CHAPTER: 6A

146 9 0
                                    

Chapter: 6A Krayola


Si Lizzie inilibot pa nito ang tingin mula sa kabuoan nang opisina bago patayin ang ilaw. Tumingin sya sa kanyang relo. Halos mag se-seven narin pala . Dumeretso  sya sa parking lot. Kinuha pa nya ang phone  sa bag dahil sa pag tunog nun.

"Ano naman kayang problema nang isang to?"   Bulong niya. Si Tan nag text hinahanap nito si Carron. Hindi nya rin daw ito makontak.

" Nag away nanaman sila..."  Napailing si Lizzie. Hindi na sya bago sa dalawa . Mag aaway tapos mag babati. Ang gulo.

Bubuksan na sana nya ang pinto nang kotse nya nang may mapansin sya. Nanliit pa ang mga mata nya. Sa parking lot dadalawa nalang ang kotseng natitira. Isa na dito ang kotse nya. At kung hindi siya nag kakamali Kay Carron ang isang kotse.

" Kung ganun andito pa pala ang isang yun? Akala ko ba nag mamadali sya--"  Natigilan sya. Naalala nya ang sinabi ni Tan kanina. Hindi nya daw makontak si Carron at  hinahanap nya ito. Pero andito ang kotse ni Carron.

Pumukaw sa kanya nang pansin ang tila isang susi na nakita niya sa sahig.  Pinulot niya iyon. Tila may kaunting bahid pa ito nag dugo.  Hindi nya alam kung bakit nakaramdam sya nang kaba.

"AHHHH!!!!!"  mula ang sigaw na iyon sa labas nang building.  Isa lang ang mga salitang lumabas sa bibig ni Lizzie.

"Carron...." Agad na Tumakbo siya sa pinang yarihan nang malakas na sigaw.
hindi kalayuan iyon sa building na kinaroroonan nya. Bali Tatlong malalaking Building ang may roon ang Hanlim. At nasa ikaunang building siya.

Nakita niya ang isang Janitress na takot na takot mula sa katapat nang ikalawang gusali. Natapon narin ang tubig nitong hawak mula sa balde na halos nabitawan narin nang aleng ito. Takot na takot ang matandang babae. Tila may kung ano itong nakita na halos ikalamig nang kanyang katawan sa takot.

"Ate ano ponang nang yare.... D-diyos ko po..."  Halos hindi maatim na tingnan ni Lizzie ang  taong kasalukuyang nasa harapan nila nang Janistress. Ang taong kanila lamang ay kasakasama niya at may makikitang ngiti sa mga labi. Nasa Ngayon naman ay kasalukuyan nang bangkay sa kanyang harapan.

"C-carron...." Mistulang tumalon ito sa napakataas na gusaling nasa kanila ding harapan.  Kaawa-awa ang sinapit nang katawan nang kaibigan.  Halos mabasag na ang  bungo nito, may iba naring mga laman na nag kalat mula sa ibang parte nang katawan nito na nag kapiraso. At ang mga dugo din nitong  unti-unting kumakalat sa sahig .  Halos Hindi  na nya makilala ang mukha nang kaibigan.

Hindi nakapaniwala si Lizzie. Nanginginig, nag papanic. Hindi na nya alam ang gagawin. Hindi nya alam kung bakit nang yare ang bagay naito sa kaibigan. Natigilan siya. Ramdam nya , nararamdaman nya may mga matang nakatingin mula sa itaas nang gusaling iyon.  Gusali kung saan bumasak si Carron.

"Iha!!! saan ka pupunta!!"  Alam nyang may taong gumawa sa likod nang lahat nang ito. Sinisigurado nya hindi iyon magagawa nang kaibigan.

Patakbo nyang tinahak nag Rooftop nang gusali.  At halos habulin na niya ang kanyang hininga nang marating ang tuktok nito. Pawisan narin sya.  At ramdam na ramdam ang malamig na hangin na dumampi sa kanyang mga balat.

Ngunit wala siyang nadatnang iba. Wala na ang taong iyon. At ang isang lumang silya lamang ang naabutan niya. Nilapitan niya iyon nang may mapansin ilaw mula duon.

Ilaw na nag mula sa isang cellphone at kung hindi siya nag kakamali. Pag mamay-ari ito ni Carron. Nakita pa nya duon ang pangalan nang lalaking si Tan. Nakailang tawag na ito sa kasintahan...May ilang messages din ito na kung saan may isa duong naka agaw sa kanya nang pansin.

" Nakipag hiwalay si Carron kay Tan?"  Ngunit malabong gawin iyon nang kaibigan. Dahil alam nyang labis ang pag mamahal ni Carron sa lalaking ito. Isang papel naman ang pumukaw  din sa kanya nang pansin.

May nakasulat duon isang salita. Tila pulang bagay pa oh mistulang pulang krayola ang ginamit dito. At kung babasahin mo ang salitang iyon mababasa mo dito ang katagang.....





" Die...."

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon