Chapter: 53

92 6 0
                                    


Chapter: 53 Angkan.

" AHHHH!!!"  inis na tinapon ni Gavon ang Cellphone na kanina pa nya pading hawak. Yung lalaking yun kanina pa nya ito tinatawagan. Pero ni isa sa mga tawag nya hindi manlang  sinagot.

" Lux.. "   Bakas ang pang gigil ni Gavon sa pangalan na ito. Nang sandaling mabanggit nya ang pangalan ng taong ito.

Hindi nya lubos akalain na magiging sakit pala ang lalaking ito sa ulo. Tangina. Sana pala pinapatay nya nalabg din ito.  Ilang beses na nya itong kinumbinse ngunit masyadong matigas ang kokote ng lalaking ito. Bwisit. Isang maling salita lamang nito, Siguradong masisira lahat ng plano nya. Hindi makakapag dun si Gavon. 

" Bwisit!!!"  Kinuha nya ang baril at pinutok iyon sa isa nyang armado. Agad itong bumagsak. Nang gigigil na si Gavon. Isang tanong ang kanina pang gumugulo sa isip ng matanda.

Alam na nya kaya.

Hindi. Hindi pwede dahil sa oras na malaman na nya lahat masisira lahat ng pinag hirapan nya. Kailangang mapasakanya si Mina. Kailangan mapasakanya ang babaeng yun!

Ayaw na nyang maulit pa ang  maraming beses  na pag kabigo nya mula sa pamilya ng babaeng yun. Matagal nanyang pinag aksayahan ang pamilya nito pero bwisit bakit ba ang hirap nilang makuha.

" Boss , may bisita kayo..."

" Hindi ako tumatanggap nang bisita ngayon.  Pag nag matigas patayin nyo."  Gigil na saad ni Gavon.

"Talaga? So maski pala talaga anak mo papatayin mo nang dahil lang dyan sa kasakiman mo??.. " 

Yung boses nayun.

Mabilis na bumaling si Gavon sa may pinto. Parang binuhusan sya ng malamig na tubig nang makita ang taong ito.

" Li-lizzie anong ginagawa mo d-dito?"

" Bakit parang takot na takot ka dad? Hindi ka ba masaya na sa tinagal tagal ng panahon ngayon lang ulit ako tumuntong sa opisina mong kulang nalang  maging tirahan  mo na?"

Nag tataka sya  sa kinikilos ng anak. Bakit parang galit na galit ito. Lumapit si Lizzie sa ama. Galit na ibinaba ang brown envelop na dala-dala.

" Umamin ka. Dad.  Ikaw  ang dahilan ng lahat kung bakit nag hirap si Rebecca. hindi ba. Ikaw ang nag utos  sa mga Blackdemons para gawin ang bagay nayun!."

Matapang na sambit ni Lizzie.

" A-ano bang sinasabi mo...."

" wag kanang mag - maang maangan. Naririto na ang ebedensya!. "   

Kahit hindi buklatin ni Gavon ang nasa loob ng lumang  envelop na ito , alam nya kung anong nasa loob nito.

Tinago na nya ito, ang mas alam nga ng matanda pinasunog narin nya ito. Dahil alam nyang baka ito pa ang makasira sa lahat.

Nag lalaman ito ng isang pahina mula sa diary ni Rebecca. Nalaman kase ni Gavon na nag susulat  parin si Rebecca nung mga oras na wala na talaga ito sa katinuan. At iyon ang sabi ng nurse na ipinadala nya dito. Inutos nya yung kuhain baka maging problema pa nila sa huli pero hindi nakuha. Kaya naman pinasunog nalamang nito ang bahay na tinutuluyan ng babae. Pero hindi nga lang alam ni Gavon kung nasunog din ang Diary.

Pero pinabayaan nalang nya yun dahil tila parang nasasakanya naman ang huling pahina , hawak nya ang iba pang mga sagot sa lahat na ng yare sa buhay niRebecca. Sa tinagal ng panahon napag pasyahan na lamang nyang ipasunog ang mga bagay na ito, wala nadin namang nang yayare kung itatago pa nya ito kaya mas mabuting tuluyan  narin itong mawala.

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon