CHAPTER: 17A

102 7 0
                                    


The Phsychopath Killer

Chapter: 17A Kaibigan.

" Pasensya ba Boss. Pero nag hanap narin kame ng ibang mga estudyante na baka sakaling nakakita sa pag patay ni Spade pero wala eh. "

" Nag tanong-tanong narin kame. wala daw silang napansin"

" MGA INUTIL!" bumagsak ang isang utusan. Binaril ito ni Lux dahil sa nararamdamang matinding galit.

" Ikaw! alisin mo sa harapan ko ang basurang yan!!"  Utos ni Lux sa kasama nito. Sumunod naman agad ito at hinila ang bangkay nang kasama.

"Kung hindi tayo kikilos, baka unti-unti tayong maubos."  Saad ni Max. Hindi nya lubos maiisip na si Spade naman ang pinatay. Hindi na sya mag tataka kung sunod na sya sa papaslangin.

" Tingin mo ba hahayaan ko lang yun.  Hindi ako makakapayag."  Nang gigigil na si Lux. Pero ang totoo nyan puta hindi na nya alam ang gagawin nya. Tama si Max unti-unti na nga silang namamatay at nauubos pero hanggang ngayon hindi parin nila alam kung  sino ang taong nasa likod nito.

" Yung babae , Alam ko may nalalaman sya."   Si Kib ang taong ito. " Kailangan natin sya. Alam ko marami syang nalalaman. " Sigurado sya dun.

Ganun din ang kutob ni Lux. Kung umasta din ang babaeng iyon. Tila kilalang kilala na nya ang Blackdemons.

" Max. Hanapin mo ang babaeng yun.  Dalhin mo sya sakin." Dahil kung mag hihintay pa sila  ng tatlong araw baka maubusan na sila ng oras.

" Wag kang mag alala ako bahala sa babaeng yun."  kinasa pa nito ang hawak na baril.

" Lux. May nag hahanap sayo. "   Kumunot nag noo ni Lux. Tila parang andami atang tao ang nag kakainteres sa kanya ngayon.

" Papasukin mo."  Sino naman kaya ang taong ito.

Pumasok ang isang pamilyar na lalaki. May kasama din ito. At ito ang hindi  kilala ni Lux.

" Kamusta , Lux ang pangalan mo tama. Nag kakilala na tayo noon. Sya nga pala ako nga pala si Janver Tan Williams"   inilahad pa nito ang kamay.

Pamilyar nga ang mukha at ang pangalan nang lalaking ito para kay Lux. Parang nag kakilala na nga sila noon. Hindi nya maalala kung saan at kelan. Pero hindi ito ang tamang panahon para isipin ang bagay nayun.

" Anong pakay mo.?" tanong ni Lux.Imbis na abutin ang kamay ng lalaking ito.

Ngumiti si Tan at binawi nalang ang kamay.

" Ang pakay ko ay halintulad sa kung  ano ang gusto nyo." Nanliit ang mga mata ni Lux.

Si Kib kilala nya ang taong ito. Alam din nyang may dating may koneksyon ito kay Rebecca. Sa pag kakaalam din nya girlfriend ng lalaking ito ang babaeng tumalon sa ikalawang building. At ninais din daw ng lalaking ito na mag pakamatay nalang pero sa nakikita nya ngayon ibang iba ito sa mga kwentong naririnig nya.

Ang mga mata ng lalaki, tila may gusto din syang maabot na katarungan.

" Hayaan nyong ipakilala ko pa ang sarili ko. "  paunang sambit nito.

"Katulad nyo isa din ako sa taong tila nakikipag hulaan sa taong nasa likod ng nang  mga ng yayareng pag patay. Dahil isa din ako sa mga naging biktima nya at ang girlfriend ko."  Nasa kanya lang ang atensyon ng lahat.

" Akala ko suicide lang ang lahat but I was wrong. Hindi pala talaga dahil nalaman ko na sinadya pala talaga  ang lahat. Plinanong pinatay  ang girlfriend ko. " Naalala nya ang mga sandaling muntik na syang tumalon sa gusali ng Hospital. Mabuti nalamang at naabutan sya at napigilan pa nang isa  sa mga  kaibigan nyang detective na sya rin namang kasama nya ngayon. Si Angelo ang taong ito. . At nasabi na agad nito ang katotohanan bago paman mahuli ang lahat.

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon