CHAPTER: 14A

109 7 0
                                    


The Physchopath Killer

Chapter: 14A Kamukha

Si Lizzie kasalukuyan itong nasa Canteen. Nag hahanap nang bangkong mauupuan.
Natanaw nya si Mina hindi kalayuan sa kanya. Tulad ng nakasanayan mag isa nanaman ito. Ni walang taong gustong makisalamuha.

Pero rinig nya sa mga usap-usapan may isa pang tao bukod sa kanya ang lumalapit dito. Walanb iba kundi si Noah. Madalas daw silang makitang mag kasama nang lalaki1414ng ito, marahil siguro iniligtas ni Mina ang buhay ni Noah.

" Lizzie.."  Si Veron ang babaeng ito. Katulad nya nag hahanap din ito ng mauupan. Nakangiti si Veron.

" Saan ka uupo? Wala na kasing available na table. " Luminga linga pa ito.

Bumaling si Lizzie sa place na kinaroroonan ni Mina. Pero si Veron bakit parang gulat na gulat ito.

" B-bakit? Haha anong nang yayare sayo?"  Bigla kasing namutla si Veron. Nang mapalingon din kay Mina.

" Hanggang ngayon ba nakikisalamuha ka sa babaeng yan?"  Masyadong weird si Mina  para kay Veron.  Nakakatakot ang prisensya nya. Kung baga parang multo  sa isang Horror movie.

Bahagyang natawa si Lizzie. Wala namang syang nakikita na kakaiba kay Mina. Seryoso lang ito at hindi nag sasalita kase ganun na talaga sya. Iba iba naman kase tayo ng karakter sa buhay.

Medyo kumunot pa ang noo ni Lizzie.
Parang ang laki namang bigdeal kung makisalamuha sya sa babaeng tunuturing na nyang  kaibigan?.

" Hmmm?. Yes? Bakit naman hindi?."  nag kibit balikat pa ito. Bukod pa dun wala naman syang nakikitang mali kay Mina

" Alam mo masama ang kutob ko sa babaeng yan ehh .. Alam mo yun? ang creepy nya talagang tingnan." Ni walang gustong kumausap dito kase nakakatakot. Inobserbahan pa nya si Mina. " At tsaka  may namumukhaan  din ako sa kanya . "

Kumunot ang noo ni Lizzie. Kumukha?
May kamukha si Mina? Sino?

" Sinong kamukha?..Parang wala naman akong makita?."  Hindi naman nya kase ito tinititigan nang matagal. Hindi narin sila madalas mag kasama kase busy sa mga paper works itong si Lizzie. Bukod padun wala naman syang nakikita na kamukha nito.

" May kamukha sya.. At sigurado ako nag aaral din yun dito noon, Sino nga ba yun???.." Hinawakan pa nito ang dulo ng baba. Na wari moy ganun nalamang nya kung isipin ang taong ito.

.". Aha alam kona!"

Ibinulong  nito kay Lizzie ang pangalan ng taong iyon.

"A-  ano kaba matagal ng patay ang taong s-sinasabi mo?.."   May panginginig sa boses ni Lizzie.

" Kaya nga diba nakakatakot kase, sa tuwing nakikita ko sya naaalala ko ang babaeng yun sa kanya. Nakakatakot "  Medyo tila nanginginig pa kunware  ito.
"Sige na  Lizzie , hahanap nalang ako ng ibang mauupuan...-.. ahm bye.Goodluck" Tiningnan pa nito si Mina. Bago tuluyang iniwang mag-isa si Lizzie.

Binalingan ni Lizzie  ng tingin si Mina. Nakaside view ito tahimik parin itong kumakain. Kamukha nya ba talaga ang babaeng yun? Kamukha nya ba talaga si Rebecca? Ang bestfriend ni lizzie.  Marahil oo naalala nya ito dito , kaya din siguro nag kaatensyon sya dito nung una pero  ang sabihing mag kumukha  pa sila ni Rebecca. Hindi pa nya iyon napapansin.

" Mina.. Pwede pasabay."  Hindi sya pinansin nito. Umupo nalang si Lizzie sa bakanteng upuan..Marahil nga  medyo nakakausap na nga nya ito at nag kakasama sila kung minsan pero hindi nya alam kung bakit ramdam nya parin  na hanggang ngayon medyo malayo  parin ang loob sa kanya ni Mina.

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon