CHAPTER: 16A

116 8 0
                                    


The Phychopath Killer

Chapter: 16A Sibat

Si Spade nasa loob ito nang isang silid. Ang silid na ito ay para lamang sa mga taong marunong humawak nang espada.  Kung baga practisan lamang ang silid na ito.

Mag isa si Spade hawak nya ang kanyang espada na tila inaatake nya iyon sa hangin.
Galit at puot ang nararamdaman nya ngayon mula sa taong nasa likod nang pag kamatay nina Bill, Lucas at Xue at kahapon naman ay si Vin. Bakit ba nang yayare sa kanila ang bagay na ito. Totoo kayang buhay si Rebecca at nag hihiganti ito sa kanila. Pero naniniwala sya sa sinasabi ni Lux na matagal na itong patay. Matagal na panahon na ang nakalilipas.

Pero paano nga kung may taong gumagawa nun para sa babaeng yun. Sino ang taong yun ano ang kaugnayan nya kay  Rebecca. Hindi nya maiwasang maisip ang isang  misteryosong babae din kahapon. Ang totoo nyan wala silang nalaman na kung ano dito .  Hindi din ito nag pakilala . May hiningi lamang itong kapalit bago sabihin ang kanyang nalalaman. Tingin ni Spade mukha namang may alam nga ang babaeng yun. Nakikita nya iyon sa mata ng babaeng ito na nag sasabi ito ng totoo.

Pero ayon sa babaeng ito, matapos nang tatlong araw palamang niya ito sasabihin. Babalik din daw ito sa Hide out. Para  kay Spade mistulang kilalang kilala din sila nang babaeng yun.

Isang huling pag atake ang ginawa ni Spade. Hanggang ngayon hindi parin sya pumapalya sa pag gamit ng espada. Kung hindi siya tinuruan ng taong yun na humawak ng ganitong armas.  Hindi sana sya ganito ngayon.

May naalala tuloy syang tao at kung naririto pa at buhay pa sana  ang taong yun. Hindi sana mang yayari ang bagay nato sa kanila at tama si Max siguradong hindi nito hahayaan na may masaktan ni isa man sa kanilang mga myembro pero matagal na syang patay.  Hindi maiwasang mapangiti ng mapait ni Spade. Ito din sana ang taong kasa-kasama nya ngayon mag practice.

Tangina.. Kung hindi lang sana nang yare ang aksidente nayun...

" Mahusay kadin palang gumamit ng espada "  Isang malamig na boses ang  narinig ni Spade sa kanyang likuran. Hindi pamilyar ang boses nayun sa kanya.
 

Nilingon nya ito. Pamilyar ang mukha nito para kay spade. Ah tama sya yung sinasabi nilang Misteryosong Transferee. Ano naman kayang ginagawa nya sa silid na ito.?  Agaw pansin naamn din ang tila mala stick nitong dala. Pero alam ni Spade hindi iyon isang ordinaryong stick. At hindi din iyon isang Stick kung di isa  itong tunay na espada katulad nang hawak nya.

" Maganda ba? Gusto mong makita at subukan."  Tinutukoy nang babaeng ito ang bitbit nyang espada na agad nya ding hinugot sa lalagyan nito. Sobrang talas. at haba nun. Halatang matibay.

Isa itong samurai   pero ang tanung ni Spade  bakit naman may ganoong bagay ang babaeng ito. Pag kakaalam nya iilan lamang ang may ganoon lalo na sa panahon ngayon.

" Isa itong napakagandang regalo mula sa napaka importanteng tao. Gusto mo bang subukan. Balita ko magaling karaw sa espada. "  Blangko lamang din ito kung mag salita. Totoo nga ang usap-usapan na naririnig ni Spade. Tunay ngang may pag misteryoso  ang transfering ito. Saan ba sya nag mula? Isa ba sya  sa mga pamilya nang assasin.

Ang dami nang tumakbong tanong sa isipan  ni Spade. Pero tama ba sya nang pag kakarinig? Hinahamon ba sya  nang babaeng ito? Hindi nya maiwasang mapangiti. Mukang padalos-dalos kung mag salita ang babaeng ito. Kilala ba nya ang taong kinakalaban nya?.

Sa isip ni Spade. Sana alam lang talaga nang babaeng ito kung ilang mga dugo na ang dumanak mula sa espadang kasalukuyang hawak ni Spade . Baka pag sisihan pa ng babaeng to ang mga salitang binibitawan nya. Nakakatawa sya.

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon