CHAPTER: 31A

105 8 0
                                    

Chapter: 31A Pagbagsak.

Kanina pang hindi mapakali si Gavon. Kanina padin syang palakad-lakad sa loob ng kanyang opisina. Kanina pa syang hindi makapante.  Bukod padun Wala narin syang naririnig na putok ng baril. Matapos kase nung limang putok kanina hindi na ito nasundan pa.

" S-si Pytax, napatay na kaya nya ang babaeng yun?"  Oh sya sya mismo ng napatay nito.

Napamura si Gavon. Paano kung ganun nga. Panigurado ubos na ang mga tauhan nya. At kung tama man ang kutob nya. Ibig sabihin binawian  narin  ng buhay si Pytax.  Mag isa narin si Gavon sa opisina nya.

Tangina. Kung  ganun pala mag isa nalang sya. At hindi malabong maya-maya  makarating na si Mina sa loob ng opisina ni Gavon. At sya na ang sunod na paslangin nito.  Kung ganun din ba minuto nalang ang itatagal ng buhay nya.

Isang malutong na mura nanaman ang lumabas sa bibig ng matanda. Hindi ito maari.

Hindi pa sya pwede mamatay.

Kailangan nyang kumilos, kung di mamatay sya nang maaga. Baka hindi na sya sikatan ng araw. Tangina. Bakit din sya kinakabahan. Taranta na ang matanda, mistula syang sinusundo ni Kamatayan. 
Kinuha nya ang baril na nakalapag sa lamesa. Kailangan nyang makaalis dito bago paman sya maabutan ni Mina.

Pero bago paman sya makalapit sa pinto.
Tuluyan na itong nasira. Tila sa ikalawang pag kakataon, may isang tao nanaman ang buong pwersang sumipa sa pinto nayun mula sa labas. Hindi na sya bago sa mga nang yayare.  Kilala na nya kung sino man ang taong gumawa nun.

" M-mina.."

Nauutal na banggit nya sa pangalan nang babaeng ito. Si Gavon halos manlamig narin ang katawan nito. Nanginginig narin ang mga binti nya. Umatras ang matanda.
Hindi maalis ang mga tingin mula sa babaeng kaharap nya.

Yung mukha ng babaeng ito, galit na galit. Nanlilisik ang mga mata. Puno narin ng dugo ang mukha nito lalong -lalo na ang damit nito. At batid ni Gavon na hindi lamang  ito dugo ng babae, kung di mismong mga dugo ng kanyang mga namatay na tauhan. Napalunok ang matanda.

" Kamusta. "

Walang ka emo-emosyon na sambit ng babaeng ito. Masyadong malamig ang boses nakakapanindig balahibo. Sumabay pa ang malakas na kidlat mula sa labas.

" handa kana bang mamatay.?"

Humigpit ang hawak ni Gavon sa kanyang baril. Hindi! Hindi pa ito ang katapusan nya.

" Wag kang lalapit! "  Mabilis nyang itinutok ang baril sa babae. Nanginginig ang kamay ng matanda. Hindi nya maiwasang mapa-atras ng unti-unting lumapit ang babae sa kanya.

Itinutok nya lang ang baril dito. 

Pero si Mina ni hindi manlang ito nakakaramdam ng takot mula sa posibleng kahinatnan. Wala syang pakeelam sa baril na nakatutok sa kanya. Diresto lamang ang kanyang  tingin  sa mga mata ng matanda.

" Dad!!"  Mabilis na bumaling si Gavon sa
pinto ng opisina. Anong ginagawa ng anak nya dito.

Ngumisi si Mina. At sa isang iglap mabilis nyang nakuha ang anak ng lalaking ito.
Ikinulong niya sa kanyang braso si Lizzie. Halos masakal narin ang babae.

" Pakawalan mo ang anak!! ko!!!."

" Sige iputok mo ang baril na hawak mo, yun ay kung gusto mo ding sumabog ang bungo ng minamahal mong anak.. "

Papalit-palit ang tingin ni Gavon sa anak nya. At sa baril na hawak ni Mina, na kasalukuyan din namang nakatutok sa gilid ng ulo ng kanyang anak.

" M-mina.. nag mamakaawa ako sayo.. p-pakawalan mo na si lizzie.. Pakawalan mo na ang anak k-ko. "

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon