CHAPTER: 28B

103 7 1
                                    


Chapter28B Devion.

Si Sandro, kanina pa nyang hinahanap si Mina. Kanina padin nya kasi itong hindi  nakikita. Wala naman itong pasok ngayon kaya saan naman ito nag punta.

Tanghali nadin pala.

" Kianna, anak. Nakita mo ba ang iyong ate Mina."  Natigilan pa ang bata sa ginagawa.

" Sorry po daddy pero hinde po eh. " 

" Maaga syang umalis. Tatapusin na daw nya ang lahat."  Ang batang  si Tales  ang nag salita. Kararating lang nito. Bumaling si Sandro sa bata. Sa isip pa nang matanda. Ito palang bata nato ang Tales na sinasabi ni Mina nuon.

" Anong ibig mong sabihin...??"

" Alam mo na kung anong ibig kung sabihin.  Bago pa lumubog ang araw sinisigurado nya na mag babayad ang lahat. Walang makakatakas." 

Natigilan si Sandro , alam nya na kung anong nais ipahiwatig ng batang ito. Kung ganun ba ? Gagawin na ni Mina ang sinasabi nya.

Tatapusin na nya ang lahat sa mismong araw na ito.

* *

Si Lux presente lamang na nakaupo sa kanyang sofa. Ilang stick narin ng sigarilyo anh nauubos nya. Mga ilang beses narin syang napapasulyap sa cellphone nyang nasa gilid.  Ngumisi sya, hanggang kelan ba sya kukulitin  ng matandang ito. Natatakot naba sya. Napaka kulit ng taong ito, parehas lang sila ng anak nya.

Si Lizzie nakausap din ito ni Lux. Tumawag ito kanina. Ano pa ngaba? Gusto ng babaeng ito na malaman ang totoo kaya sinabi ni Lux ang katotohanan. Isa din yung babaeng yun, Masyadong magaling mag malinis akala mo naman walang kinalaman sa pag kamatay ni rebecca. manang mana sa kanyang ama.

" Tch." 

Tinapon nya ang cellphone.Kanina pa syang naiinis sa taong walang tigil na tumatawag dun. Napasulyap din sya sa baril na hawak, Isa nalang ang kulang.

Kelan ba darating ang babaeng yun.
Hindi na sya makapag hintay sa posibleng mang yare.

Ano kayang magiging reaksyon nang babaeng ito sa oras na malaman nya na ang taong pinag kakatiwalaan at pinoprotektahan  nyang yun , ang sya din namang dahilan  ng lahat.

Tumawa si Lux, para nasyang baliw. Umiling iling pa ito.

" Tingnan mo nga naman ang tadhana , masyadong mapag laro."   Binuga nya ang usok ng sigarilyo. Natutuwa si Lux  habang nag babalik tanaw  sa lahat nang mga nakalipas ,kung papaano nag simula ang napaka kagandang  bangungot na ito.

Nagsimula ang pang yayaring yun nang makilala nila  Si Gavon,  inalok sila nito para gawin ang isang bagay na ang kapalit ay ang pag hahari sa Hanlim University.
Sa kasalukuyan si Devion Pa ang kanilang tinuturing na pinuno.

Sya si Devion Art Cliffword  ni hindi mo nanaisin tumingin sa mga mata nya. Dahil
isa yun sa mga mahigpit na pinag babawal ng lalaking ito. At once na nag kamali ka at nagawa mo ang bagay nayun. Dalawa lang ang kalalagyan mo, Yun ay ang  mamatay sa mga kamay nya, oh mismo sarili mo ang papatayin mo. Masyadong sakim ang lalaking ito na may pag ka tuso. Mayabang at mataas ang tingin sa sarili.

Hindi naman ito katulad ni Lux na madalang lamang kung mag salita. Nag sasalita ito kung kinakailangan ngunit sa lahat ng mga salitang lumalabas sa bibig nya, may mga kasamang malulutong na mga mura.  Ayaw nya ding hindi nasusunod ang mga nais nya, yun ang kinaiinisan nya. Ayaw nya ng tinapak-tapakan sya ng kung sino lang nag iinit agad ang ulo nya.

Gusto nya sya lang ang tinitingala, walang mas nakakataas sa kanya kung di sya lang dapat. At kung meron man papatayin nya ang taong yun.Katulad nang nasabi, tuso din ang lalaking ito, tsaka lamang sya  kakagat sa alok mo kung may katuturan ito . oh kung malaki ang mahuhuta nya bilang kapalit.  Malaking pera man nyan oh Isang napakalaking karangalan. Gusto nya yun.

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon