CHAPTER: 30A

101 7 0
                                    


Chapter: 30A Nakaraan.

Samantala si Yaya Tesi. Kararating lang nito sa bahay ni Noah.

At halos magulantang ang babaeng ito mula sa  naabutang sitwasyon ng kanyang alaga. Aligagang-aligaga itong lumapit dito.

" Jusko po! NoahAnong nang yare sayong bata ka..

Sobra na itong nanghihina. Inalalayan nya ito at dinala sa sofa.

" Noah. Anak.. Ayos kalang. Susmeryosep...Ano bang nang yayare sayo...  ."  Kinakabahan si Tesi.

Hindi kaya tama ang kutob nya. Siguro umiral nanaman ang sakit nito.

" Yaya.. S-si Mina."

Natigilan si Tesi.

Yung babae na  nakasalubong nya kanina , mula sa pag pasok.  Iyon ba ang babaeng tinutukoy nito. Kung ganun  iyon  pala ang sinasabi nilang Mina.  Ang pangalan na narinig nya mula sa usapan nila Lux at ng grupo nito.. 

Kapatid daw nito ang babaeng naging biktima ng nasabing grupo.

At Tama pala , ang  mga narinig nyang deskripsyon mula din sa babaeng ito.
Unang kita mo palang, kikilabutan kana agad. At ito din mismo ang naramdaman ni Tesi nang makasalubong nya ang babaeng ito.

Nakakatakot pala talaga sya.

Si Yaya Tesi, hindi lang sya basta yaya ni Noah kung di sya na  talaga ang nag alaga sa lalaking ito  una palang. Simula nung mga panahong  namatay ang mga magulang ni Noah buhat sa isang car accident. Iniwan at pinaubaya  na sa kanya ang lalaki. Sya narin ang tumayong ina at ama para dito.

Kaya hindi din malabong, may alam sya sa lahat . May kamalayan si Tesi sa mga nang yayare, Batid ni Tesi na ang mundong ginagalawan ni Noah ay bunga at nabuo  lamang mula sa  isang kasinungalingan.
Pero nanatiling walang kamalayan ang kanyang alaga dito. Dahil wala itong kaalam-alam sa lahat.

Sa madaling salita , batid sa kaalaman ni Tesi na hindi talaga Noah ang totoong pangalan ng kanyang alaga.

Devion

Devion ang totoong ngalan nito. Si  Devion talaga ang taong ito . Ito ang totoong katauhan ng kanyang alaga . At Alam nya na nag karoon  lang ito ng amnesia kaya wala itong maalala sa nakaraan at sa  totoo nitong pag katao. At  si Lux ang may punot dulo ng  lahat. Alam nya din na si Lux at ang ama nito ang umagaw sa lahat ng pera at ari-arian  ni  Devion nang mga oras na mawalan na  ito ng alaala.

Sa isang iglap nawala ang mga kayaman ni Devion, at lahat nang yun sinimot at inilipat sa pangalan ng mag-ama.

Nais nya mang ipaalam kay Noah ang katotohanan at ang kasamaan nang mag ama. Na hanggang ngayon din naman ay inaakala parin   ni Noah na  pamilya . Ngunit hindi  magawa  ni Tesi  dahil binalaan sya ni Lux na papatayin sya nito sa oras  na ibunyag ang lahat ng sikreto. Binalaan sya ng lalaki na papatayin sya maging si Noah sa oras na ilantad ni Tesi ang katotohanan.

Kaya simula nun tinanggap nalang nya ang lahat, kahit pa masakit sa kanya na makita ang alaga na  nang hihirap.

Namumuhay sa isang kasinungalingang akala nya tototo. Ni Walang kaalam-alam sa nang yayare.  Nag titiis sa maliit  na bahay na ito, walang kamalay-malay na unti-unti nang nasimot lahat ng ari-ariang iniwan sa kanya ng yumaong pamilya, mga kumpanya, mansion, pera , lahat-lahat. At hindi si Noah ang nakinabang ng lahat ng yun  kung di ang mag amang ubod ng kasakiman sa sarili..

Pero wala namang magawa si Yaya tesi dahil isang  hamak na  yaya lamang syang maiituring.  Walang kalaban laban .Na kumg tutuusin  kahit ano mang oras ,pwedeng kitlin ng buhay mula sa mag amang iyon.

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon