CHAPTER: 25B

101 7 0
                                    

The Phsychopath Killer

Chapter: 25B Kabayaran.

" Tangina asan na basya.!" bulalas ni Tan. Kanina pa syang hindi mapakali. Halos kaganina parin nyang kinokontak si Max. Pero hindi nito sinasagot ang tawag nya. Hindi rin ito nag rereply sa mga message nya dito.

" Tan! S-si Max nandito na sya.."

Nakahinga ng maluwag si Tan. Akala nya mag hihintay pa sya ng matagal. Pero nag taka naman sya sa kinikilos ng lalaking pumunta sa kanya. Bakit naman tila takot na takot ito.

Maya-maya pa ay nalaman narin nya kung bakit. Nang mapaling sya sa lalaking kararating lang. Si Max naririto na sya.  Pero halos tingnan  ito ni Tan  mula ulo hanggang paa.  

" M-max..."Hindi makapaniwala si Tan. Anong nang yare kay Max. Halos mabalot na ito ng dugo sa katawan ngunit pinipilit parin nitong tumayo. Basa nadin ang katawan nya na halos mag amoy ang gasolinang ibinuhos sa kanya. Nang hihina narin ito. Pero di kalaunan may isang espada ang biglang tumusok sa katawan ni Max. Mula ito sa likod ng lalaki.

Halos manlaki ang mata ni Tan....

Sino ano gumawa nun sa kanya?? Sino ang taong nasa likod ni Max.

At nasagot din naman agad ang tanong nayun ng  unti-unting bumagsak ang walang buhay na katawan ni Max sa lupa..  At sa pag kakataong ding iyon  tuluyan nang nakita ni Tan ang taong nasa likod  nito. Ang taong walang awang gumawa ng bagay nayun  sa kasamahan nyang si Max.

Halos mag tayuan ang balahibo ni Tan nang makita ang babae. Seryoso ang mukha nito. Binunot na nya ang hawak na espada mula sa likod ni Max  at  makikita mo pa  duon ang mga dugo na halos tumulo-tulo pa sa lupa.

Nanigas ang katawan ni Lux.

Yung mukha ng babaeng nasa harapan nya. Ni Hindi mo mabasa ang iniisip. Tila mas lalo  pa itong nawala sa katinuan. Hindi ito ang unang pag kakataon na makita  ni Tan ang babaeng ito  pero parang mas nakakatakot pa ito ngayon.

" Ate Mina!!!"  Si Tales

Mabuti nalamang at dumating na ang kanyang ate Mina.  Kaganina pa nya itong hinihintay. Tiningnan sya ni Mina at halos mas namuo  pa ang galit sa babae.

Ang ayaw nya sa lahat ay yung sinasaktan ang mga taong importante sa kanya. Mas nauubos ang pasensya nya. Iyon nag pinaka-ayaw ni Mina.

Nanginginig si Tan nang mag tama ang mga mata nila ng babaeng ito. Pero kailangan nyang maging malakas. Kailangan nyang maipag higanti si Carron.
Hindi sya makakapayag na basta-basta lamang syang mapapabagsak. Gusto nya  munang maipag higanti ang kasintahan at maabot ang katarungan dito bago sya baiwan ng buhay. At para mang yare ang bagay nayun. Kailangan nyang maging malakas at lumaban.

" Ano ba bitawan mo ko!"  Kinuha ni Tan si Tales at itinutok sa sintido ng batang ito ang baril na hawak.

" Pag lumaban ka. Tinitiyak kong sasabog ang bungo ng batang to.... Kaya Ibaba mo ang espadang hawak mo.." 

Seryoso lang si Mina. Ngunit hindi nya maiwasang  mapasulayap kay Tales na tila hindi narin makahinga dahil sa mahigpit na pag kakapit ni  Tan dito.

Sa lahat ng ayaw ni Mina ay yung inuutusan sya. Pero sa pag kakataong ito kailangan nyang sumunod sa utos nayun dahil hindi nya kayang may buhay nanamang mawala mula sa mga taong importante sa kanya.

Ang batang si Tales nalamang ang natitira sa kanya. Kaibigan nya ang batang ito. Ito din ang dumamay  at tumulong sa kanya para maisagawa ang ninanais nyang pag hihiganti.  Importante din ang batang ito para kay Mina kaya hindi nya kakayanin kung may mang yaring masama sa bata.

Pyschopath Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon