CHAPTER : 7B

139 13 0
                                    

Chapter: 7B  Super Hero

"  Mina!!!"   Hinabol pa ito ni Lizzie. Napangiti siya hindi nya aakalaing makikita nya ito sa field na nag lalakad. Ngunit diretso lamang ito, Ni Hindi manlang huminto. Oh bumaling ang tingin sa kanya.

"Kamusta ka, Nakakatuwa naman ikatatlong araw mo na dito sa Hanlim. Kamusta na ang experience mo?"

Tanong ni Lizzie. Sinasabayan nya ito sa pag lalakad. Ngayon lang ulit nya ito nakita dahil busy sya sa mga pag submit nang death report sa office.

Naala nya  ang wala sa katinuan na si Reihn kinuha na ito nang pamilya nito.
Since isang sikat na Doctor ang ama ni Reihn kasalukuyan sya nitong ginagamot.

"Masaya." Medyo natigilan si Lizzie sa biglang pag sagot nito. Ngayon pa lamang nya narinig ang boses ni Mina. At maski pala sa mga boses nito wala ka paring mababakas na emosyon.

" ah- hehehe T-talaga ba? M-mabuti naman kung ganun"  pero ni gatiting  na saya wala syang nakikita dito. Sinabi nya ang mga katagang iyon na seryosong seryoso ang mukha. Sino niloloko nya?

Hindi alam ni Lizzie kung matatawa ba sya oh mawiwirduhan nanaman.

" Hay!! simula pa nung nakaraang araw ang dami ng nang yareng krimen. Nakakasawa na...." inunat pa nya ang mga braso tila pagod-na pagod sa nang yayare.

" Masaya ang pumatay.."   Tila  naistock ang hangin sa lalamunan ni Lizzie at gulat na tiningnan ang katabi . Na katulad nya napatigil narin ito sa pag lalakad.

" A-ano bang sinasabi mo??"  Hindi sya makapaniwala.. anong bang pinag sasabi ng babaeng  si Mina. Nahihibang naba sya kelan pa naging masaya ang pumatay ng kapwa.

"Masaya  ang pumatay...At  yun ang satingin ko ang iniisip nya.." Diretso lamang ang tingin nito sa harapan. Tila ang tinitingan nito ang tinutukoy nya. Naguguluhang sinundan iyon nang tingin ni Lizzie.

Kanyang natanaw ang mga ilang grupo nang mga kalalakihan na kasalukuyan din namang  gumagawa nang mga kasamaan. Hindi  kalayuan sa  kanilang pwesto.  Ngunit Isang lalaki ang mas agaw pansin sa kanila. Madali mo itong makikilala mula sa dragon nitong tattoo sa braso na halos sumakop na hanggang kamay. Pula  ang mga buhok nito. Nag tataglay din nang hikaw sa labi at taynga.
e
Siya si Billy Samsons ang  First member nang Blackdemons. Kilala sya mula sa pag gamit  nang kutsilyo.  Kutsilyong lagi din naman nitong dala-dala.

Kasalukuyan nitong binabatuk-batukan at sinisikmuraan ang lalaking halos mang hina na sa sakit na nararamdaman.. Ni walang kalaban laban at wala ding magawa kung di saluhin lang ang  mga suntok na iyon. At hayaan lamang ang mapanakit at mapang abusong lalaki sa ginagawa.Kilala ni Lizzie ang kawawang  lalaking ito Noah ang pangalan ng lalaki.

Noah Arvi Gonzales  isa sa mga kilalang wirdo ng paraalan. Iba ito kung manamit lagi din itong nakasuot nang  itim na salamin. Hawak lagi ang mga makakapal nitong  libro at hindi  maiitatangging matalino ang lalaking ito.

Pero suki ito nang mga pambubully at pambubugbog at wala nalamang itong magawa kung di tanggapin nalamang ang mga  masasakit na suntok sa sikmura, batok,  at Sipa.

"Kelan ba sya titigil.."Tanong sa kawalan ni Lizzie.Hindi na niya maatim na tumingin nalamang at manood. Habang may isa syang kaestudyante na sumasailalim ngayon  sa pang aabuso. Ang mga gamit din nito nag kalat na sa lupa. Tila sinabog pa iyon ni Billy kanina.

Nakita niyang nag labas pa nang patalim si Billy at akmang sasaksakin na ang kaawa-awang lalaki. Duon na bahala si Lizzie, kailangan nyang gumawa nang aksyon. Kailangan nya iyong pigilan.

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon