CHAPTER: 19B

103 9 0
                                    

The Phsychopath Killer

Chapter: 19B Bike.

Kanina pang nag hihintay si Lizzie sa labas ng classroom ni Mina. Masakit narin ang mga binti nya. Mabuti nalamang at lumabas na si Mina. Sinalubong nya ito

" Mina kamusta kana.. Nasaktan kaba kanina..."  Sinabayan nya ito sa pag lalakad.

" Hindi. " Mabuti naman kung ganun. Pero  yung nangyare sa tauhan ni Gavon. Hanggang ngayon malaking katanungan parin iyon para kay Lizzie.

At gusto nyang tanungin ang babaeng kasama nya patungkol dun.

Pero sa nakikita nya kay Mina. Parang hindi din ito makausap. Pero sabagay lagi naman itong hindi nakakausap.

" Medyo  close na pala talaga kayo ni Noah." Ngumiti si Lizzie.

" Hindi masyado." 

" Pero iba naman ang nakikita ko. Haha." Dumaan si Mina sa locker nya may kukunin ata. Medyo kumunot ang noo ni lizzie sa bagay na nakadikit sa labas ng Loker ni Mina.

" Ano yan? San galing?"  Tila maliit na papel ito. Tapos may kasamang Bulaklak na gawa sa papel.

Hindi umimik si Mina. Kilala na nya kung kanino galing ang bagay nato.

"Noah?. "  Binasa ni Lizzie ang pangalan bago tumingin kay Mina. " Kay Noah? galing ang bagay nato?"  Medyo nanliit ang tingin nya. Ngunit seryoso parin si Mina. Ni walang pakeelam kung kanino man nang galing ang bagay nayun.

" Ano to huh?..May hindi ba ko nalalaman? friends lang ba  talaga kayo? bakit may Pa flower kapa?"  Makahulugang tingin ang binigay nya sa kaibigan.

" Hindi ko alam." Nanatili paring blangko mukha ni Mina.

Teka hindi ba sya nasisiyahan. Umalis na ito ay iniwan si Lizzie.

" Hoy teka!"  Idinikit ulit ni lizzie ang papel sa labas ng Locker ni Mina. tsaka ito hinabol.

" to naman di Mabiro. sabihin mo na atin-atin lang..Nanliligaw ba sya sayo?" 

" hindi."  Medyo tumaas ang kilay ni Lizzie. Sus Haha.

" haha. oo na "  Sumuko nalang si Lizzie. Baka tuluyan na kasi itong mainis at mas lalong hindi na sya pansinin. " uuwi kana ba?  Oh may pupuntahan ka pa?"  Tanong nya kay  Mina. Minsan kase pag time na ng uwian nakikita parin nya si Mina sa school. Oh di kaya naman sa lugar na hindi inaasahan.

May naalala sya.

" sya nga pala. Alam mo din ba yung nang yare na sunod sunod na putok ng baril. Malapit dito sa Hanlim.... Yung namatay si Vin?" Parang napansin kase ni Lizzid si Mina duon. Medyo natatakpan ito ng kumpulang tao.  Hindi nga lang nya sure kung si Mina ang babaeng yun. Pero may pag kakahawig.

Pero kung sya nga yun. Ano namang gagawin nya dun.

" Nung namatay ba si Vin. Dun sa pinang yarihan ng aksidente  Nandun kadin ba." Wala syang nakuhang sagot kay Mina.

" ahm.   Baka nga hindi ikaw yun.... Sige kalimutan mo nalang."  Baka nga hindi si Mina  ang babaeng yun. Medyo pagod narin kase si lizzie  nung mga Time nayun kaya kungsino- sino na nakikita nya. Marahil hindi talaga yun si Mina Kamukha lang.

"Ahm, pano bayan.. Una nako Mina. Nasa parking lot kase Yung kotse ko. Ingat ka huh..."  Oo na hindi na bago si Lizzie. Kung hindi man sya iniimikan nitong si Mina.  ewan ba sa kaibigan nya. Daig pa ang pipe na hindi makapag salita.

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon