Wag kang mag alala hindi nako bago sa kanya. " 

Simula palang alam at ramdam na ni Mina na muhi talaga ang babaeng ito sa kanya. Hindi nya nalang iyon pinapansin. Hindi nya kailangang mag paapekto. Sanay nasya.

"  Ah-m mabuti naman kung ganun.. sya nga pala patungkol dun sa  sinabi ni Kianna. Yung lalaking  tinutukoy nya kanina.  Sino ang lalaking yun?..." 

Napansin din kase ito ni Sandro. At mukang kitang kita nya ang mga ngiti ng lalaking yun habang kausap ang kanyang pamangkin. Tila hindi manlang nakakaramdam ng takot. Dinaig pa sya ng  lalaking ito. Dahil si Sandro  kase hanggang ngayon k medyo ilang parin syang kausapin ang pamangkin, na kung tutuusin mas kadugo panya si Mina kesa sa dun sa lalaking yun.

Pero bakit parang salungat sila.  Kahanga-hanga ang lalaking yun.

" Ahm Sino ba ang lalaking yun?. Ngayon ko lang sya nakita Sa kinikilos nga kase parang wala lang sa kanya na makipag usap sayo."

Hindi agad sumagot si Mina.

" Kaibigan mo ba ang lalaking yun?."

" Hinde.Hindi nakikipag kaibigan si Mina. Ang mga tao lang yun talaga ang lapit ng lapit sa kanya.

Lalong lalo na ang lalaking yun. Pero hindi nya alam pero gusto nya itong tulungan. Masyado itong mahina, takot at duwag.  hindi malabong iyon pa mismo ang maging sanhi ng pag kamatay ng lalaking yun. Pero aaminin ni Mina mistulang hindi lang awa ang nararamdaman nya sa lalaking yun. At hindi nya alam kung awa nga ba talaga itong maiituring. Hindi nya alam. Naguguluhan sya sa wirdong lalaking yun. Iba iba ang mga salitang lumalabas sa bibig.

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon