CHAPTER: 10A

127 11 0
                                    

Chapter: 10A Palabas.

Tahimik lamang na kumakain si Lizzie.
Ngunit panay  naman ang sulyap nito sa babaeng kasabay nya. Tila kakaiba ito ngayon. Alam nyang may pag ka misteryoso talaga ang babaeng ito ngunit tila mas kakaiba sya ngayong  araw.

Kanina parin nitong hindi ginagalaw ang pag kain. Diretso ang tingin at blangko lamang ang mukha.

"Noah." Isang pangalan ang  lumabas sa bibig nito. Tila napatigil naman agad si Lizzie. At takang binalingan nang tingin ang babaeng kaharap nya.

Noah? Kung hindi siya nag kakamali pangalan ito ng  isa sa mga misteryosong Nerd ng paaralan nila. At Ito din ang taong tinulungan nang kaibigan nyang si Mina.

" Ah- Sya yung tinulungan mo sa field."Pag tutukoy ni Lizzie sa lalaki.

"B-bakit may nang yare ba?"  Hindi sya sinagot ni Mina

" Ahm- Isa sya sa mga kilalang wirdo dito sa school. Kung hindi din ako nag kakamali half brother nya yung leader nang Black demons. Anak sya sa labas kaya ganun nalang ang galit ng grupo sa kanya. Pero iilan lang ata ang nakakaalam na Half Brother sila kase  mag kaiba sila ng apelyido, At ang ginagamit ni Noah na na apelyido ay yung sa nanay nya.. Mukang ayaw din talagang ipakilala ni Luxx na Half brother nya ito sa nakakarami... " Nag isip pa nang mga karagdagang impormasyon si Lizzie.
" ahm.. sabi din nila, misteryoso din ang isang iyon at nag sasalita mag isa. May sayad ganun." Iba din ito kung manamit  At laging naka Jacket dug ang init kaya sa pilipinas. Wag mo sabihing balak nyang mag puti? Takot maarawan bamipira?

"Pero kahit ganun daw yun sobrang talino. Madalas syang ginagawang Utus-utusan at mistulang  Maker Assignment' project Machine nang mga ilang estudyante lalong lalo na ang Blackdemons. Wala nalang syang nagagawa kung di ang sumunod dahil suntok  at sipa sa sikmura ang aabutin nya."  Hindi maiwasang makaramdam ng awa ni Lizzie para sa lalaki.

" Pero sabi naman nila. Mabait yun kaso nga lang laging nabubully. Kaya nakakaawa."  Binalingan nya nang tingin Si Mina. Nasa ngayon ay nasa kanya narin ang atensyon.

"B-bakit? Nakausap mo ba sya?" Sa pag kakaalam din ni Lizzie.  Takot din ang lalaking ito sa mga tao marahil din siguro sa trauma. Madalas itong mag isa at pumunta sa walang taong lugar.

" Kakaiba ang lalaking yun." Blangkong saad ni Mina. Otomatikong napakunot ang noo ni Lizzie.

" ah-Huh??"  paanong naging kakaiba?. Pero sabagay kakaiba nga. Kase may pag  wirdo  talaga ang lalaki. At masasabi mo ngang may kakaiba sa isang tao kapag nalalaman mo itong nag sasalita mag isa.

Walang duda. Kakaiba nga.

" Ah! Oo! Kakaiba nga sya.." Na medyo wierd hindi lang sa pag iisip kung di sa pananamit. Old style na laging naka jacket.

Weird...

" Kakaiba sya. Mas higit pa sa tingin nyo." 

" Ah- Huh??" hindi maiwasang maguluhan ni Lizzie. Ano bang sinasabi ni Mina. Hindi nya maiwasang mag taka. Mas sumeryoso padin ang mukha nito  kesa kanina.

"Anong ibig mong sabihin?."  Hindi sya sinagot ni Mina. At Umiwas lang ito ng tingin.

Iba ang kutob ni Mina sa lalaking yun. Kanina sa rooftop nung mga sandaling hawakan nito ang kanyang kamay.  Mistulang  may naramdaman syang kakaiba. Tila maala kuryenteng nag uugnay sa kanila. Hindi nya alam ang pakiramdam na iyon. Ngunit parang naramdaman nya narin ito noon.

Mistulang  may kung sino taong gumawa narin sa kanya nang bagay na iyon. Hindi nya alam kung sino. Hindi nya maalala.

Lalo nadin ang mga mata nito. Kakaiba hindi mo aakalaing sa maamo at inosenteng mukha nang lalaking iyon. May makikita kang tila kakaiba sa kanyang mga mata. Tila  natutulog na isang bagay. Isang bagay na maaring  maihalintulad sa isang natutulog na halimaw. Ngunit hindi pa sigurado si Mina kung iyon  nga dahil nag lalaban parin ang inosenteng pag katao nito na tila  niwalang kamalay-malay sa mundong kanyang ginagalawan. Pero ang mga matang iyon tila parang nakita narin ito noon ni Mina. Hindi nyalang din alam kung saan at kung kelan.

At sa mga sandaling iyon tila  isa ding boses ang narinig nya mula  sa kanyang isipan. Isang  boses mula sa mg alaala nang isang nakaraan. At ang mga katagang iyon ay ang..

" Mag kikita pa tayo sa Empyerno."

Hindi nya lubos na kilala ang lalaki ngunit
may kung ano parin siyang kakaibang nararamdaman. Ngunit hindi maiitangging
sa lahat nang nakilala nya ito lamang ang taong nag lakas loob na hawakan ang kanyang kamay. Lakas loob na mag bigay nang isang walang kwentang bagay. Mag bitiw nang mga salita sa kanya. Tulad lamang nang katagang mabait. Kung alam
lang sana nang lalaking iyon kung sino  talaga ang taong  sinasabihan nya nang mga papuring  iyon baka bawiin nito ang mga salita. At  kung kumausap din ito sa  kanya, Tila isang makinang walang tigil sa pag buga nang mga salita. kahit pa hindi  panaman talaga sila lubusang mag kakilala.

kakaiba talagang maiituring  ang lalaking iyon. Nakakainis man para kay Mina. Ngunit tila may kung ano pa syang nararamdaman na mabilis na nag papawi sa inis na iyon. At hindi nya din alam kung ano ang bagay na iyon at kung saan ito nag mumula. Parehas sa pakiramdam nang mga sandaling iligtas din sya nito ,Masyadong kakaiba. Ayaw nya nang ganuon pakiramdam. Kinamumuhian nya ito.

Ngunit si Lizzie, Nakatitig parin ito sa mukha ni Mina. Kanina pa talaga syang naghihintay nang sagot mula sa kaibigan.
Tumikhim pa ito   bago mag salita.

" Ah-m sya nga pala, May gaganaping Drama Theater bukas , pupunta kaba? Exclusive yun sa lahat ng mga student. Wag kang mag alala free lang naman"  Pag iiba ni Lizzie sa usapan.

" Maraming palabas ang magaganap kase its a contest, wag ka mag alaala  for sure  naman mag eenjoy ka."

Hindi umimik si Mina. Ngunit nakinig naman ito sa sinabi ni Lizzie. Alam nya ang naturang contest na ito. At dadalo sya dito. Hindi dahil para mag mistulang manonood at makipabilang sa mga audience. Kung di dahil para maging isa sa mga taong bumubuo  sa likod  mula sa  palabas ding iyon. At sinisigurado nya higit pa sa inaasahan nang nakakarami ang inaakala nilang mang yayare sa araw na iyon. Higit pa ito sa isang palabas.

__________
Dont Forget to Vote' & Comment:)

Any Questions? Ma Dear?:))

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon