EPILOGUE

204 9 1
                                    

Chapter: 60  Pag tatapos.

"AHHH!!"   Isang malakas na ingay ang umalingasaw sa paligid. Mula sa isang bagay na nabasag.

"KIANNA!"  Medyo napalakas ang boses ni Josephine. Pero andun parin ang pag aalala sa anak. Napalingon din si Sandro tila nagising din sya sa katotohanan. Kanina pa kase malalim ang iniisip ng matanda.

" P-pasensya na po Mommy, Gusto ko lang naman po ibigay kay daddy itong kapeng ginawa ko, kaso po mainit kaya aksidente kopong nabitawan. S-sorry po." 

Nakatingin lang si Kianna sa mga nag kapira-pirasong parte ng Baso na makikita sa sahig. Nabasag kase ito ng mabitawan nya ang baso.

" Naku. talaga hindi ka talaga nag iingat. Sige na ako na ang bahalang mag linis nito..Pumunta kana sa kwarto." 

" Opo. Mommy. Sorry po ulet."  Mabilis na umalis si Kianna.

" Ano bayan... Sandro. Yung anak mo ah, pag sabihan mo din  yan. "  Inilagay nanya ang nabasag na baso , sa kalapit na basurahan.

Napabaling si Josephine sa asawa. Pansin nya na simula pa kanina. Hindi pa ito naimik. Kinina pading tulala wari moy malalim ang iniisip. Hindi rin ito umaalis sa kinauupuan kaharap ang maliit na lamesa.

" Sandro... Ayos kalang? May bumabagabag ba sayo??" 

Nilapitan nya ito. Hinawakan pa nya ito sa balikat.  Nag aalala nasya. Kanina pa talagang hindi nag sasalita ang asawa nya. Hindi din ito sumabay  kumain ng hapunan.

Sumulyap sya sa mga papel na nakalatag sa lamesa.  Mga Papel na huling pahina daw ng diary ng yumaong pamangkin nya. Sinubukan naman ni Josesphine na tanungin ito kung saan galing. Pero maski ang asawa, hindi alam. May nag bigay daw

Nandun din ang pinaka  Diary , nasa gilid ito nakapwesto.

" Ano nanaman bang iniisip mo."  Umupo sya bakanteng silya. Binalingan nya ng tingin ang asawa.

" Patungkol nanaman ba yan sa mga pamangkin mo??-- T-eka. Si Mina? nasan sya hindi pa ba sya uuwi? Delikado na sa daan...?"  Luminga linga pa si Josephine.

Anong oras na  9:00 na nang gabi. Ni kanina hindi pa ito umuuwi. Alam naman nyang malakas ang babaeng ito, pero masyado paring delikado sa daan nang ganitong oras. Maraming mga masasamang lalake na nang kalat dyan sa kanto. Alam naman ni Josephine na kinamuhian nya nga ang pamangkin pero ibang iba na ang nararamdaman nya ngayon.

Yung pagkamuhi nayun, di kalaunan   napalitan din iyon nang kaba, at pag aalala.

" Umuwi din sya kanina."

" Hu-h? P-pero bakit hindi ko nakita?. Asan sya?"  Bakit hindi din ito sumabay sa kanila sa hapunan. Bukod padun hindi nya nararamdaman nag presensya nito sa loob ng bahay.

" Pero mabilis din  syang umalis."

" S-saan pumunta??.."

Isang malalim na pag hinga, ang pinakawalan ni Sandro.

"Tatapusin na nya ang lahat. " 

Si Mina umuwi nga ito  sa bahay ni Sandro
ngunit saglit lang at mabilis ding umalis.
Pero bago paman ito tuluyang makalabas ng pinto. Nakasalubong pa ito ng matanda.

Nag papalit palit ang tingin ni Sandro sa galit na mukha ng pamangkin. At sa baril nitong hawak. Kilala ni Sandro ang dalawang baril nayun. At halos kilabutan sya ng makita ang mga bagay naito na hawak mismo ng kanyang pamangkin.

Halos manginig sa takot si Sandro dahil parang hindi na nyarin makilala ang pamangkin. Ang mga mata nito mas lalo iyong napuno ng galit. Mas lalo nang nilamon ng kasamaan ang kanyang pamangkin. Mistulang tuluyan na talagang  nagising ang halimaw na nasa katauhan ni Mina.  Ni hindi na mapigilan, at handa nang pumatay nang kahit sino.

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon